PBB 7

32 6 2
                                    

Pawang mga kaswal na kasuotan o damit panlabas lang ang laman ng mga kahon. Mayroon ding blangkong banner na nakalagay roon at ilang filt tip pen. Bukod pa roon ay may ilang light stick na nakalagay.

Lahat sila ay pumunta sa living room nang matapos silang magbihis. Hinintay nila ang anunsiyo ni Big Brother.

"Good morning, housemates."

"Good morning, Kuya/Big brother."

"Lahat kayo ay nakabihis ngayon ng panlakad. May ideya ba kayo kung anong gagawin niyo?"

"Pupunta sa MOA, kuya?" hula ni Jaya.

"Magiging audience sa Eat Bulaga?" segunda naman ni Kaizer.

Binunggo ni Mckenzie ang balikat ng katabi. "Bro, ibang channel 'yun!"

"Ay iba ba?" Napangiwi habang tatawa-tawa lamang si Kaizer.

"Kung walang ideya ang isa man sa inyo, pumunta na kayo ngayon sa activity area."

Nagbulong-bulongan naman ang housemates na wala ring ideya sa pakulo ni Big Brother.

Nang buksan nila ang activity area ay bumungad sa kanila ang set up na para kang nasa isang concert area. Halatang pinaglaanan talaga ng budget at oras dahil pati mga upuan ay ginaya. Maging ang walls ay pininturahan ng itim at ang corners naman ay nilagyan ng LED lights. Ang floor ay carpeted din.

Sa harap nila ay may isang maliit na stage. Sa likod naman noon ay isang  napakalaking TV na ang sukat ay nakalulula. Para kang nag-set up ng isang home theater.

"Muli ay binabati ko kayong lahat ng magandang umaga. Sa araw na ito ngayon ay bibigyan natin ng munting handog ang kapwa housemate niyong si Mia."

Tinukso-tukso ng mga katabi ang tinukoy ni Big Brother.

"Dahil iniidolo ko rin ang Westlife..."

"Papupuntahin mo sila rito Big brother?" singit ni Kit.

Tila ba hindi naantala si Kuya dahil itinuloy lang niya ang sasabihin. "..ay ipapanood ko sa inyong lahat ang Wembley concert ng bandang ito noong 2019."

Bagaman nakaramdam ng kaunting panghihinayang si Mia ay mas lamang pa rin ang saya niya. May mabuti rin palang naidudulot ang pagiging chismoso ni Big Brother. Dahil sa pakikinig nito ng mga usapan nila ay naging aware ito kung gaano niya kagusto ang Westlife. Bonus pa roon 'yung sinabi nito na idolo rin ni Kuya ang Westlife.

Kumuha ng tig-iisang popcorn ang housemates pati na rin tig-iisang litro ng C2 na ineendorso ng palabas. Ilang saglit pa ay nagsimula na ang pinanonood.

Napanood na ito ni Mia noon pero ayos lang sa kanya. Kailanman ay hindi niya pagsasawaan ang panonood sa Westlife. 

The Secret Task [Completed]Where stories live. Discover now