PBB 3

38 6 3
                                    

"Two points po para kay Mia dahil gusto ko na pong matupad ang pangarap niyang makita ang Westlife."

Tinakluban ni Mia ng laundry basket ang ulo ni Ichiko, ang Filipino-Japanese nilang housemate. Kanina pa siya nito binibiro-biro mula nang mabunyag sa lahat ang pagiging fangirl ni Mia sa banda.

Mamayang gabi na kasi ang nomination night para sa susunod na palalabasin sa bahay.

"Ten points po para kay Ichiko kasi ang lakas niyang mang-trip." Sinundot-sundot ni Mia ang tagiliran ng lalaki kaya napabunghalit ito ng tawa.

"Hahahaha! Tama na! Tama na!"

Nasa ganoon silang ayos nang tumunog ang automated television sa living room hudyat na may mensahe si Big Brother.

"Mia, gumorabells ka raw sa Confession room," pakli ni Steff, ang transgender nilang housemate.

Napatigil sa pangingiliti si Mia. Inayos muna ang lapel na suot at matapos ay tinahak na ang corridor papunta sa kuwartong tinutukoy ng kasambahay.

"Good morning, Big brother!"

"Magandang umaga rin, Mia. Kumusta?"

Itinaas ni Mia ang isang paa sa ibabaw ng tuhod at itinakip sa pagitan ng hita ang isang malaking unan. Feel at home na feel at home na talaga siya. "Okay na okay, big brother. Medyo kinakabahan kasi nomination night na mamaya."

"Binibigyan kita ng kakayahang maudlot ang nomination night, Mia."

Gulat ang rumehistro sa mukha ng dalaga. "P-Po? A-Ako po?"

"Tama."

Hinintay ni Mia na magpatuloy ang kausap.

"Fan ka ng Westlife, hindi ba?"

Bagama't nabanggit ng kausap ang paboritong banda ay hindi napigilang ngatngatin ng kaba ang dibdib ng dalaga. Alam niyang may ibang pakay si Big Brother. "Hindi lang fan, Kuya. Fan na fan!"

Hindi na nakontrol ng dalaga ang emosyon. Hindi siya mapakali sa inuupuan.

"At matagal mo na ring gustong makita sila, tama ba?"

Eagerness ang makikita sa mukha ng dalaga habang tumatango.

Sa puntong iyon ay parang lalabas na ang puso niya anumang oras. Alam niyang may pasabog si Big Brother.

"Mayroon akong VIP ticket with special meet and greet sa Westlife. Malaya mo itong makukuha ngunit sa isang kondisyon..."

Hindi muna ibinuga ni Mia ang nahigit na paghinga.

"Kapalit nito ay ang pananatili mo sa aking bahay."

Nanatili lang na nakatingin sa kisame ang dalaga. Hanggang ngayon ay tinitimbang pa rin niya ang nakatutuksong offer ni Big Brother.

Mula nang malaman niyang magko-concert ang Westlife ay nagsimula na siyang mag-ipon ng pambili ng ticket. Huling bilang niya ay nakaipon na siya ng sapat na halaga para sa Upper Box.

At ngayon nga ay inaalukan siya ni Kuya ng ticket na pinakamahal sa lahat!

N agpagulong-gulong si Mia sa kama. Tatlong oras lang ang ibinigay na deadline ni Kuya sa kanya para makapag-isip.

Kung sakaling tanggapin niya ang ticket ay kailangan niyang mag-voluntary exit. Kung hindi naman, tuloy pa rin siya sa pananatili sa bahay pero may pag-asa pa rin siyang mapatalsik kapag na-nominate siya. At kung ma-evict siya, wala siyang iuuwing ticket sa concert!

Napahinga siya nang malalim. Nang maihusto ang sarili ay tumayo na siya at bumalik na sa Confession Room.

The Secret Task [Completed]Where stories live. Discover now