PBB 10

31 6 4
                                    

Natapos na rin ang munting konsiyerto sa activity area. Nagkaroon ng konting pagkakataon ang housemates na makipaglitrato sa Westlife members gamit ang camerang i-pr-in-ovide ni Kuya.

At higit sa lahat ay hindi matatapos ang picture taking kung walang litrato ang pinaka-fan sa lahat... walang iba kundi si Mia.

Mia gave her sweetest smile as she sits in the center while being surrounded by the four lads. Siniguro naman ni Cameron na maraming litrato ang maire-record. Alam niya kung gaano kahalaga iyon sa kapwa housemate.

"You guys are awesome! I am now your fan," sabi ni Ichiko na nakipag-fist bump sa lads.

"You're cool, bro! Thanks." Si Kian iyon.

Isa-isa nang naglabasan ang housemates sa activity area. Ang natira na lamang ay ang apat na lads at si Mia.

Pinilit ng dalaga na ikalma ang sarili kahit gustong-gusto na niyang mangisay sa sobrang kilig.

"Hi, I'm Samia. You can just call me, Mia." Nakipag-shake hands siya sa bawat isa.

"You look young, lady. How old are you?" tanong sa kaniya ni Shane.

"I am twenty three.," Napintahan ng ngiti ang mukha niya.

Mia, keep the conversation going. Magtanong ka pa!

Pinapawisan na siya ng malamig. Mahina siya pagdating sa small talks. Natatakot siyang ma-bored ang apat dahil doon.

Inilibot ni Mia ang tingin. Halos magpasalamat siya nang makita ang isang gitarang kulay kahel na nakasandal sa may dingding.

"Would you like me to show you a guitar cover of your songs?"

Nagtinginan ang apat at napatango-tango.

"That's brilliant! Then we'll sing for you."

Walang sinayang na sandali si Mia. Kinuha niya ang gitara. Itinono muna iyon para maayos ang tunog.

Laking pasasalamat niya dahil naisip niyang magputol ng kuko. Kung hindi e problemado siya ngayon.

Sinimulan niya ang plucking ng kantang "More Than Words". She imitated the way Kian plucked it in a YouTube video.

Tiningnan niya ang binata upang manghingi ng apirmasyon. Wala pang dalawang segundo ay pinukulan siya nito ng ngiting pinakamaganda sa lahat.

Naku Kian, huwag mo akong i-distract ng mga ngiti mo. Na-a-out of focus ako!

Sinarili na lamang niya iyon at nagpatuloy sa pagtugtog.

The melody of their blended voices captured her heart. Wala nang mas gaganda pa sa raw music na direktang napakikinggan ng tainga niya.

What would you do
If my heart was torn in two
More than words to show you feel
That your love for me is real

What would you say
If I took those words away
Then you couldn't make things new
Just by saying "I love you"

The Secret Task [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon