PBB 8

34 4 3
                                    

Noong una ay nakikitango-tango lang ang ibang housemates at nakikipalakpak nang kaunti. Nang sumapit na sa parte na kinakanta ng Westlife ang mga kantang "If I Let You Go", "Swear It Again", "My Love", "Fool Again" ay nakakasabay na ang karamihan sa kanila.

But if I let you go, I will never know
What my life would be holding you close to me
Will I ever see you smiling back at me?
(Oh yeah) how will I know if I let you go?

Naluluha sa saya si Mia sa nasasaksihan. Kahit papaano sa pagkakataong iyon ay may nakaka-relate na sa pagiging fangirl niya.

Masaya siya kasi kahit man hindi siya makaka-attend sa konsiyerto ng mga iniidolo ay parang nandoon na rin siya dahil sa vibes na ibinibigay ng paligid niya.

Mas pinag-ibayo pa 'yun dahil may concert lights pang ipinasadya!

Inilibot niya ang mga mata. Tiningnan ang kapwa housemates na pinapawisan na kasasayaw.

"Ang gaganda pala ng mga kanta nila!" palatak ni Yvonne. "Paglabas ko, magda-download ako ng mga kanta nila."

Pumalakpak ang tainga ni Mia sa narinig mula sa kasamahan.

"Ang gaguwapo pa rin nila kahit maedad na!" bulong ni Sachzna, ang girl gamer na katabi ng dalaga.

"Siyempre. Magaling akong pumili ng iidolohin eh," sagot ni Mia. Kuminang-kinang ang mga mata niya habang naka-focus sa Westlife.

Call her old school or old-fashioned pero mas gusto niya ang ganitong genre ng kanta kaya napalapit ang loob niya sa Westlife. Bonus na rin ang taglay na kaguwapuhan ng mga miyembro.

Talentado at guwapo. Walang tapon.

Sinubukan naman niyang gustuhin ang mga nauusong kanta. May magaganda rin naman pero wala siyang mahanap na kantang talagang sinusundot ang puso niya. 'Yung kantang nakaka-relate siya.

Na-achieve ng Westlife ang standards niyang iyon kaya naman hindi na niya napigil ang sariling maging fan ng Irish boyband.

And once again I'm thinking about
Taking the easy way out

Napatigil sa pagsabay sa awit ang lahat nang may marinig silang umawit sa bandang likuran.

Ipinihit ng housemates ang ulo sa pinagmumulan ng tinig. Shock ang nakasulat sa mukha ng bawat isa sa kanila lalong-lalo na si Mia.

Ang Westlife ay nasa activity area... kasama nila!

The Secret Task [Completed]Where stories live. Discover now