PBB 4

34 6 0
                                    

"Sigurado ka na ba sa desisyon mo, Mia?"

Nangungusap ang mga mata ng dalaga habang nakatingin sa camera. Sinsero siyang tumango. "Sigurado na po."

"Nirerespeto ko ang desisyon mo."

Matamlay na nilisan niya ang Confession Room. Wala nang bawian.

Mas pinili ni Mia ang manatili sa bahay. Nanghihinayang man siya sa ticket ay ayaw niyang ipagpalit iyon sa pagiging housemate ni Kuya.

Sa libo-libong auditionees, isa siya sa dalawampu't limang mapalad na napili.  Isang pambihirang pagkakataon na ayaw niyang itapon na lang para sa dalawang oras ng pansamantalang kaligayahan.

Ilang beses na rin siyang naging nominado ngunit palagi siyang nakaliligtas. Sa bahaging iyon ay umusbong ang kakaunting pag-asa na may charm siya sa viewers kaya lagi siyang inililigtas sa eviction night.

Sa kabilang banda, firm man ang naging desisyon niya ay hindi niya napigilan ang sariling manghinayang at manlumo.

Pero 'ika nga sa quotes na nakita niya sa Facebook,

A missed opportunity is not your opportunity.

Baka hindi talaga para sa kanya 'yung ticket. At malay ba niya, kung siya ang hiranging big winner e makakakuha siya ng milyong pot money. Kukurot siya ng kaunti roon para ipam-budget sa panonood ng concert sa ibang bansa.

Tama!

Makakapag-fangirl siya and at the same time, matutupad pa ang pangarap niyang matulungan ang pamilya niya lalong-lalo na ang mga magulang. Hindi rin niya mabibigyan ng dahilan ang audience para kainisan siya dahil sa pagvo-voluntary exit.

She knows the feeling. Dahil labis ang pagkayamot na nararamdaman niya noon sa tuwing may housemate na nagvo-voluntary exit. Hinayang na hinayang siya. She doesn't want that feeling to be experienced by those who watch them.

Naplasteran ng ngiti ang mukha ni Mia. Tumayo siya at pumunta sa nakatalagang cabinet niya. Kinuha mula sa de-hilang drawer ang larawan ng mga iniidolo. Kinausap niya ito na parang tao.

"Hindi ko man kayo makita ngayon, alam kong balang-araw ay magkakaroon din ako ng pagkakataon na makita kayo. I know it'll happen. I trust my instinct."

Dinala niya ang larawan sa pagitan ng dibdib niya sabay ngiti.

The Secret Task [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon