PBB 11

35 6 0
                                    

Nang matapos siyang tumugtog ay labis ang papuri na narinig niya mula sa apat. It makes her heart flutter. Being complimented by the people you look up to is a greatest achievement!

Sa pagkakataong iyon ay naging komportable na siya na kasama ang Westlife and that is when they started talking like the five of them already know each other for a long time.

Bawat minuto na kasama ni Mia ang apat ay nag-uumapaw ang kasiyahan sa puso niya. How she secretly wished that it will not end!

Pero dumating na ang kinatatakutan ni Mia.

Umalingawngaw ang boses ni Big Brother na nagmumula sa speaker.

"Westlife... it's time to go. Please go to the Confession Room."

Wala man lang pagbabadya ang mga luha ni Mia dahil kusa itong lumabas sa mga mata niya. Alam niyang wala siyang magagawa kaya humiling na lang siya sa Westlife sa huling pagkakataon.

"Can we have a group hug?"

"Of course, sweetie!" Walang pagdadalawang-isip na pinangunahan ni Nicky ang hinihiling ng dalaga. Nagsisunuran naman ang tatlo.

"We really love to stay, Mia but we have to go." Si Mark ang nagsabi, ang pinakapaborito niya sa grupo.

Without a word, Mia gave Mark another hug. Hindi naman siya tinutulan nito. Dinala pa nga ng binata ang ulo ni Mia patungo sa dibdib niya.

"I want you to know that I really admire you, Mark. You are the most handsome person I ever saw," puno ng damdaming sabi ni Mia.

Lumambong ang mga mata ni Mark, simbolo ng appreciation.

Kinuha ng binata ang mga kamay ni Mia at ikinulong iyon sa sariling palad. Pagkatapos ay pinakatitigan ang mga mata nito. "I am so pleased to hear that from you, my dear."

Tinapik-tapik ni Mark ang ulo ni Mia.

Inihatid ng dalaga ang Westlife lads hanggang sa pinto ng Confession Room. Kung puwede lang iharang ang katawan niya sa pinto huwag lang makalabas ang mga iniidolo ay nagawa na sana niya. Kaso wala siyang magagawa. Aalis at aalis pa rin ang apat dahil libo-libong kapwa fans naman ang pasasayahin ng mga ito mamayang gabi.

Matagal nang nakapinid ang pinto ay nanatili pa ring nakatingin doon si Mia. Nang matanggap sa sariling hindi na babalik ang Westlife ay saka lang niya nilisan ang labas ng Confession Room.

The Secret Task [Completed]Where stories live. Discover now