PROLOGO

4.3K 86 29
                                    

DISCLAIMER: This book is a work of fiction. Any references to actual events and real people are used fictitiously. Other names, characters, places and incidents are products of the author's imagination.

-------------

PROLOGUE

"Makakabalik ka na sa paglalaro next week."

Sabi ni Dr. Rivera, team doctor namin, pagkatapos inspeksyunin ang paa ko.

"Konting pahinga na lang ang kailangan mo." dagdag pa niya.

Pagkatapos akong kausapin ni Doc ay lumabas na rin ako. Naabutan ko si Ate Kim na nakaupo at busy sa pagkalikot ng cellphone niya.

"Uy! Sino na naman yang katext mo ha?" untag ko sa kanya saka umupo na rin sa couch sa lobby ng clinic.

Sinulyapan niya lang ako at binalik rin agad ang tingin sa cellphone niya. "Oh kelan ka daw pwedeng bumalik ng training?"

Tsk. Di na naman sinagot ang tanong ko.

"Next week daw. Ang tagal nga eh. Namimiss ko nang maglaro." Ilang linggo rin kasi akong di nakapaglaro dahil sa injury ko. Buti na lang at next week pa ang opening ng PSL kaya makakapaglaro ako sa first game namin.

"Siguradong papatayin ka sa training ni Coach pagbalik mo. Kung alam mo lang kung anong mga pinagdaanan namin nitong mga nakaraang linggo. Hindi ko mga alam kung paano pa ko nabuhay-- aray!"

Hinampas ko siya ng nakuha kong magazine sa side table bago pa niya matuloy ang paglilitanya. Nagsimula na naman kasing magdrama. Haha

"Gutom lang yan, Kim. Tara na nga." natatawang sabi ko at tumayo na.

"Sama mo. Ikaw na nga ang sinamahan dito sa hospital." reklamo niya habang himas himas ang ulo.

"Sabi kaya ni Coach samahan mo ko dito."sagot ko saka tinalikuran na siya. Sinadya pa talaga namin si Dr.Rivera dito sa clinic niya sa hospital dahil wala siyang schedule ngayon sa team at si Ate Kim lang naman ang malas na inutusan ni Coach na samahan ako.

Nang di siya magsalita ay nilingon ko siya. Kaya pala. Busy na naman sa pagtetext. Napailing na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad.

"Uy Vic." tawag niya sakin habang naglalakad kami sa corridor ng hospital.

"Oh?"

"Pwede bang mauna ka na lang sa kotse? May pupuntahan lang ako."

"Ha? Saan ka naman pupunta?"nagtatakang tanong ko.

"Basta. Hintayin mo na lang ako sa kotse." sabi niya saka tumakbo papunta sa kabilang direksyon.

Napakamot na lang ako ng ulo. Saan naman kaya pupunta yun eh nandito kami sa hospital?

Lumapit muna ako sa nurse station para magtanong kung nasaan yung C.R.

"Excuse me po, saan po banda ang C.R dito sa 2nd floor?" tanong ko sa medyo may edad nang nurse.

Pero imbes na sumagot ay tinignan niya lang ako habang nakakunot ang noo. May dumi ba ko sa mukha?

"Excuse me po?" untag ko sa kanya.

Tila nahimasmasan naman siya sa pagtitig sakin. "Pasensya ka na hija, nay kamukha ka kasi."

Napangiti lang ako. Madalas itong mangyari sakin. Yung namumukhaan ako ng mga tao pero di lang nila maalala kung saan ako nakita. Baka kasi nakapanuod sila noon ng UAAP o PSL at dun nila ako nakita di lang nila matandaan. "Ayos lang ho."

"Nandun nga pala ang C.R. sa dulo." turo niya pero panay pa rin ang sulyap sakin.

Agad akong nagpasalamat at dali-daling tinungo ang direksyong tinuro ng nurse.

-----------

Nag-aayos ako nga buhok sa harap ng salamin nang makatanggap ako ng message mula kay Bang.

Hon, maaga daw matatapos ang seminar namin kaya makakauwi na ko next week. I miss you!

Kasalukuyan kasing nasa Singapore siya para sa isang seminar for two weeks.

Talaga? Excited na kong makita ka. I miss you too.

Pagkatapos kong mag-reply ay binulsa ko muna ang cellphone ko at naghilamos ng mukha.

"Uy!" gulat na sambit ko nang makita sa salamin ang repleksyon ng isang babaeng nakatayo sa likuran ko.

Kanina kasi pagpasok ko ng C.R. ay wala namang ibang tao. Wala rin akong naramdaman na may pumasok habang naghihilamos ako.

Nagtama ang mga mata namin sa salamin. Mataas siya at maikli lang ang buhok. Nakasuot ng simpleng t-shirt at jeans. Kung titignan para din siyang katulad namin ni Kim. Pero makikita mo rin na babaeng babae talaga siya. At maganda pa.

Ay putek.

Agad ko ring iniwas ang tingin nang ma-realize ko na kanina pa pala ako nakatitig sa kanya sa salamin.

"Uhm sorry miss, di kasi kita nakita kanina." paumanhin ko at akmang lalabas na ng pinto nang magsalita siya.

"Wait! Nakikita mo ko?!"

"Ha?" nakakunot ang noong nilingon ko siya. Anong ibig niyang sabihin? Eh hindi naman ako bulag kaya malamang nakikita ko siya.

"Nakikita mo nga ako!" nakangiting sambit niya saka humakbang palapit sakin. "I really really need your help. Pwede mo ba akong tulungan?"

----------

Salamat sa pagbabasa:))

LOVE Over MATTER (Mika Reyes - Ara Galang)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang