Capitulo Diez

2.5K 106 35
                                    

Salamat sa lahat ng nagbabasa:)

Last Chapter ^_^

----------
Enjoy Reading:)
----------

Naghintay ako ngunit walang nangyari.

Sa halip ay may humawak sa magkabilang braso ko.

"Ara?"

Unti-unti kong minulat ang mga mata. Hindi naman ako nananaginip. Nandito pa rin naman ako sa kalsada. Pero mukha ng isang pamilyar na tao ang bumungad sakin.

Mukha na kahawig ni Mika.

Isang taong matagal ko nang hindi nakikita at hindi ko inaasahang makita ngayon.

"A-Ate Aereen?"

*

*

*

*

*

Pagkatapos niya akong yakapin nang mahigpit ay agad niya akong pinapasok sa kotse niya. Hindi ako makapaniwala pero sumunod lang ako sa kanya habang pinapagalitan niya ako.

"Ano bang pumasok sa isip mo at tumayo ka sa gitna ng kalsada? Magpapakamatay ka ba? Buti na lang at nakapreno ako agad."

Di pa rin ako nakasagot at nanatiling nakatitig lang sa kanya. Itinabi niya ang kotse saka bigla akong niyakap ulet.

"Di mo lang alam kung gaano ako kasaya na nakita kita, Ara. Di ko inaasahan na sa ganitong paraan pa tayo magkikita."

Gumanti na rin ako sa kanya ng yakap habang naluluha. Sa kabila kasi ng pagtutol ng pamilya ni Mika sa aming relasyon ay nanatiling nakasuporta sa amin si Ate Aereen. Isa kasi siya sa mga taong nakakaintindi sa amin.

"Matagal na kitang gustong makausap, Ara. Pero nung pumunta ako sa condo mo ay wala ka naman dun, naka-leave ka rin pala sa trabaho mo."

"I-Ikaw yung babaeng naghahanap sakin sa office?" sa wakas ay nakapagsalita na rin ako.

Nakangiti siyang tumango. "Yes. I tried to contact you through your social media accounts, pero hindi ka sumasagot."

"B-Bakit?" yun na lang ang nasambit ko dahil hindi ko siya maintindihan. Bakit nga ba niya ako hinahanap?

Di ako sinagot ni Ate Aereen, sa halip ay pinaandar ang kotse niya.

"T-Teka, saan po tayo pupunta?"

*

*

*

*

*

*

Nung una akala ko ay papunta kami sa sementeryo pero pumasok kami sa isang subdivision sa Cavite. Nung nagtanong ako ulit ay isang tipid na ngiti lang ang ginawad niya sakin. Mas lalo akong nagtaka nang huminto kami sa tapat ng isang bahay.

She led me inside the house. Walang ibang tao sa loob. Pamilyar rin sakin ang ilan sa mga antiques at figurines sa sala. Kung hindi ako nagkakamali ay nakita ko na ang mga iyon sa bahay nila sa Bulacan nang minsang dalhin ako ni Mika doon.Dito na pala sila ngayon sa Cavite.

Dun tuluyan nag-sink in sakin bakit kami narito.

Wala si Mika sa sementeryo.

Nabanggit niya sakin noon na tradisyon sa pamilya nila ang pag-cremate sa mga namamayapang kamag-anak. Sa katunayan ay meron silang kwarto na parang maliit na mausoleum sa bahay nila noon kung saan nila nilalagay ang mga urns na naglalaman ng mga abo ng mga namatay.

LOVE Over MATTER (Mika Reyes - Ara Galang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon