Capitulo Siete

2K 91 23
                                    


----------
Enjoy Reading:)
----------

"Hon, pasensya ka na talaga ha. Hindi ko naman kasi alam na ngayon dadating yung pinsan ko galing probinsya. Nagising pa tuloy kita nang maaga." paliwanag ni Bang habang nagda-drive kami papunta ng condo niya.

"Okay lang. Pupunta rin naman ako sa office to sign some papers." sagot ko.

Pagdating namin sa tapat ng building ay dali-daling bumaba si Bang. Naghihintay na daw kasi yung pinsan niya sa labas ng unit niya.

"Hey, may nakalimutan ka." tawag ko sa kanya bago pa niya masara ang pinto. "Here's your purse."

Kunot noo niyang kinuha ito mula sa akin. "Are you sure ito lang ang nakakalimutan ko?"

Tumingin ako sa paligid. Wala na naman siyang gamit na naiwan. Nagulat na lang ako nang halikan niya ko sa pisngi.

"You forgot your kiss, honey."

-----------

"Oh akala ko ba naka-leave ka?" salubong ni May sakin pagpasok ko ng office.

"Yeah. May pinirmahan lang ako at finorward na papers." sagot ko saka umupo sa table ko. "Hey, may kilala ka bang investigator?"

Sa tuwing naaalala ko si Mika ay pumapasok naman sa isip ko yung malungkot niyang mukha. Gusto ko namang makita ang ngiti niya. Kaninang umaga ay hindi ko siya nakita, nagmamadali kasi si Bang kanina na umalis kaya di ko na siya nahanap. Siguro nandun lang siya sa verandah kung saan ko siya iniwan kagabi.

"Bakit mo natanong? May paiimbestigahan ka ba? Ipapahanap?" nagtataka niyang tanong sabay ikot ng computer chair at tingin ng kaduda-duda sakin.

"W-Wala naman. May kaibigan kasi akong gustong may ipahanap." sagot ko habang nagbubuklat ng magazine na nakuha ko sa gilid.

"Hmm.. wala eh. Pero baka may kilala ang kuya ko. I'll ask him later."sabi niya. "Ay oo nga pala. Nakalimutan kong itext sayo. May babae akong nakasalubong nung palabas ako ng office yesterday. She was asking about you."

Napaangat ako ng tingin. "Sino daw siya?"

"Oh shoot! I forgot to ask her name."napahampas siya sa mesa niya. "Nagmamadali kasi ako nun dahil late na ko sa dinner namin ni Rich. Naku, sorry Vic."

"Okay lang. Baka bumalik rin siya dito kung hinhanap niya talaga ako."

Sino naman kaya yun? Lahat naman kasi ng mga kaibigan ko ay merong number ko.

"Yeah. At pwede ka rin niyang i-pm sa social media accounts mo."ani May saka tumayo at naglakad palabas. "Kuha lang ako ng coffee sa baba."

Isang ideya ang pumasok sa isip ko. Anak ng kabayo! Bakit hindi ko yun naisip ng maaga?! Vic, gamitin mo naman kasi utak mo.

I turned on my computer then searched: Mika Aereen Reyes

"What?!"

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang pictures niya. Wearing a familiar volleyball uniform.

Impossible.

Akala ko ay magaling na ko pero bakit wala akong matandaan tungkol sa kanya?! We we're from the same school, the same batch and the same volleyball team from college!

Bukod sa mga pictures niya ay wala naman siyang social media accounts. Puro fan pages and fan made accounts lang ang nakita ko na mahigit isang taon na rin yung huling mga post.

Parang biglang sumakit ang ulo ko at di na rin ako nakakilos pa. Agad kong naisip sina Kim. Ibig sabihin kilala nila si Mika.

Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko at akmang tatawagan na sila nang matigilan ako. Isang tanong ang nabuo sa isipan ko.

LOVE Over MATTER (Mika Reyes - Ara Galang)Where stories live. Discover now