Capitulo Tres

2.1K 80 6
                                    

SALAMAT SA LAHAT NG NAGBABASA:)

Pasensya na po sa magulong format at typos:)

----------
Enjoy Reading:)
----------

May mga oras talaga na nakakalimutan kong magkaiba kaming dalawa.

Ang hirap naman kasi paniwalaan na nakakakita ako ng hindi nakikita ng iba, idagdag pa na wala sa itsura niya ang pagiging multo. Minsan tuloy di ko maiwasang isipin na baka nag-hahalusinasyon lang ako.

"Saan tayo pupunta?"

Pero sa tuwing naririnig ko ang boses niya, alam kong totoo 'to. Totoo siya.

"Sa gym. May dadaanan lang ako dun." sagot ko nang sulyapan siya sa passenger's seat.

Tumango-tango lang siya saka tumingin sa labas ng bintana.

"Grabe ang traffic no? Parang wala naman yatang ipinagbago ang kalsada dito."

Natigilan ako sa sinabi niya. "May naaalala ka na?"

Sandali rin siyang natigilan saka umiling. Mukha siyang naguguluhan. "H-Hindi ko alam. Parang bigla ko na lang yun nasabi."

Akmang aabutin ko ang kamay niya nang maalala ko ulet. Di ko nga pala siya mahahawakan.

----------

Pagdating sa gym ay naabutan kong nagpapraktis ang buong team. Maya-maya pa ay nag-break sila kaya nagkwentuhan muna kami.

"Na-mimiss ka na namin, Ara. Sana tambay ka na lang lagi dito kahit di ka pa naglalaro."sabi ni Michie, isang masugid na tagahanga namin. Kilala siya namin kasi palagi siyang nanunuod ng laro namin, pati sa trainings bumibisita rin siya minsan. Mula pa daw kasi sa UAAP, idol na niya kami.

"Sus, diskarte mo Mich." singit ni Riri. "Sabihin mo, gusto mo lang makita lagi si idol.haha."

Natawa na lang din ako nang tuksuhin pa nila si Michie nang mag-blush ito. Dati ko pa naman kasi alam na crush niya daw ako pero wala lang naman sakin yun.

Ilang sandali pa ay pinahanda na ni coach ang team para mag-praktis ulet. Di ko talaga mapigilan na makisali sa kanila.

"Ara, hindi ka pa magaling ah. Baka mapano ka." pigil ni Coach sakin.

"Magaling na ko coach. Pwedeng pwede na nga akong magalaro eh, kayo lang naman nagbabawal sakin."sabi ko naman.

Napailing nalang siya. "Basta wag mong pwersahin ang sarili mo."

Nag-salute ako kay Coach saka humiwalay muna sa team nung binibigyan sila ng instructions. Napansin ko kasing wala na si Mika sa inuupuan niyang bench kanina. Hinanap ko siya. Nakatayo siya sa tabi ng trolley at nakatingin sa mga bola na parang nagtataka.

"Nandito ka lang pala.." sabi ko nang makalapit sa kanya.

Napatingin siya sakin at ngumiti. "Hindi ko kasi napigilan na lumapit sa mga bola. Parang may naalala ako pero di ko maintindihan."

"Baka naglalaro ka rin ng volleyball noon. Malay mo rin idol mo pala ako.Haha." biro ko sa kanya. Nakita ko na naman kasi na malulungkot lang siya pag pinilit niyang alalahanin.

"Paano naman kita magiging idol? Bakit, magaling ka ba maglaro?" taas kilay niyang tanong.

Kung sa iba siguro baka mukha siyang mataray ngayon, sakin mukha siyang..

Maangas na maganda.

Tsk.

"Panuorin mo kong maglaro, papatunayan ko sayo." pagmamayabang ko sabay kuha ng bola sa trolley at pinalo-palo ito.

LOVE Over MATTER (Mika Reyes - Ara Galang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon