Capitulo Uno

2.6K 81 3
                                    

Pasensya na po sa format at typos.

---------
Enjoy Reading:)
---------

Naniniwala naman ako sa multo pero hindi pa ako nakakakita ni isa.

Hanggang sa makilala ko siya.

"Hindi ko alam kung paano ako napunta sa hospital. Basta nagising na lang ako dun.Wala akong maalala. Ang alam ko lang ay ang pangalan ko. Ako si Mika."

Hindi pa rin maalis sa isip ko ang sinabi niya sakin kanina. Hindi ko alam pero naniniwala ako sa kanya.

Naisip ko ngang baka nananaginip lang ako o di kaya'y imahinasyon ko lang siya. Pero sa tuwing susulyap ako sa rearview mirror ay nakikita ko siyang nakaupo sa backseat ng kotse.

"Vic, ayos ka lang?" kunot noong untag sakin ni Kim habang nagmamaneho.

"Oo naman." sagot ko sabay sulyap sa kanya. Kanina ko pa tinitignan si Kim pero di naman niya nakikita si Mika. Ako lang talaga ang nakakakita.

"Kulang ka na naman sa tulog no?" tanong niya ulet.

Nitong mga nakaraang buwan kasi ay nahihirapan akong matulog.

"Medyo lang.." umiwas na lang ako ng tingin at tinuon ang pansin sa labas ng bintana.

Oh thinkin' about all our younger years

There was only you and me

We were young and wild and free

Now nothin' can ----

“Oh bakit mo nilipat?” tanong ko nang biglang maputol yung kanta at napalitan ng rock music.

“Eh masyadong nakakaantok yung kanta eh.”

Napailing na lang ako at itinuon ang pansin sa mga dinadaanan namin. Paborito ko pa naman yung kanta.

------------

"This is yours?"

Napalingon ako kay Mika pagkatapos naming pumasok sa unit ko. Nakakunot ang noo niya habang nililibot ang tingin sa paligid.

"Uhm oo" sagot ko. "Bakit?"

Umiling lang siya saka napayuko. Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. Kusang humakbang ang mga paa ko palapit sa kanya pero napatigil din ako nang iangat niya ang mukha at nagtama ang mga mata namin.

"Ah t-teka lang, magbibihis lang ako." agad akong tumalikod at pumasok ng kwarto.

Ano bang iniisip mo Vic?! Tama ba ang desisyon kong tulungan siya? Sa laki ng Pilipinas, paano ko mahahanap ang mga kamag-anak niya o malaman man lang kung sino talaga siya? Pero nung humingi siya ng tulong, di talaga ako makatanggi kahit nung nalaman kong multo siya, di man lang ako nakaramdam ng takot.

Bahala na.

Dali-dali akong nagbihis at lumabas ng kwarto. Naabutan ko siyang tumitingin sa mga picture frames sa sala.

Habang tinititigan siya ay di ko maiwasang maisip kung anong klaseng tao kaya siya noon. Siguradong hindi siya galing sa mahirap na pamilya kung titignan sa itsura at kilos niya. At mas lalong hindi siya mukhang masamang tao. Hindi rin makakaila na maganda siya. Maganda talaga. May boyfriend kaya siya? O baka naman girlfriend?

"Volleyball player ka pala."

"Ha?" nahimasmasan ako nang marinig ang boses niya. Nalatingin na pala siya sakin ngayon. "Ah oo. Mula pa nung college ako."

"Kaya siguro mukha kang pamilyar sakin. Baka nakita na kita noon."

Mukhang magka-edad nga lang kami kaya baka nga napanuod pa niya ang mga laro ko noon. "May naalala ka ba?"

Malungkot siyang umiling. "Wala. Wala pa."

-----------

"Saan tayo pupunta?"

"Baka kasi may maalala ka pag lumabas tayo." sagot ko sa kanya habang palabas kami ng condo.

"Tama ka." tumango-tango siya. "Paano nga naman natin malalaman kung sino talaga ako kung wala naman akong maalala kahit ano.

"Basta wag kang mag-aalala, tutulungan kita. Pangako yan." sabi ko sa kanya.

"Salamat." nakangiting sagot niya.

Nang mga sandaling iyon, alam kong tama ang naging desisyon ko.

----------

Thanks sa pagbabasa:)
----------

LOVE Over MATTER (Mika Reyes - Ara Galang)Where stories live. Discover now