Capitulo Nueve

2.4K 84 27
                                    

Inihabol ko itong chapter ngayon para maumpisahan ko na rin yung one-shots, kaya medyo minadali ko lang 'to guys:) Salamat sa pagbabasa:)

Sorry sa typos at format:)

-----------
Enjoy Reading:)
-----------

Kim's POV

Pagdating ng gym ay naabutan kong nakatayo sa labas sina Cienne, Cams, Cyd at Bang.

"Oh anong meron at napadalaw kayo?" salubong ko sa kanila. Sa pagkakaalam ko kasi ay may trabaho ang kambal pati na rin si Bang kahit kararating lang niya galing Singapore.

Di pa nila ako nasasagot ay bigla namang dumating sina Des, Majoy at Justine.

"Nandito rin kayo?" nagtatakang tanong ni Cams sa kanila. Karamihan sa aming former LS ay may kanya-kanya nang trabaho at kunti lang ang nagpatuloy sa paglalaro kaya minsan na lang kami nagkikita.

"We received a text from Ate Vic. Pumunta daw kami dito sa gym. We thought na baka it was an emergency." paliwanag ni Des.

"Kayo din?" gulat na sambit ni Cienne. "Ano ba kasing meron?"

Wala naman akong natanggap na tawag galing kay Vic. Nagkatinginan kami ni Cyd. Marahil ganun rin siya. Alam naman kasi ni Vic na may training kami ngayong hapon kaya siguro ay di na niya kami tinext pa.

"Bang, may ideya ka ba bakit pinapunta kami dito ni Vic?" tanong ni Cams.

Umiling lang si Bang. Bakas rin sa mukha niya ang magkahalong pagtataka at pag-aalala.

Nagdesisyon kaming pumasok na ng gym. Hindi pa nakakarating si Coach at yung teammates namin. Madalas talaga kaming nauuna ni Cyd dumating dito tuwing training pero nakapagtataka lang kasi mas maaga naman palagi si Coach kesa samin. Bigla akong kinutuban.

"Vic!" ani Bang saka naunang naglakad. Nakasunod lang kami sa kanya.

Nakatalikod naman si Vic mula sa amin habang nakaupo sa sahig at may kaharap na laptop.

Paglapit namin sa kanya ay bigla kaming napahinto nang makita ang tinititigan niya sa screen nito.

Di ako makapaniwala sa nakita. Di ko alam kung bakit pa ko nagulat, I was suppose to see this coming.

[FLASHBACK]

Nung una akala namin ay Selective amnesia, yung ibang pangyayari kasi ay hindi niya naaalala tulad na lang ng aksidente, morning trainings namin every tuesday o yung mga events na pinuntahan namin dati, until she was diagnosed with Systimatized amnesia.

"As the doctor said earlier, this kind of amnesia is not caused by the concussion but by a traumatic experience, particularly with the person she forgot."

"You mean si Mika?" di ko na napigilang sumingit habang nagpapaliwanag samin si Cienne.

Siya lang naman kasi sa amin yung mas nakakaintindi tungkol sa sinabi ng doktor na kondisyon ni Ara.

Malungkot siyang tumango at pinahid ang luhang nagratangkang pumatak. "Maaaring naunang magising o conscious pa raw si Ara after ng collision at nakita ang sitwasyon ni Mika which would have pass as a 'traumatic experience' nga."

Kung baldado si Ara ngayon, mas malala pa ang tinamong pinsala ni Mika. Sa side niya kasi sumadsad yung truck kaya siya yung napuruhan sa kanilang dalawa. Ang daming nabaling buto sa kanya at halos maligo siya sa sariling dugo.

"It's kinda like coping mechanism. Maybe she can't handle seeing Mika in that condition so her mind totally disassociated herself from Ye." patuloy ni Cienne na parang maiiyak na naman tulad ng mga kasamahan namin.

LOVE Over MATTER (Mika Reyes - Ara Galang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon