Capitulo Cuatro

2.2K 73 19
                                    

Pasensya na po sa magulong format at typos.

----------
Enjoy Reading:)
----------

"Basta wag kang masyadong lumayo sakin mamaya. Sabihin mo rin sakin kung may nakita kang familiar sayo. Uhmm.. ano pa ba?.." patuloy lang ako sa pagsasalita habang naglalagay ng mga gamit sa compartment ng kotse ko nang marinig kong mahinang tumawa si Mika.

"Pwede mo naman akong iwan dito sa condo mo. Hindi kita pagnanakawan. Promise. Haha." sabay taas ng kanang kamay.

Napangiti na lang ako habang napapailing sa kilos niya. Parang bata kasi talaga siya minsan. "Mas makakatulong sayo kung marami kang makikita. Baka may maalala ka na ganun."

"Tsk. Siguro naiirita ka na sakin kaya gusto mo na akong paalisin no?" wika niya habang seryosong nakatingin sakin.

"Ano?!"

Bigla naman siyang tumawa. "Yung mukha mo.. Hahaha.. Biro lang."

"Wag ka ngang magbiro ng ganyan." nakakunot ang noo kong sabi. Yun ba ang akala niya? Na pinagtatabuyan ko siya? Ayoko ko lang naman na nakikita siyang malungkot eh. Alam kong gusto na niyang makita ang pamilya niya.

"Sorry na po." sabi niya saka ngumiti ng abot-tenga.

Agad akong umiwas ng tingin. Parang may kakaiba kasi sa ngiti niya.

"Pasok na nga tayo sa kotse." sabi ko saka isinara yung compartment. Pagpasok ko sa driver's seat ay nakaupo na siya sa passenger's seat. Di na ako magugulat kung nauna pa siya sakin sa loob. Minsan kasi bigla na lang siyang sumusulpot sa likod o sa tabi ko.

"Uhmm.. Saan nga ulet tayo pupunta?" tanong niya nung nag-bibiyahe na kami.

"Sa bahay ng idol ko."

--------------

Pagdating namin sa bahay ni Ate Cha ay nakita kong naka-park na sa labas yung sasakyan nina Kim, Ate Mich at iba pa. Siguradong ako na naman ang huli. Tsk.

Kaka-park ko pa lang ay bigla namang lumabas ng bahay ang kambal kasama si Ate Kim. Narinig siguro ang pagdating ko.

"Miks, kausapin ko lang sina Ate Kim ha." paalam ko kay Mika bago lumabas ng kotse. Nakangiti siyang tumango sakin.

"Ara!!" sinalubong ako ng kambal saka niyakap. "Namiss ka namin!"

Natawa na lang ako lalo na when Kim rolled her eyes. Paano ba naman kasi nung isang linggo lang kami nagkita, tapos ngayon akala mo isang taon na ang nakalipas.

"Gutom ka na ba? Tara kain tayo sa loob." aya sakin ni Cams.

"Ano ba yan. Bakit si Vic, inaya niyo agad kumain, samantalang kanina pa ko dito wala man lang umalok sakin o nagtanong man lang kung gutom na ba ako." reklamo ni Kim na tinawanan lang ng kambal.

Ilang sandali pa ay dumating si Desiree at Dawn. Hindi lang pala ako ang late.

"Oh tara guys, pasok na tayo." sabi ni Cienne.

"Ah mauna na kayo,guys. Kailangan ko pa kasing tawagan yung office ko. Susunod na lang ako sa inyo sa loob." sabi ko habang nililingon si Mika sa kotse ko.

"Oh sige. Basta bilisan mo ha." tapik ni Ate Kim sa braso ko.

Nang makapasok na sila sa loob ay agad kong binuksan ang passenger's seat kung saan si Mika nakaupo. Nagtaka ako ng wala na siya doon.

"Mika?"

Nilibot ko ang tingin sa paligid pero hindi ko siya nakita.

--------------

LOVE Over MATTER (Mika Reyes - Ara Galang)Where stories live. Discover now