EPILOGO

3.5K 138 44
                                    


Sorry po natagalan at pasensya na sa format at typos, minadali ko lang kasi:)

----------
Enjoy Reading:)
----------

MIKA

Two years.

Dalawang taon akong walang malay.

Nung sinabi sa akin yun nina Mama ay di ko alam kung matatawa ba ako dahil nagbibiro sila o maiiyak dahil sa sinapit ko. Nagising lang naman ako sa ibang panahon. Yung huli kong natatandaan ay yung ilaw na sasakyang papalapit sa amin at tapos.. paggising ko nasa ibang oras na ko? Nasa ibang lugar?

Kung noon sa pelikula ko lang napapanood ang ganitong drama o di kaya ay nakukwento samin ng prof namin.. well, congrats sakin dahil naranasan ko na ito firsthand.

Gusto ko ngang isipin na nababaliw lang ako. Na panaginip lang ang lahat ng ito. Gusto ko nang magising. Pero hindi eh.. ito yung realidad. Totoo ang lahat.

Mahirap ring isipin na sa loob ng dalawang taon na iyon ay patuloy lang ang buhay ng mga tao sa paligid ko habang parang nahinto naman ang oras ko. Kasal na ang iba naming mga kaibigan habang yung karamihan sa mga kakilala namin ay nasa abroad na pala.

Mahirap yung pakiramdam na napag-iwanan ka na. Yung parang hindi mo na alam ang paligid mo dahil napakatagal mong nawala samantalang parang nung kahapon lang nangyari yung huli mong naaalala.

Did I also mentioned that the last time I checked, kami pa ni Vic? Kaya nung makita ko ang pictures nila ni Bang sa social media ay halos ihagis ko ang ipad. Ihagis sa harap nina Mommy at Daddy na nagsinungaling sa mga kaibigan ko.

Galit na galit ako sa kanila nun nung sinabi nila sakin ang lahat. Alam kong ilalayo nila ako kay Vic pero yung dalhin ako sa abroad at palabasin sa mga kaibigan ko na patay na ako? What were they thinking?!

But in the course of my recovery ay pinatawad ko sila. Syempre, hindi ko kayang nagalit sa kanila habang buhay. Even my friends asked for forgiveness dahil daw sa ginawa nila samin ni Vic. Wala rin naman akong naging galit sa kanila dahil naiintindihan ko ang ginawa nila.

Naiintindihan ko rin si Vic. Kung anuman ang nabuo sa kanila ni Bang ay nirerespeto ko. Hindi rin naman niya kasalanan kung nahulog siya dun sa tao, eh may amnesia siya. Isa pa, kahit naalala niya ako ay ayaw ko ring umasa siya. Paano kung hindi na pala ako magigising? Mas gugustuhin kong magmahal siya ng iba at ipagpatuloy na lang niya ang buhay niya.

Pero iba kasi ang nangyari. Nagising ako. Kahit ako ang pinili ni Vic ay di ko maiwasang magkaroon ng kunting pangamba. Minahal na rin niya si Bang eh. Maiintindihan ko kung may nararamdaman pa rin siya dun sa tao, naging biglaan naman kasi ang paghihiwalay nila nung maalala niya ang tungkol sa amin. Kahit na sa Singapore na si Bang nagtatrabaho ngayon at paulit-ulit na sinasabi ni Vic na ako lang ang minahal niya, mahirap pa rin kasi alisin sa isip eh.

Maliban roon ay may isa pa akong kinakabahala. It's about my dreams these past few days. They were really strange.

Parang totoo eh. Actually, nagtutugma yung ibang pangyayari sa mga kinwento sakin nina Mommy. Di ko alam kung resulta lang iyon ng imahinasyon ko dahil sa mga nalaman ko pero pakiramdam ko pa nga ay parang mga alaala na unti-unting bumabalik.

Nasa ospital daw ako at nakita ko dun si Vic pero hindi kami magkakilala. Nagpatulong ako sa kanya kaya sinama niya ako sa condo niya. Then we went to Ate Cha's to attend her despidida, sa gym at sa DLSU kung saan ko daw naalala ang lahat. But that time, she's with Bang kaya nagdesisyon akong hayaan na lang siya dahil multo daw ako sa panaginip kong iyon. Pero hindi ako umalis sa tabi ni Vic, nakasunod lang ako palagi sa kanya kaso hindi niya ako nakikita o naririnig. Hinahanap niya ko at tinatawag ang pangalan ko kahit tulog siya. She was so devastated pero wala akong magawa dahil ni hindi ko na siya mahawakan, kahit nung magpapasagasa na sana siya. Even in the dream, pakiramdam ko ay totoo ang nararamdaman kong sakit habang pinapanuod siya. The last scene from my dream was when Vic entered a room-- exact same room where I woke up-- then I saw myself lying on a familiar bed.

LOVE Over MATTER (Mika Reyes - Ara Galang)Where stories live. Discover now