Capitulo Dos

2.1K 61 8
                                    

The story will be on Ara's point of view:)

Enjoy sa pagbabasa:)

------------

Pumunta kami ng convenience store na medyo malapit lang sa condo ko. Naisipan kong maglakad na lang kami kesa gamitin ang kotse ko, bukod kasi sa traffic ay mas makakapag-isip ka rin habang naglalakad, yan ang sabi ng doctor ko noon pagkatapos kong maaksidente.

"Upo ka muna dun, bibili lang ako ng pagkain." pabulong ko na saad kay Mika pagpasok namin ng convenience store.

"Ok." wika niya saka umupo sa table sa corner.

Bumili ako ng dalawang hotdog sandwich at drinks. Kumuha rin ako ng ilang canned goods dahil wala na rin akong stock nun.

"Here." inilapag ko ang isang sandwich sa harap niya nang makaupo ako sa table namin.

Tinitigan niya lang ito na parang ngayon lang siya nakakita ng pagkain.

"Anong problema?" tanong ko pagkatapos kumagat sa sandwich ko. Kunot-noong tinignan niya ako at akmang magsasalita na nang maalala kong..

"Ay sorry!" agad kong kinuha sa harapan niya ang sandwich.

Paano ko nakalimutan na multo pala ang kaharap ko? Ano ka ba, Vic. Hindi sila kumakain.

"Eherm.."

Napatingin ako sa kabilang table. Nagtatakang nakatitig sa akin ang isang matandang lalaki.

Anakngkabayo. At ako lang pala ang nakakakita sa kanya.

Dahan-dahan akong tumayo at sinenyasan si Mika na lumabas na kami. Baka mapagkamalan pa akong baliw dito eh. Buti na lang at nakuha niya ang ibig kong sabihin kaya sumunod siya sakin.

"Nakakahiya yun ah." sambit ko nang tuluyan na kaming makalabas ngunit pagtingin ko sa tabi ko ay wala na siya. "Mika?"

"Mika!"

Agad akong tumakbo papunta sa kanya nang makitang nakatayo siya sa gilid ng daan at akmang tatawid na, eh may paparating na sasakyan.

I tried to grab her hand pero wala akong nahawakan.

Napatingin na lang ako sa kamay ko. Nakalimutan ko na naman.

Pagtingin ko kay Mika ay nakaharap na rin siya sakin at dahan-dahang nagsalita.

"May nakita akong babae sa kabilang kalsada kanina. Mukha siyang pamilyar, parang nakita ko na siya dati."

------------

"Nasaan ang family mo?"

Natigil ako sa pagta-type sa laptop ko nang magtanong si Mika.

Nandito kami ngayon sa study room ko. May tinatapos pa kasi akong reports. Kahit naman kasi patuloy ako sa paglalaro ng volleyball ay may trabaho rin naman ako.

Nang tignan ko si Mika sa tabi ko ay nakatingin lang siya sa family picture namin na nakapatong sa table. Yung kuha ng litrato ay nung highschool pa ako nung minsang umuwi si Mama galing abroad at namasyal kaming apat nina papa at kuya sa park.

"Nasa Pampanga. Nandun bahay namin eh"

"Eh bakit dito ka nakatira?" tanong niya ulet.

Nagkibit-balikat lang ako binalik ang tingin sa screen ng laptop. "Dito na kasi ako nag-college at nakahanap ng trabaho. Dito rin ako nakakapaglaro ng volleyball."

"Hindi ka ba nalulungkot na di mo sila nakikita?"

"Namimiss ko sila. Pero hindi naman nalulungkot kasi lagi ko silang nakakausap sa Skype at umuuwi rin ako sa amin every month."

LOVE Over MATTER (Mika Reyes - Ara Galang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon