KABANATA 58

2.7K 220 69
                                    

Matatapos na ang palatuntunan ng mga taga-aliw ng kaharian para sa kaarawan ng Hari ng Edenus, ngunit muli lamang nabalot ng pag-aalala ang pangkat nina Patruska dahil ni gagarumpot na guhit ay hindi naman nila napangiti ang haring kanilang inaaliw.  Hindi na ito bago, dahil sadya namang hindi pa nila ito nakikitang ngumiti kahit na gaano pa kaganda at ka-engrande ang kanilang paghahanda.  Nabibigo man taon-taon ay patuloy pa rin naman silang sumusubok sa pagbabakasakaling may magagawa silang kahit anong bagay na pakapagpapasaya kay Lucio sa kauna-unahang pagkakataon.

“Parang hindi naman po marunong ngumiti ang panginoon,” wika ng isa sa mga kortesana sa kanilang pinuno na si Patruska, “nakatingin lang siya sa atin na tila walang nararamdaman, hindi man siya nagagalit, pero parang hindi rin natutuwa. Ano pa ba ang dapat nating gawin?”

Walang maisagot si Patruska kundi mga buntong-hininga sa kadahilanang hindi rin niya alam ang isasagot dito.

“Mga miyembro lang ng konseho ang natutuwa sa atin,” sabi naman ng isa pa sa napakaraming kortesanang naghihintay ng kumento mula sa kanilang pinuno, “nag-aalala po ako na baka totoo ang panakot ni Kapitang Bebeng. Baka bubuwagin na tayo ng panginoon dahil wala naman tayong pakinabang sa kanya.”

“Totoo po bang si Kapitang Bebeng na lang ang dahilan kung bakit nanatili tayo rito sa kaharian?” sabi naman ng isa pa. “Kung magkagayon, kailangan po ba talaga naming pagtiisan ang ginagawa ng kanilang pangkat sa atin?” Mangiyakngiyak ito. “Pinunong Patruska, hindi lamang po kasi nila kami binababoy, sinasaktan din po kami ng kanyang mga tauhan. Heto po…” inilislis nito ang kanyang saya upang ipakita ang napakaraming pasa at paso ng tabako sa kanyang mga hita. “Ito po ang ginawa sa akin ng kanang kamay ni Kapitang Bebeng kagabi nang hindi ako pumayag sa kababuyang gusto niyang gawin sa akin.”

Nagsisunuran naman sa pagdaing ng karamihan sa mga babae at nagkani-kanya sa pagpapakita ng kanilang mga pasa at sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanilang mga katawan.

“Pinunong Patruska, wala po ba talagang ibang puwang upang makapamuhay ng tahimik at desente ang mga kababaihan sa kahariang ito?” Humihikbing reklamo ng isa pa sa mga kortesana.

“Bakit po ba ganito na lang kaliit ang naging silbi natin sa kahariang ito?  Hindi po ba’t isang babaeng kalahating Lambana at Nephilim naman po ang pinakauna at nag-iisang Reyna ng kahariang ito? Ang ina ng panginoong Lucio?”

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2019, All rights reserved.

Wala pa ring maisagot si Patruska dahil maging siya ay may gayong mga katanungan sa kanyang isipan.  Ano na nga ba ang nangyari sa naging papel ng mga kababaihan sa buong kaharian gayung ito ay dati namang pinamumunuan ng isang Reyna, sapagkat isang Reyna naman talaga ang dapat nakaluklok sa trono?

“Patawarin niyo ako kung hindi ko rin alam ang kasagutan sa inyong mga katanungan,” matamlay sa sagot ni Patruska sa mga Kortesana. “Ngunit isa lang ang masasabi ko.  Hindi muling magbabalik sa dati ang kaharian hangga’t hindi naibabalik sa dating wasto ang pamunuan. Tama kayo.  Dapat na isang babae ang nakalukolok sa trono. Isang Reynang kalahating Lambana at Nephilim na tulad ng dati dahil sa ganoong paraan lamang muling makikipagkaisa ang Mashuria, ang kaharian ng mga Engkanto’t Lambana, sa kaharian ng Edenus upang tuluyang magbuo ang Kaharian ng Elysio na tulad noong unang panahon.”

“Sinasabi niyo po ba na dapat ay mawala na sa panginoong Lucio ang trono?”  kumento ng isa sa mga Kortesana, “pero paano naman po mangyayari ‘yun kung siya ay hindi lamang isang imortal na nilalang, kundi isang imortal na walang kamatayan kahit na durugin ng pinong-pino?”

“Hindi gayun ang ibig kong sabihin. Ang sinasabi ko ay kung kusa niyang isusuko ang trono sa kanyang anak na babae na may lahing katulad sa kanyang inang Reyna.”

My Guardian DevilWhere stories live. Discover now