EPILOGO

922 98 40
                                    

Butas-butas na ang dalawang hektarya ng lupaing hindi naman kanya, dahil sa higit pa sa dalawang daang kataong inupahan niyang maghukay, ngunit hindi pa rin nito makita kung ano ang hinahanap niya.

"Hindi po kaya maling mapa ang ibinigay sa inyo noong asawa ng inyong apo?" pang-aabala sa kanya ng isa sa kanyang mga alipores na Maligno. "Nasuyod na po natin ang buong lugar, pero wala po talaga eh."

Ang totoo'y mas malala pa ro'n ang hinala niya, dahil sa palagay niya'y sinadya talaga ni Lucio na ipanakaw kay Jordanna ang maling mapa. Galit na galit na ginusamot nito ang mapang hawak-hawak, at saglit pay umalingaw-ngaw na ang paghiyaw nito nang dahil sa matinding poot at pagkasiphayong nararamdaman.

"Itigil niyo na ang paghuhukay." Malumanay nitong utos sa mga utusan matapos nitong mapakalma ang sarili. "Nagsasayang lamang tayo ng oras dito."

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2019, All rights reserved.

Maya-maya pa'y pumasok ito sa kanyang tolda. At sa kanyang pag-iisa ay hinawakan niya ang dalawang palawit ng kuwintas na kanyang suot-suot: Ang Carbonado ni Lucio, at ang mahiwagang bato ni Maria ng Kagubatang ninakaw niya sa apong si Jasper, ngunit hindi niya magawang makuntento na nasa kanya na ang mga ito. May kulang pa, dahil wala pa sa kanya ang bagay na makapagbibigay sa kanya ng mas higit na kapangyarihan upang masakop ang pinakamimithing kaharian ng Elysio, at ang buong mundo.

"Kailangan kong makuha ang mga korona ng kapangyarihan!" Bulong niya sa sarili. "Akin ang mga korona ng kapangyarihan!" Kalakip nito ang sumpang hinding-hindi siya titigil hangga't 'di niya nakukuha ang mga ito. "Akin lang!"

Abala pa ito sa pagmumuni-muni ng kanyang mga susunod na hakbang laban sa lahat ng mga sagabal sa kanyang mga pangarap nang may biglang tumikhim sa kanyang bandang likuran. Nilingon nito ang tumikhim na iyon at doon nga'y may nakatayong isang napakaganda at napakaliwanag na nilalang na kamukhang-kamukha ng depiksyon ng mga tao sa Birheng Maria na ina ni HESUS. Mukha itong diyosa ng kagandahan. Kung mga ordinaryong tao ang makakakita rito, marahil ay iisipin na ng mga ito na nakakakita sila ng mapaghimalang aparisyon, ngunit hindi si Marietta, sapagkat alam na alam niya kung sino ito.

"Lucif-" Bulong ni Marietta sa sarili. "Helel..."

Nakipagtitigan sa kanya ang nilalang na may napakaamong mukha.

"Siguro naman'y alam mo kung ano ang sadya ko rito?" Napakabini ng tinig nito, sinabayan pa ng kaaya-ayang samyo ng prinsensya nito na simbango ng sariwang Rosas. "Anong maibibigay mo sa akin kapalit ng hinihingi mong habang-buhay na kalakasan at kabataan?"

"A-ano ba ang nais mo? Kahit ano, ibibigay ko. Kahit ang espiritu ko."

Sa umpisa'y ngumisi muna si Helel, bago ito unti-unting humalakhak. "Espiritu mo? Bakit? Meron ka ba no'n?"

"Hindi ba't 'yun 'din ang tinanggap mong alay mula kay Lucio?"

"Hindi mo ba alam na mga binyagan lamang ang may espiritu? Binyagan si Lucio kaya mayro'n itong naialay sa akin. Ikaw ba? Paano mo iaalay sa akin ang isang bagay na wala ka?"

Napabuntong-hininga si Marietta, "kung gayo'y ano bang maaari kong ialay ko sa 'yo?"

"Serbisyo."

"Anong klaseng serbisyo."

"Lahat ng ipag-uutos ko sa 'yo, at habang sinusunod mo ako, mananatili kang bata at buhay na maaaring lumagpas pa sa isangdaan at dalawampung taon (1)."

"Kahit ano, gagawin ko, para sa kahilingan ko."

"Magaling." Sabay bunot nito sa isang balumbon at kwil na may matilos na dulo. "Heto, pirmahan mo gamit ang iyong dugo."

My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon