1

717 11 1
                                    

Chapter 1

Seryosong nakatitig si Damon kay Pinyok, na lolo niya. Nakahiga ito sa papag at hirap nang huminga. Pipikit ito at hihinga ng mamalim, ididilat ang mga matang unti-unting nawawalan ng buhay.

"Apo, ipapasa ko na sa 'yo ang mutya ng kidlat, alagaan at pahalagahan mo ito. Gamitin mo ang mutya na ito para lipunin ang kampon ng kadiliman, lalo na ang pinuno ng mga aswang na si Giblo. Ikaw na ang bagong tagapangalaga nito, dahil ako'y 'di na magtatagal. Ito na ang tamang panahon para ipasa ito sa'yo. Sinanay kita mula pagkabata para rito. Lagi mong tatandaan 'wag mo pairalin sa puso mo ang galit at paghihiganti, dahil lang sila ang pumatay sa mga magulang mo. Ang itanim mo sa puso't isipan mo ay ang kapayapaan para sa lahat, para sa kaligtasan nila. Ang espadang 'yan ang magiging sandata mo sa iyong paglalakbay at pakikipaglaban para talunin ang kasamaan. At ang mutya ng kidlat ang iyong magiging gabay. Apo sana magtagumpay ka sa iyong misyon na mapatay ang pinuno ng mga aswang."

Mahabang habilin ni Pinyok sa apo, na si Damon. Inihabilin niya ang mutya ng kidlat kay Damon, dahil 'di na magtatagal ang buhay niya. Malaki ang naging pinsala niya sa huling pakikipaglaban sa kampon ni Giblo. Dahil na rin sa katandaan at hindi na gaano kalakas ang katawan, 'di tulad noong kabataan pa niya.

Tumango si Damon bilang pagsang-ayon, sabay kuyom ng mga kamao. Yumuko si Damon para maisuot sa kanya ni Pinyok ang kuwintas, na may palawit ng isang batong asul na may nakaukit na dragon.

"Apo, lagi mong tatandaan ang mga sinabi ko, ikaw na ang bahala sa mga Tribano. Pamunuan mo sila at ipanalo ang kabutihan," saad ni Pinyok sa pahinang boses. Nagsasalita siya habang nakapikit ang mga mata.

Nanatiling tahimik si Damon at pinagmamasdan si Pinyok. Hindi na ito gumalaw o humihinga. Alam ni Damon na wala na ang kanyang lolo, nalulungkot siya sa pagkawala nito. Ngunit walang luha na pumatak sa kanyang mga mata. Napapikit at napabuga siya ng hininga, ngayon ay siya na ang magpapatuloy sa pagtugis ng mga aswang at masasamang elemento.

Sa edad na beinte dos ay ganap na siyang manunugis, at tagapagmana ng mutya ng kidlat. Naalala niya ang mga magulang na pinatay ng mga aswang. Sampung taon lamang siya noon nang mangyari ang digmaan laban sa mga aswang at laban sa angkan niya. Maraming namatay sa kasamahan nila at kasama na doon ang mga magulang niya. Kaya hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng galit at maghihiganti.

Ang pamilya niya ay manunugis ng mga aswang at iba pang masasamang elemento. May katamtamang lupain sila na kung saan dito sila naninirahan, ang tawag sa kanilang lugar ay baryo biño. May iilang dumadayo sa kanilang lugar upang upahan sila, para patayin o palayasin ang mga aswang at masasamang elemento na gumagambala sa kanila. Ang tawag sa kanila ng tagalabas ay mga tribano.

"Pangako Lolo, pamumunuan ko ang nasasakupan natin. Magiging malakas at mabuting pinuno ako, at uubusin ko lahat ng lahi ng mga aswang. Papatayin ko si Giblo, nagpakahirap ako magsanay para sa oras na magtagpo na ang aming landas ay mapapatay ko na siya." May gigil na saad ni Damon.

Lumabas si Damon sa kubo at bumungad ang mga kasamahan niya. Nang makita ng mga tao ang kuwentas sa leeg ni Damon, agad na yumuko silang lahat tanda ng paggalang at pagtanggap ng bagong pinuno.

"Tanggapin mo aming pagbati, Pinunong Damon!!" Sabay-sabay saad ng mga tao habang nakayuko kay Damon.

"Pangako, lilipunin natin silang lahat. Hahanapin natin sila at walang ititira." Malakas na sigaw ni Damon.

Bilog na buwan ang nagbibigay ng liwanag sa paligid. Tahimik na gabi, tanging tunog ng mga kulisap ang maririnig. At tunog ng mga dahon na isinasayaw ng mabining hangin.
Na sa taas ng puno si Damon, nakaupo sa isang sanga at nakasandal sa puno. Nakapikit ang kanyang mga mata, ngunit bigla itong dumilat nang makarinig ng malakas na sigaw.

Hahamakin Ang LahatWhere stories live. Discover now