7

64 1 0
                                    

Chapter 7

Nilapitan ni Damon si Wiena na nakayuko. Nang makalapit siya ay bigla siyang sinakal ni Wiena, napangiwi siya sa higpit ng pagkakasakal ni Wiena.

"W-Wiena!" nahihirapang saad ni Damon, dahil sa subrang higpit ng pagkakasakal sa kanya.

Napakurap-kurap si Wiena at napatingin sa kamay na nasa leeg ni Damon, parang napasong napabitaw siya at napaatras.

"Da-Damon..." naluluhang saad ni Wiena.

"Anong ibigsabihin nito? may tinatago ka ba? may dapat ba akong malaman?" seryosong tanong ni Damon.

"Halimaw siya Damon! nakita mo naman 'di ba?! at naramdaman mo din?!" pasigaw na saad ni Sira at galit na tinuturo si Wiena na nakayuko.

"Magpaliwanag ka!" may diin na saad ni Damon.

Nanatiling nakayuko si Wiena at humihikbi.

"Palayasin mo na 'yan dito at baka mapahamak pa tayo! baka isang mangkukulam 'yan o 'di kaya isang engkanto! o kaya naman—"

"Manahimik ka Sira!" pasigaw at may pagbabantang saad ni Damon.

Napasinghap ang mga taong nasa paligid dahil unang beses nilang narinig na sumigaw si Damon. Napalunok ng laway si Sira at napatikom ng bibig.

"Wiena!" may diing tawag ni Damon.

Napaigtad si Wiena at napaangat ng ulo. Namumula na ang mga mata at ilong ni Wiena sa kaiiyak. Biglang lumambot ang ekspresyon ni Damon nang makita ang luhaang mukha ni Wiena.

"Damon... magpapaliwanag
at sasabihin ko din naman sayo ngunit—"

Agad na naagapan at nasalo ni Damon si Wiena bago bumagsak sa lupa, dahil nawalan si Wiena ng malay 'di na nito natapos ang sasabihin sana.

Binuhat ni Damon si Wiena at dinala sa kubo niya. Dahan-dahan niyang inilapag sa papag si Wiena, at pinahid niya ang luha na nasa mga mata ni Wiena. Napabuntong-hininga si Damon at nilisan ang kubo.

Abala ang mga babaeng tribano sa paghahanda ng pagkain at alak, dahil natapos na nila ang pagpapatibay ng kanilang trangkahan at mataas na pader palibot sa kanilang baryo.

Nagkakatuwaan, sayawan at inuman ang mga tribano.

Lumapit si Sira kay Damon at binigyan ng baso na may alak.

"Damon, bakit 'di mo magawang suklian ang pag-ibig ko? mahal kita mula pagkabata natin, wala akong iba na minahal kun'di ikaw lamang," madamdaming saad ni Sira. Mapungay na ang mga mata niya dahil sa epekto ng alak, naparami na ang nainum niyang alak.

Hinawakan ni Damon ang balikat ni Sira. "Sira, ilang beses ko din sasabihin sa'yo na kababatang kapatid lang ang turing ko sa'yo."

Hinawakan ni Sira ang kamay ni Damon na nakapatong sa balikat niya.

Ang tagpong iyon ay nadatnan at nakita ni Wiena. Nanlabo ang mga mata ni Wiena at napakuyom ng kamao. Nakatalikod sa kanya si Damon at si Sira ay nakaharap sa kanya, nakita siya ni Sira at ngumisi ito sa kanya. Nakaramdam siya ng subrang selos at galit nang yakapin ni Sira si Damon. Agad siyang napatalikod at tumakbo patungo sa talon. kahit na subrang galit ang nararamdaman niya ay napangisi siya.

Tinulak ni Damon si Sira at tumalikod. "Huwag ka nang umasa Sira,"

"Bakit dahil ba sa kanya? dahil sa magkukulam na 'yon! e bagong kakilala mo lang siya! malay mo ba kung saan siya nagmula! pangalan lang ang alam mo sa kanya!" saad ni Sira na halos maglumpasay na.

Hindi lumingon si Damon at patuloy lang na naglalakad, habang si Sira ay isinisigaw ang pangalan niya.

Nang makarating si Damon sa kubo niya ay walang Wiena na nadatnan doon. Napakunot noo siya at lumabas ulit, nag tanong-tanong siya kung may nakakita kay Wiena ngunit walang may alam. Nagtungo siya sa talon at nakitang nakaupo sa bato si Wiena at nakatingala sa langit.

Hahamakin Ang LahatWhere stories live. Discover now