6

65 1 0
                                    


Chapter 6

Nakaramdam ng subrang init si Wiena, namaluktot siya at nagpabaling-baling sa higaan. Impit na napadaing si Wiena, tagaktak na ang pawis niya.

Panay ang katok ni Damon sa pintuan ng kubo ni Wiena, ngunit walang nagbubukas tinawag na niya ang pangalan ni Wiena wala pa ring sumasagot. Aalis na sana si Damon nang makarinig sa loob ng kubo ng ungol na parang nahihirapan.

Pilit na binuksan ni Damon ang pintuan, bumungad sa kanya ang namamaluktot na si Wiena at naliligo ng sariling pawis. Nilapitan ni Damon si Wiena at pilit ginigising, nagtaka si Damon dahil subrang init ng katawan ni Wiena.

Napabalikwas ng bangon si Wiena at habol-hininga, napatitig si Wiena kay Damon na subrang nag-aalala sa kanya. Napayakap si Wiena kay Damon at may luhang pumatak sa kanyang mga mata.

Niyakap pabalik ni Damon si Wiena at hinimas-himas ang likod. "Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Damon.

"Da-Damon..." garalgal na saad ni Wiena at tinitigan sa mga mata si Damon. "Angkinin mo ako," seryosong saad niya at hinawakan ang kamay ni Damon.

Para naman napaso si Damon at napatayo bigla. "A-ano?!" utal na tanong ni Damon.

Napakagat labi si Wiena sa reaksyon ni Damon. "Ang sabi ko angkinin mo ako! sipingan mo ako!"

Napanganga si Damon at 'di makapaniwala.
"Ha? nababaliw ka na ba?! anong pinagsasabi mo?" hindi makapaniwalang saad ni Damon, napaatras pa siya ng kaunti at napahawak sa sintido.

Sunod-sunod ang pagtulo ng luha ni Wiena at napayuko, nasaktan siya ng subra sa sinabi ni Damon. Desperada na siya dahil ayaw niyang si Giblo ang makakuha sa kanya, natutuliro na siya dahil tatlong araw nalang ay pulang buwan na.

"Akala ko gusto mo ako 'yon pala ay umasa lang ako," halos pabulong na saad ni Wiena.

Napagtanto ni Damon ang naging reaksyon, at agad umupo sa tabi ni Wiena at niyakap.
"Wiena, hindi naman sa hindi kita gusto... ang totoo niyan ay mahal kita. Sa'yo ko lang naramdan ito sa daming babae ang nakapaligid sa'kin, ay walang nakakuha ng atensyon ko kun'di ikaw lang..." madamdaming saad ni Damon, at hinawakan niya ang magkabilang pisngi ni Wiena at pinunasan ang mga luha. "Ngunit masyado ka namang nagmamadali, ganyan mo ba ako kamahal at handa ka kaagad ialay ang iyong sarili sa'kin," natatawang saad ni Damon at hinalikan ang tungki ng ilong ni Wiena.

Napakurap-kurap ng mata si Wiena at unti-unting ngumiti. "Hindi mo kasi maintindihan, gusto ko bago sumapit ang pulang buwan dapat na angkin mo na ako!"

"Bakit? dahil natatakot ka bang makuha ni Giblo? wala ka bang tiwala sa'kin? wala ka bang bilib sa'kin? 'di naman ako makakapayag na makuha ka niya. Mamatay muna ako bago ka niya makuha,"

"Hindi naman sa ganun! aist! sabihin mo ayaw mo ba sa'kin!" inis na saad ni Wiena at inalis ang mga kamay ni Damon na nasa pisngi niya.

Napalunok si Damon at hinawakan ang kamay ni Wiena.

"Gusto... gustong gusto ngunit—"

"Ngunit ano! ayos lang 'wag nalang nakakahiya naman na ako pa ang nagpupumilit!" nakasimangot na saad ni Wiena.

Napatili si Wiena nang daganan siya ni Damon. Napatitig siya sa namumungay na mga mata ni Damon.

"Wiena.. Wiena..."  namamaos na saad ni Damon. "Walang bawian na, dahil 'di na ako magpipigil pa."

Magsasalita pa sana si Wiena ngunit 'di natuloy nang halikan siya ni Damon. Napakapit siya ng mahigpit sa leeg ni Damon nang maglakbay ang kamay ni Damon sa katawan niya.

____

Nang magising si Wiena ay wala na sa tabi si Damon, napangiti at namula ang mukha niya nang maalala ang nangyari sa kanila ni Damon.

"Hoy! Wiena bakit tulala ka at nakangiti! ikaw ha," saad ni Miya.

Nagulat si Wiena at muntik pang matapon ang kape niya.

Lalong namula ang mukha ni Wiena nang matanaw 'di kalayuan si Damon na walang damit pang-itaas habang may nakapasan sa balikat na malaking kahoy. Nang makita siya ni Damon ay ibinaba nito ang dala at lumapit sa kanya.

"Wiena, kamusta ang pakiramdam mo?" tanong ni Damon, nang makalapit ito kay Wiena.

Bago magsalita si Wiena ay napasulyap siya kay Miya na may panunuksong tingin. "Ayos lang," nahihiyang saad niya.

Tumango si Damon at napatingin sa kape ni Wiena. "Bakit kape lang? kumain ka ng marami at baka dinadala mo na ang aking tagapag mana. Miya kumuha ka ng makakain at prutas," saad ni Damon.

Napanganga silang dalawa sa sinabi ni Damon, 'di agad nakagalaw si Miya sa gulat kung 'di pa siya ulit tinawag ni Damon ay 'di pa siya gagalaw.

"Damon! kung ano-ano lumalabas sa bibig mo! ano nalang iisipin ni Miya," saad ni Wiena at kinurot sa tagiliran si Damon.

Napataas ng kilay si Damon at napangisi. "Bakit? totoo naman 'di ba? ilang beses may nangyari sa'tin, hindi malabong magkalaman 'yan," nakakalukong saad ni Damon at pinatulis ang nguso niya.

"Ahem! ahem! pinuno kanina pa po hinahanap ni Pitoy ang kahoy na gagawing haligi sa tarangkahan," saad ni Miya. May dala na itong apat na isda na inihaw, at isang buong letchon manok, at saging."

Tumango si Damon at nagpaalam kay Wiena bago umalis.

Inilapag ni Miya ang mga dalang pagkain, 'di maalis ang tingin ni Miya kay Wiena na subrang pula pa rin ng mukha.

"Miya ang dami naman niyan!" nahihiyang saad ni Wiena.

"Ubusin mo 'yan, ako papagalitan ni pinuno kapag nagutom ang reyna niya... at ang magiging-" nahinto ang sasabihin ni Miya ng busalan siya ng saging ni Wiena.

"Hindi ko mauubos 'yan 'di ako baboy! at p'wede ba 'wag mo ako tuksuhin!" may halos inis na saad ni Wiena.

Nakangiting kinain ni Miya ang saging at humagikhik. Nanahimik muna siya dahil halatang napipikon na si Wiena.

Tahimik nilang pinagsaluhan ang pagkain na dala ni Miya. Hindi maalis ni Miya ang tingin kay Wiena, at nag-aabang ng sasabihin ni Wiena.

Nang matapos silang kumain ay parang batang nag-aabang ng candy ang mukha ni Miya. Napabuntong-hininga si Wiena at napailing.

"Ano ba?" mahinahong tanong ni Wiena.

Nagliwanag ang mukha ni Miya at napangiti ng malaki. "Anong meron sa inyo ni pinuno? at anong ibigsabihin ng sinabi niya kanina?"

"Alam mo na 'yon, narinig mo naman 'di ba? kailangan ko pa bang edetalye ang ginawa namin?"

Impit na napatili si Miya at napahampas pa sa lamesa. "Nako! ikaw lang pala makakabingwit kay pinuno!"

Natigilan si Miya at napatitig sa likuran ni Wiena. Nagtatakang napalingon si Wiena kung bakit parang nagulat si Miya. Saktong paglingon niya ay sinampal siya ng malakas ni Sira, napabaling ang mukha niya sa subrang lakas ng pagkakasampal, pakiramdam ni Wiena ay naalog ang utak niya.

"Walang hiya ka! ginayuma mo si Damon! akin lang siya! akin!!" sigaw na saad ni Sira, habang sinasabunutan si Wiena.

Hindi nanlaban si Wiena at tiniis ang sakit sa anit. Si Miya ay natatarantang napapasigaw at inaawat si Sira, pero tinulak lang siya ni Sira at natumba.

Napaluha si Wiena dahil subrang sakit na ng anit niya, pakiramdam niya ay nakalbo na siya sa lakas ng pagkakahila ng buhok niya. Tumakbo at umalis si Miya para humingi ng tulong kay Damon.

Nakaramdam ng subrang init sa katawa  si Wiena at nandidilim ang paningin. Parang may gustong lumabas sa katauhan niya, napasigaw siya ng malakas at pinakawalan ang nag-iinit na pakiramdam.

Humangin ng malakas at napatalsik si Sira, saktong dumating na si Damon at Miya muntik pang tumalsik si Miya mabuti nalang nakahawak siya kay Damon.

"Wiena!" nag-aalalang sigaw ni Damon.

Hahamakin Ang LahatWhere stories live. Discover now