16

63 1 0
                                    

Chapter 16

Tumakbo ang kakaibang nilalang patungo kay Damon, nang malapit na ito ay tumalon si Damon patuwad sa ere at tinusok niya ng espada sa balikat ang nilalang.

Umatungal ng malakas ang nilalang, umaagos ang masaganang itim at malapot nitong dugo sa balikat na tinusok ni Damon.

Agad na tumalon at umakyat sa puno si Damon nang magtalsikan ang matatalas na balahibo ng nilalang. Nadaplisan pa ang hita at pisngi niya ng naligaw na balahibo nito.

"Tss!" ingos ni Damon, tumalon siya sa baba pagkatapos ay sinugod ang nilalang. Umatake din ito gamit ang tatlong buntot, ngunit pinagtatagpas ito ni Damon at nagtalsikan ang napakalapot na itim na dugo, nang matalsikan ang braso at balikat niya ay umusok ito at napaso. Agad niyang pinaspas ang napasong braso, para palang asido ang dugo nito sa buntot.

Tumakbo palayo si Damon dahil nagwawala ang nilalang, nagtatalsikan kung saan ang dugo nito sa buntot na mala-asido. Ang bawat matatalsikan ng dugo nito ay umuusok at natutunaw.

Nang makalayo si Damon ay sumandal siya sa puno at hinawakan ang napasong braso, pinunit niya ang manggas ng damit at tiningnan ang sugat. Napangiwi siya ng pisilin niya ito, agad siyang naghanap ng p'wedeng maigamot sa sugat.
Kinuha niya ang  dahon na pamilyar sa kanya para hindi ma-impeksiyon ang sugat, at para madaling matuyo. Dinikdik niya ito gamit ang bato, at nang mapino at lumabas na ang katas nito agad niyang inilagay sa napasong sugat. Napasinghap at napakagat labi siya nang manuot ang hapdi sa kalamnan niya. Pagkatapos niyang lagyan ng gamot ang sugat, tinalian niya ito gamit ang tela na pinunit niya sa manggas ng damit niya.

"Bakit ba kasi hindi ko nalang iniwasan 'yon! kapapasok ko palang dito, ito agad ang nakuha ko! haixt!" kastigo ni Damon sa sarili. Sumandal siya sa puno at pumikit.

Napamulat siya nang mata at naging alerto nang may kumalukos.

"Hay! nanaman!" reklamo ni Damon.

Umakyat siya ng puno at umupo na parang puso sa taas ng sangga. At nagmasid sa paligid, napasiksik sa gilid si Damon nang makita na may paparating. Pinasingkit ni Damon ang mga mata para makita ng mabuti ang dalawang pigura na parating. Hugis tao ito ngunit patulis ang mga tainga, sa isip ni Damon ay kapareho ito ni Wiena. Luminaw sa paningin ni Damon ang dalawa, mga lalake ito at may mga sibat na dala.

"Napakasaya talagang paglaruan ng mga tao, siguradong paparangalan ako ni haring Bukanao sa dami ng napatay kong tao!" pagmamalaki ng itim ng engkanto.

"Haha ako din, siguradong matutuwa si haring Bukanao sa daming nabuntis kong tao!" natatawang saad ng isa.

"Ikaw talaga, hayok sa laman ng mga tao!" naiiling na sagot nito.

"Kakaiba kasi ang mga tao, parang kay sarap lang nilang paglaruan!"

Nakahinga ng maluwag si Damon ng makaalis na ang dalawa, akala niya ay mapapalaban nanaman siya.

_____

"Ano ama limang buwan doon si Damon!" pasigaw at nanlalaki ang mga matang saad ni Wiena.

Kalmadong tumango si Curton at pinagpatuloy lang ang pagbabasa.

Napapadyak sa inis si Wiena at pabalibag na sinara ang pinto bago umalis.

Lingid sa kaalam ni Wiena ay may iba pang-usapan sila Damon at Curton. Kailangan magmanman ni Damon doon sa bundok kaliliw at iulat ang lahat  kay Curton ang mga nangyayari at malalaman sa bundok kaliliw. Dahil ang bundok na ito ay hindi na sakop ni Curton, pinamumugaran ito ng mga suwail at mga rebelding mga engkanto. Tapunan din ito ng mga engkantong makasalanan.

____

Isang buwan na si Damon simula nang makapasok siya sa bundok kaliliw, hanggat maari ay umiiwas si Damon sa mga kakaibang nilalang. At may iilang impormasyon na siyang nalalaman.

Nalaman ni Damon na may namumuno dito sa bundok kaliliw, at tinatawag nila itong haring Bukanao. Naririnig niya ito palagi sa mga itim na engkanto, kasakiman at kasamaan ang pinapalaganap nito sa mundo ng mga tao.

Nakaupo sa sanga sa taas ng puno si Damon at kumakain mansanas. "Malaki ang gulong ginagawa nitong tinatawag na Bukanao. Ito pala ang may pakana kung bakit maraming tao ang napapahamak dahil sa mga itim na engkanto," nagtago sa gilid ng puno si Damon, nang may paparating na mga engkanto at mukhang masaya ang mga ito.

"Totoo ba ang sabi-sabi na malapit na daw maalis ang sagradong kadena na nakatali kay haring Bukano?" tanong isang engkanto.

"Oo malapit na daw, ngunit wala pang may alam kung kailan, siguradong magiging masaya ito kapag tuluyan nang makalaya si haring Bukanao!"

"Bilisan na natin at baka hinahanap na tayo doon!"

Tahimik na sinusundan ni Damon ang apat na engkanto. Huminto sila sa tapat ng napakalaking puno, may binigkas ang isa at nagkaroon doon ng portal, at pumasok ang apat na engkanto.

"Paano kaya ako makakapasok doon?" tanong ni Damon sa sarili.

"Sumali ka sa paligsahan,"

Kinuha ni Damon ang espada at naging alerto.

"Sino ka magpakita ka!" matapang na saad ni Damon.

"Kalma kaibigan hindi ako kalaban, napakatapang naman ng isang taong tulad mo na magtungo dito, anong pakay mo dito?" tanong ng misteryosong lalake. unti-unti itong lumitaw at nakangiti ito kay Damon.

Mahaba ang buhok nito hanggang balikat, at matutulis ang mga tainga at may berdeng mga mata.

Ibinalik ni Damon ang espada, dahil wala siyang nararamdaman na panganib sa kaharap.

"Anong paligsahan?" tanong ni Damon, sa halip na sagutin ang katanungan ng lalake.

"Hmmm, diyan sa loob ay may paligsahan. Labanan gamit ang katawan, ngunit kung sasali ka anong laban mo sa mga itim na engkanto na 'yan? magiging laruan ka lamang,"

"Paano sumali?" tanong ulit ni Damon.

Natatawang napailing ang lalake. "Gusto mo sumali?"

"Magtatanong ba ako kung hindi,"

"Haha, sige isasali kita ako ang hahawak sayo, ano payag ka ba?"

Tumango si Damon bilang sagot. Suminyas ang lalake na sundan niya ito. May binigkas ito na kakaibang lengguwahe , at unti-unting lumitaw ang portal.

Nang makapasok sila sa loob ay napakaingay, nagsisigawan at naghihiyawan ang mga iba't ibang nilalang na naroon.

"Sasali itong kasama ko isabak mo na agad kay Tikbo, mayabang e," nakangising saad ng lalake.

"Sige Sapto, pagkatapos ng labanang 'yan. Siya na ang sunod," saad ng isang duwende.

Nanood si Damon sa dalawang engkanto. Naglalaban ito gamit lamang ang mga kamao at paa, natapos ang labanan nang pilipitin ang leeg ng mas malaking engkanto ang kalaban na may kaliitan. Naghiyawan ang mga naroon nang matapos ang labanan.

"Oh Sapto iyang alaga mo na ang sunod!"

Hahamakin Ang LahatOnde as histórias ganham vida. Descobre agora