25

59 1 0
                                    

Chapter 25

"Ikaw! anong karapatan mo na insultuhin ako! isang kalahating diyos ka lamang! ako si Limid ang diyos ng kadiliman! Walang sino man ang may karapatan na hamakin ako!" Sigaw ni Limid at tinuro-turo si Damon gamit ang hintuturo.

"Wala akong pakialam kung sino ka man, dahil tatalunin kita!" seryosong saad ni Damon at nakipagtigasan ng titig kay Limid, at pasimpling sinulyapan si Wiena kahit papaano ay nakahinga siya nang makita na hawak na ito ni Curton. Sinulyapan niya rin si Treno, nakatayo na doon si Tiara at pilit sinira ang ginawa niyang harang.

"Gusto mo bang maging mas malakas sa lahat?" anang tinig sa ulo ni Damon.

Napalingon-lingon si Damon at hinanap kung sino ang nagsalita, sa paglilibot ng paningin niya ay nakita niya si Ramon na nakikipaglaban sa dalawang diyos. Napahanga siya sa bilis nito at nagtaka dahil may inilalabas itong kapangyarihan, hindi niya akalain na may tinatago palang kapangyarihan si Ramon.

"Hoy! ako ang harapin mo hindi 'yong saan-saan ang tingin mo! masyado mo na akong minamaliit at iniinsulto!" galit na sigaw ni Limid, sabay nagpakawala ng itim na apoy na hugis sibat.

Gumawa si Damon ng kidlat na panangga at iniharang upang saluhin ang atake ni Limid. Nagpalabas siya ng malaking liyon at inutusan na atakihin si Limid. Ginamit niya ang mutya ni Curton upang makita ang susunod na atake nito.

Lumihis si Damon at tumalon sa ere upang iwasan ang sunod-sunod na atake ni Limid na itim na apoy, mabilis lang nitong napatay ang liyon na pinalabas niya. Nagpalabas ulit siya ng dalawang liyon at malaking agila, upang malingat doon si Limid. Pinalibutan niya ang kamao ng kanyang kapangyarihan, pinalakas niya ito para siguradong mapuruhan si Limid. Sa bilis ng galaw niya ay nakarating agad siya sa uluhan ni Limid na hindi nito napapansin, agad niyang sinuntok ang bunbunan nito.

Nagkaroon ng malaking butas sa kinatatayuan ni Limid sa lakas ng pwersang nagawa ni Damon. At bumaon ang kalahating katawan ni Limid doon.

"Amaa!" hiyaw ni Treno, nang masira ang harang.

Agad na tinungo ni Damon ang kinaroroonan ni Treno.

"Tumigil na kayo ano ba ang nais n'yo!" sigaw ni Damon, nang makarating siya at binuhat si Treno.

"Nagkakagulo na kaming mga diyos at diyosa dahil sa anak mo, na siyang sisira sa sanlibutan," sagot ni Tiara.

"Dahil ba siya ang dahilan kung bakit nakatakas si Bukanao?"

"Oo, ngunit hindi lamang iyon ang totoong dahilan. Ang nakasaad sa propeseya na isang kalahating itim na engkanto at kalahating diyos ang sisira sa sanlibutan, at tatapos sa aming lahi!"

Napasulyap si Damon kay Treno at umiling-iling. "Hindi— hindi magagawa ng anak ko iyang binibintang mo!" asik niya.

"Ama natatakot ako," humihikbing saad ni Treno at napayakap sa leeg ni Damon.

"Huwag ka matakot anak, narito kami ng ina mo hindi ka namin papabayaan," malumanay na saad ni Damon at hinimas-himas niya ang likod ni Treno.

"Hindi masama ang anak ko, kun'di kayo nanahimik kami ngunit kayo itong nangugulo!" saad ni Wiena na nakabawi na at naghilom na ang ilang sugat, dahil sa ama niya ginamot siya nito bago ito nalagutan ng hininga.

Umatake ng sipa at suntok si Wiena kay Tiara sabay pakawala ng apoy. Napaatras si Tiara at umiwas sa mga atake ni Wiena.

Natigilan sila Damon, Wiena at Tiara nang humalakhak ng malakas si Bukanao habang hawak sa leeg ang dalawang diyos na wala nang buhay. Napatingin sila kay Bukanao at katabi nito si Limid, na nakabawi na mula sa pagkakaidlip sa suntok ni Damon.

"Anong ibigsabihin nito Limid?" may pagbabantang tanong ni Tiara.

Ngumisi si Limid. "Ang totoo niyan ay mula noon hanggang ngayon ay kakampi ko si Bukanao."

Nagimbal si Tiara at galit na tinapunan ng tingin si Limid. "Ikaw pala ang taksil!"

Humalakhak si Limid. "Oo ako nga," nagmamalaki niyang sagot.

"Kailangan itong malaman nila ina at ng mahal na Ñiamre!" nanggigil na sigaw ni Tiara.

Umiling-iling si Limid at tinuro ang nakasara nang lagusan. "Patay na si Lia, alam mong siya lang ang makakagawa ng portal."

"Bakit? bakit mo ito nagawa sa 'tin, anong kalukuhan ito at nakipagtulungan ka sa isang 'yan!" galit na sigaw ni Tiara at tinuro si Bukanao na 'di mawala ang ngisi sa labi.

Ipinatong ni Limid ang kamay sa balikat ni Bukanao. "Gusto ko, ako ang mamuno sa buong mundo. Ngunit marami kayong sagabal at hindi ko kayang patayin kayong lahat, kaya naghanap ako ng maaring gamitin upang mapabagsak kayo. Isang sakim at ubod ng sama, at nakilala ko si Bukanao na may kakayahang higupin ang kapangyarihan ng iba. Noon ay akala ko magtatagumpay na kami, ngunit natalo si Bukanao at ikinulong ni Lia gamit ang sagradong kadena niya."

Naluha si Tiara sa narinig. "Kasabwat ka ba? noong pinaslang ang aking kapatid ng nilalang na 'yan!" garalgal na tanong ni Tiara.

"Oo, ako ang naglapit sa kanilang dalawa dahil ang kapatid mo ay diyosa ng buhay, mas magiging malakas si bukanao at magkakaroon pa siya ng buhay na walang hanggan."

"Ang sama mo!" umiiyak na sigaw ni Tiara.

"Hahaha! sadyang natukso ang kapatid mo at ang pag-ibig niya ang nagdala sa kamatayan niya. Hindi ko na kasalanan iyon. Tiara umanib ka sa 'kin at ikaw ang magiging reyna ko,"

Lumuluhang umiling-iling si Tiara. "Nahihibang kana Limid!"

"Bukanao ikaw na ang bahala sa kanila—" nahinto sa pagsasalita si Limid at napatingin sa dibdib na butas, at napatingin sa pusong tumitibok habang hawak ni Bukanao.

Inilapit ni Bukanao ang bibig sa tainga ni Limid at bumulong. "Simula ngayon ako na ang masusunod, simula ngayon akin na ang kapangyarihan mo at simula ngayon ako na ang magiging hari sa buong mundo. At walang sinuman ang makakapigil pa sa 'kin!" saad niya at humalakhak ng malakas.

Nang mahigop ni Bukanao ang kapangyarihan ni Limid, tinubuan siya ng mahabang baluktot na sungay na kulay itim, at humaba lalo ang mga pangil niya, at ang kukong mahaba ay tumalas na parang patalim. Lumaki lalo ang katawan niya na parang bato sa tigas, at tinubuan siya ng pakpak na kapareho ng paniki, at tinubuan ng mahabang buntot na sa dulo ay matalas na patusok.

"Ikaw! ikaw ang na sa propesiya na siyang sisira sa sanlibutan! nilinlang n'yo kami!" sigaw ni Tiara na naginginig ang boses, dahil kaharap na niya ang diyablong kinatatakutan nila na sisira sa buong mundo.

Humalakhak ng nakakakilabot si Bukanao ang boses nito ay napakalalim na parang nagmula sa ilalim ng balon. Ibinuka ni Bukanao ang bunganga at hinigop ang kaluluwa ng mga tribano na nagtatago lang sa paligid.

Nagsigawan ang ibang tribano dahil nakita nila ang kasamahan na nahigop na ang kaluluwa, natuyo ang balat at naging buto't balat nalamang.

Naalarma si Tiara at agad gumawa ng puting harang lumiwanag ang mga kamay niya habang ginagawa ang harang. "Madali! pumasok kayo riyan!" utos niya sa mga tribanong hindi pa nahihigop ang kaluluwa ni Bukanao.

Ngumisi si Bukanao nang wala na siyang mahigop na kaluluwa ng mga tao. "Panira ka naman diyosa Tiara!"

Hahamakin Ang LahatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon