11

69 2 0
                                    


Chapter 11

Lumipas ang limang taon walang tigil si Damon kahahanap ng paraan para mahanap si Wiena.

Umiinum mag isa si Damon at medyo nalalasing na siya sa dami ng nainum. Tuwing naalala at nangungulila siya kay Wiena ay alak ang hinahanap niya, upang makatulog sa kalasingan. Dahil mabuti pa sa panaginip niya ay kasama niya si Wiena.

Lupaypay na ang ulo niya at 'di napigilang umiyak, taas baba ang balikat niya sa kapipigil na 'di makagawa ng ingay.

"Wiena, nasaan kana? 'di ko na kaya ang pangungulila ko sayo, bakit ganito kalakas ang epekto mo sa'kin limang taon na ang lumipas, ngunit parang kahapon lang nang mawala ka!" umiiyak na saad ni Damon, para siyang bata na nawawalan ng direksiyon.

Napaangat ng ulo si Damon nang may humawak at humaplos sa pisngi niya.

"Wiena?..." napailing si Damon. "Sira anong ginagawa mo dito?"

"Damon naman! palagi ka nalang ba ganyan dahil sa babaeng engkanto na 'yon! narito naman ako lagi sa tabi mo, bakit hindi mo magawang mahalin ako?" puno ng hinanakit na saad ni Sira.

Tumayo si Damon at naglakad na pagiwang-giwang. "Dahil hindi ikaw si Wiena—"

Maagap na inalalayan ni Sira si Damon dahil kamuntik ito matumba. Tinulak ni Damon si Sira at nagpatuloy na naglakad.

Umiiyak na nakatanaw si Sira kay Damon, sumunod siya dito at nang pumasok sa loob si Damon pumasok din siya.

Agad na sinunggaban ng halik ni Sira si Damon.

Noong una ay 'di tumugon si Damon sa halik, ngunit nagdidiliryo na siya sa kalasingan, ang mukha ni Wiena ang nakikita niyag humahalik sa kanya.

Niyapos ni Damon ng mahigpit si Sira at hinalikan ng mariin, napangiti si Sira nang tumugon sa halik niya si Damon, sa isip niya ay nagtagumpay siyang maakit si Damon.
Gumapang ang kamay ni Damon sa katawan ni Sira.

"Anak ng—!" reklamo ni Sira nang matumba si Damon at tulog na tulog na ito.

Napapadyak sa inis si Sira at hinila pataas papunta sa papag si Damon. Tagaktak ang pawis niya dahil subrang bigat at ang laki ng katawan ni Damon.

"Gagawin ko ang lahat maging akin ka lang Damon! hindi ako papayag na mapunta ka sa itim na engkanto na 'yon!" nagpupuyos sa galit na saad ni Sira.

Hinubad ni Sira ang  lahat ng kasuotan, pagkatapos niya ay sunod niyang hinubaran si Damon. May sumilay na ngiti sa labi ni Sira at niyakap ang hubad na katawan ni Damon, at natulog katabi ito.

Nagising si Damon at uupo sana, napatingin siya sa kanang braso niya na ginawang unan ni Sira. Napabalikwas ng bangon si Damon at nanlalaki ang mga mata na nakatitig sa hubot hubad na katawan ni Sira.
At napatingin din sa katawan niyang walang saplot ni isa.

"Ano to Sira?!" sigaw ni Damon. At agad na pinulot ang nakakalat na damit at isinuot.

"Magtatanong kapa e alam mo na ang sagot," nakangiting saad ni Sira.

"Kabaliwan ito Sira!" saad ni Damon,  at napasabunot ng buhok.

Tumayo si Sira wala siyang pakialam kahit na makita pa ni Damon ang hubad niyang katawan.

"Damon—"

"Manahinik ka!" sigaw ni Damon. At lumabas sa kubo.

Napasuntok sa puno si Damon. "Wiena patawad 'di ko sinasadya, wala akong maalala! lasing ako!" kausap ni Damon sa hangin.

"Pinuno narito si mang Lito, may mahalaga daw siyang sasabihin,"

Tumango si Damon at tinungo ang bulwagan ng kanilang baryo.

"Damon, wala akong alam kung paano makapunta sa mundo ng mga engkanto, ngunit may kilala ako. Siya ang pinakamatandang ermitanyo na nabubuhay sa mundong ito, mahigit limangdaan taon na siyang nabubuhay...." panimulang saad ni mang Lito.  "Damon, hindi madali ang ginagawa mo lalo pa't may dugo ka ni Diyosa Tamare, maaring magkagulo kapag nalaman ng mga diyosa at diyos ang relasyon niyong dalawa. Maaring madamay pa ang mga tao kapag nagkataon."

Nanatiling seryoso si Damon at malalim na nag-iisip. "Sino ang tinutukoy mo? maari mo ba akong dalhin sa kanya?"

Bumuntong hininga si Lito at tumango. "Hahamakin ang lahat dahil sa pag-ibig, tunay ngang makapangyarihan ang pag-ibig. Bukas ng umaga, bago sumapit ang bukang-liwayway pupunta tayo sa timog sa bundok ng gibabano, naroon siya namamalagi. Ngunit 'di ko batid kong magpapakita siya sa'tin ikaw nalang ang gumawa ng paraan para magpakita siya sa'yo."

Tumango si Damon at nagpasalamat. Sa isip ni Damon, saka na niya problemahin kung sakaling mangialam ang mga diyosa/diyos. Ang mahalaga ay makita at makasama niya si Wiena.

_____

Nakatulalang nakatanaw sa labas ng bintana si Wiena, limang taon na ang lumipas nang mawalay siya kay Damon. Gustuhin man niyang magtungo sa mundo ng mga tao, ngunit pinipigilan siya ng ama, at natatakot siya sa banta nito.

"Ina! Ina!" humahangos na saad ng isang paslit.

"Treno anak! bakit?" natatawang saad ni Wiena sa anak na puno ng dungis ang mukha.

"Ina, natalo ko si Rito, nagpagulong-gulong kami sa lupa!. Siyam na taon na siya ngunit napaka hina niya! samantala ako na apat na taon gulang palamang ay natalo siya! nakakahiya siya ina!"

Napailing si Wiena sa pinagsasabi ng anak, lumapit siya kay Treno at hinaplos ang buhok. Napatitig siya sa kulay gintong mga mata ni Treno, kamukha ito ng kanyang ama. Mapait na ngumiti si Wiena at pasimpling pinahid ang luha.

"Ina galit po ba kayo?" nag-aalalang tanong ni Treno.

"Anak ilang beses ko bang sasabihin na huwag kang makikipag-away," mahinahon at nakangiting saad ni Wiena.

Napatulis ng nguso si Treno. "Sabi ni lolo Curton na dapat katakutan ako ng mga engkanto, dahil ako ang susunod na magiging hari!" Magiliw at nagmamayabang na saad ni Treno.

"Ikaw talaga halika dito!" saad ni Wiena, at kiniliti ang anak.

Napatawa ng malakas si Treno dahil sa kinikiliti siya ng ina. Napahinto sila nang pumasok sa silid si Curton.

"Lolo!"

"Ama."

"Dijana, nalaman ko nanaman ang balak mong gawin! ilang beses ko bang sasabihin na kalimutan mo na siya!" galit na saad ni Curton.

"Anak lumbas ka muna mag-uusap muna kami ng lolo mo."

Tumango si Treno at hinalikan sa pisngi ang ina bago umalis sa silid.

"Ama, may karapatan siyang makilala ang anak niya!"

"Dijana! Hindi mo ba naiintindihan ha? na kapag nalaman ng mga Diyos/Diyosa ang tungkol sa inyo, at lalo na kay Treno maipagtatanggol ba kayo ng lalaking 'yon!, Dijana mahal ko ang aking apo ayaw kong may mangyaring masama sa kanya!. Manatili lang kayo dito at magiging maayos ang lahat,"

"Ama—"

"Napakatigas ng ulo mo! nagbago ang pananaw ko mula ng masilayan ko si Treno nangako ako sa sarili ko na hindi na ako makikialam sa mundo ng mga tao. Kakalimutan ko na ang hangarin na masakup ang mundo ng mga tao!." galit at pasigaw na saad ni Curton.

"Kung hindi dahil sayo hindi ko naman makikilala si Damon! kung hindi mo sana ako pinilit na pakasalan ang aswang na 'yon, ede sana matiwasay akong namumuhay ngayon!. Ama, nagtatanong na si Treno tungkol sa ama niya, ngunit 'di ko alam ang isasagot!."

"Nasa mundo ng mga tao ang ama ko?"

Napamulagat sila dahil nakikinig pala si Treno sa usapan nila, akala nila ay umalis na ito.

"Treno!" sabay na bigkas nila Wiena at Curton.

Hahamakin Ang LahatWhere stories live. Discover now