21

58 1 0
                                    

Chapter 21

"Wiena..." malambing na tawag ni Damon, at buong ingat na hinaplos ang pisngi Wiena.

Namumungay ang mga mata ni  Wiena nang idilat ito, at namilog nang masilayan ang nakangiting mukha ni Damon. Napabalikwas siya nang upo at hinawakan ang magkabilang pisngi ni Damon.

"Gi-gising kana?" utal na tanong ni Wiena.

Nakangiting tumango si Damon. "Kailangan na natin umalis, dahil paparating na ang hukbo ni Bukanao. Ayaw ng ama mo na maabutan kayo dito ni Bukanao, at madamay kayo sa digmaan na magaganap."

Umiling si Wiena at tumayo. "Hindi ko iiwan si ama dito sasama ako sa labanan," madiing saad niya.

Bumuntong-hininga si Damon at hinawakan ang magkabilang balikat ni Wiena, at matamang tinitigan ang mga mata. "Wiena, ito ang nais ng iyong ama. At isipin mo si Treno paano kung makita siya ni Bukanao at sapilitang kunin sa 'tin? hindi pa natin batid kung gaano kalakas ang kalaban," pagpapaintindi ni Damon kay Wiena.

Bagsak ang balikat ni Wiena at umupo. "Sige, nasaan si ama?"

"Naroon na sa labas ng palasyo upang pamunuan ang hukbo niya, ang bilin niya ay umalis kaagad tayo."

Tumango-tango si Wiena at sinulyapan si Treno na gising na, at may pagtataka at nagtatanong ang mga titig sa kanila. Tumayo siya at nilapitan si Treno.

"Ina anong nangyayari?" takang tanong ni Treno, dahil narinig niya lahat ng pinag-usapan ni Wiena at Damon.

"Kailangan na nating magtungo sa mundo ng mga tao, doon ko na lamang ipapaliwanag sa 'yo anak," may lungkot na sagot ni Wiena.

"Si lolo?"

Nagkatinginan sina Damon at Wiena. Lumapit si Damon at hinaplos ang buhok ni Treno.

"Ang lolo Curton mo ay kailangang depensahan ang kanyang kaharian, susunod na lang raw siya sa 'tin," sagot ni Damon.

Nasa harapan na ng portal sina Wiena, at Damon na karga si Treno. Bago pumasok sila sa portal ay napalingon si Wiena nang may malakas na pagsabog. Akmang tatalikod si Wiena upang puntahan ang ama, ngunit hinahawakan ni Damon ang kamay niya at umiling.
Nang tuluyan na silang makapasok sa portal ay sunod-sunod na pagsabog ang narinig nila. Tahimik na napaluha si Wiena, at subrang nag-aalala sa ama kahit na hindi maganda ang una nilang pagkikita ay ama parin niya ito, at mahal niya ito.

Nagkagulo ang kasamahan ni Damon, nang makita sila. Masaya sila dahil nagbalik na ang pinuno nila, at dala pa nito ang mag-ina niya. Samantala may isang tao na subrang panibugho ang nararamdaman at matalim ang tingin kay Wiena at Treno.

"Maligayang pagbabalik pinuno, at Wiena" nakangiting bati ni Miya.

Napatingin si Wiena sa nakaumbok na tiyan ni Miya at ngumiti, lumapit siya kay Miya at hinawakan ang tiyan.

"Babae, napakagandang bata ng iyong magiging anak Miya," nakangiting saad ni Wiena.

Namilog ang mga mata ni Miya at napatakip ng bibig, bumalatay sa mukha ang galak. "Talaga? narinig mo iyon Pitoy, babae raw ang magiging anak natin,"

"Oo mahal hindi ako bingi," natatawang tugon ni Pitoy at hinalikan ang noo ni Miya.

"Tss! maganda?! pangit ang anak mo ginang," segundang tutol ni Treno at salubong ang kilay na tinitigan ang tiyan ni Miya.

"Treno!" saway ni Wiena at pinanlakihan ng mga mata si Treno, at alangang ngumiti kay Miya. "Hehe, pagpasensyahan mo ang batang 'yan, sadyang sutil ang anak ko."

Natawa rin si Miya at yumuko upang pisilin ang pisngi ni Treno. "Ayos lang Wiena, gan'on lang talaga ang mga bata, ang guwapo mo naman manang-mana ka kay pinuno."

Hahamakin Ang LahatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon