22

61 1 0
                                    

Chapter 22

"Pablo, narito ako upang humingi ng tulong. Alam kong alam mo na ang nangyayari ngayon sa mundo ng mga engkanto," saad ni Damon.

Bumuntong-hininga si Pablo. "Damon hindi biro ang lakas ni Bukanao, ang nilalang na iyan ay walang kamatayan. Dahil ang ininum niyang dugo, ay diyosa ng buhay. Kung ang itatanong mo kung paano matatalo si Bukanao, ang sagot ko ay wala. Tanging ang mga diyos at diyosa lamang ang makakasagot nito,"

Nanlumo si Damon sa narinig. "Malaking problema ito," nanghihina niyang saad.

"Malaki nga," sang-ayon ni Pablo.

"Pinuno anong gagawin natin, siguradong pagkatapos ng Bukanao na iyan sakupin ang mundo ng mga engkanto, dito ang sunod!" nababahalang sabat ni Pitoy.

"Oo nga, anong laban natin sa nilalang na iyan, kung ang mga engkanto nga nagapi niya paano pa tayong mga tao!" segunda naman ni Ramon.

"Kausapin mo ang mga diyos at diyosa, humingi ka ng tulong," mungkahi ni Pitoy.

Umiling si Damon. "Hindi maari."

Nagtatakang nagtanong si Ramon. "Bakit?"

Ngunit hindi ito sinagot ni Damon, nagpaalam na siya kay Pablo na babalik na sila.

Nang makarating sila Damon sa baryo Biño, agad niyang tinungo ang kubo kung nasaan ang mag-ina. Naabutan niyang mahimbing natutulog ang dalawa, lumapit siya at hinalikan ang noo ng mag-ina. Kumunot ang noo niya at nagsalubong ang kilay nang mapansin na basa ang pisngi ni Wiena at mugto ang mga mata, sa isip niya ay baka nag-aalala ito sa ama.
Lumabas siya nang kubo upang kumain, dahil nag-alburuto na ang alaga niya sa tiyan.

"Damon..."

Napahinto sa pagsubo ng pagkain si Damon. "Bakit? anong kailangan mo?"

"Damon buntis ako nagbunga ang minsang namagitan sa'tin!" saad ni Sira.

Napahampas ng malakas si Damon sa lamesa, at matalim ang mga matang tintigan si Sira. "Anong biro ito Sira!?" asik niya.

"Da-Damon, anong pinagsasabi mo na biro? narito sa tiyan ko ang magiging anak natin!" utal at naluluhang saad ni Sira, habang tinuturo ang tiyan.

Umiling-iling si Damon at sininyasan si Sira na umalis sa harapan niya. "kahit na lasing ako noon alam kong walang nangyari sa'tin! umalis ka sa harapan ko at baka ano pa ang magawa ko sa'yo!" may diin ang bawat bigkas niya, at matalim ang mga matang nakatitig kay Sira.

"Kung inaakala mo na susuko ako, at hahayaan na maging masaya kayo nagkakamali ka!" banta ni Sira bago ito umalis.

Umiiyak na tumakbo palabas ng baryo si Sira. "Hindi ko hahayaan na maging masaya kayo!" buong hinagpis na saad niya at tumangis ng malakas.

"Gusto mo bang makaganti?" anang malalim na boses.

napalingon-lingon si Sira at ginala ang tingin upang hanapin ang nagsalita.

"Si-sino ka? Magpakita ka?" utal na sigaw ni Sira.

"Ako si Bukanao, bigkasin mo ang sasabihin ko sa'yo at pagkatapos magpakilala ka, at sabihin mo na ang anak ni diyosa Tamare ay umibig sa itim na engkanto at nagkaroon pa ng supling."

Naguguluhang tumango si Sira at matamang nakinig sa mga sinasabi ni Bukanao. Gagawin niya ang lahat para masira sila Damon at Wiena, kung hindi man maging kanya si Damon mas pipiliin niyang walang makinabang dito.

"Dinggin n'yo ako diyos at diyosa, ako'y may mahalagang nalalaman na inyong ikakagimbal. Ako si Sira, tapat n'yong lingkod na nais mag-ulat, ang inyong kauri na anak ni diyosa Tamare, ay siyang umibig sa isang itim na engkanto! DINGGIN N'YO ANG AKING TINIG!" nakapikit at taimtim na dasal ni Sira.

Humangin ng malakas at kumulog. Napangisi si Bukanao, dahil oras na bumaba ang mga diyos at diyosa ay makakaganti na siya sa ginawa ng mga ito sa kanya. Sa pagkakahimbing niya sa mahabang panahon pinalakas niya ang sarili, upang sa oras na magtagpo ang landas nila ng mga diyos at diyosa ay mapatay niya ang mga ito, at pagkatapos ay higupin ang mga kapanyarihan.

Marahas na hinawakan ni Ramon ang braso ni Sira at matalim na tinitigan ang mga mata ni Sira.

"Anong kahibangan ang ginawa mo Sira! pinalala mo ang sitwsyon!" galit na saad ni Ramon, dahil narinig niya ang lahat na inusal ni Sira.

Winaklit ni Sira ang kamay ni Ramon at matalim na nakipagtitigan. "Bitawan mo nga ako!"

"Nababaliw kana ba talaga! hinayaan ko na nga na ipagkalat mo na si pinuno ang ama ng dinadala mo, na kahit akin 'yan—"

"Oo nababaliw na ako! baliw na baliw ako kay Damon! hindi ko matanggap na ang engkantong 'yon ang pinili niya!" pumiyok na saad ni Sira at humikbi. Pinagsusuntok niya ang dibdib ni Ramon. "Ba-bakit? bakit? hindi ako kayang mahalin ni Damon," nanghihinang saad ni Sira at napasalampak sa lupa.

"Sira tumayo ka riyan, hayaan mo na si pinuno lalo pa't may anak na sila. Kung talaga na mahal mo siya palayain mo, gaya ng ginawa ko..." malumanay na saad ni Ramon, at mababanaag sa mga mata niya ang lungkot habang nakatitig kay Sira. "Hinayaan kita kung ano ang nais mo, ngunit kalabisan na ang ginagawa mo. Maraming tao at nilalang ang madadamay sa kagagawan mo," desmayadong saad niya, at may tumulong luha sa kanang mata niya.

"Wala akong pakialam!" sigaw ni Sira.

Napakuyom ng mga kamay si Ramon at nag-igting ang panga. "Talaga? paano kung sabihin ko sa 'yo na handa akong tapusin ang buhay mo matigil lamang ang kabaliwan mo," seryosong saad niya.

Natigilan si Sira at namilog ang mga mata, pagkatapos ay humalakhak.
"Hindi mo 'yan magagawa dahil mahal mo ako," saad niya.

Mas lalong dumilim ang mukha ni Ramon, na ikinalunok ng laway ni Sira at ikinawala ng ngisi.

"Maaring mahal kita, ngunit ang katapatan ko ay kay pinuno. Tama na ang minsang nagkasala ako, naglihim ako at na nahimik ako para sa kagustuhan mo. Ngunit ibang usapan na kapag maraming tao na ang madadamay, handa kitang patayin at pagkatapos ang buhay ko naman ang tatapusin ko, baka sakaling sa kabilang buhay ay mahalin mo ako at piliin mo," saad ni Ramon habang sunod-sunod na nagbabagsakan ang mga luha.

Napailing-iling si Sira at napaatras nang makita na itinaas ni Ramon ang kamay na may hawak na punyal. Nagkukumahog siyang tumayo at tumakbo.

Napatili ng malakas si Sira at umaligawngaw sa kagubatan, nang mahuli at mahawakan siya ni Ramon. Nagmamakaawa ang mga mata niyang nakatitig sa mga mata ni Ramon na puno ng hinanakit.
"Ra-Ramon h-huwag m-maawa ka sa a-anak n-natin!" utal na saad niya, at pilit inaalis ang kamay ni Ramon na subrang higpit na nakahawak sa braso niya.

Mapait na ngumiti si Ramon at ibinaon sa puso ni Sira ang hawak na punyal.

"Ra-Ramon—" napasuka ng dugo si Sira at bumagsak sa lupa. Kumalat sa lupa ang malapot niyang dugo mula sa nasaksak na puso. Dilat ang mga matang nalagutan siya ng buhay.

Humaguhol ng malakas si Ramon. "Patawad anak ko kung hindi ka naisilang sa mundong ito, madadamay ka lang sa magulong mundo at sitwasyon namin ng ina mo," tumatangis niyang saad. At itinarak din sa puso ang punyal na kumitil kay Sira.

Tulad ni Sira ay bumagsak ang duguang katawan ni Ramon, at naghalo ang mga dugo nila.

"Mga hangal na mortal!" naiiling na saad ni Bukanao. Lumapit siya kay Ramon at hinawakan ang panga nito, at may hinigop siya ditong kulay puting usok. At pagkatapos ay si Sira naman ang nilapitan hinigop niya rin sa bibig nito ang kulay-abo na usok.

Unti-unting nagbago ang itsura ni Bukanao at naging siya si Ramon, nakuha niya lahat ng itsura ni Ramon mula sa tindig ng katawan, hugis at ang boses. Napangisi ng malaki si Bukanao. "Masayang laro ito!"

Hahamakin Ang LahatWhere stories live. Discover now