24

60 1 0
                                    

Chapter 24

Hindi na nakayanan ni Damon na nakikitang nasasaktan ang anak, agad niyang sinugod si Milid.

Natatawang umiwas at binitawan ni Milid si Treno. Agad na sinalo ni Damon si Treno. "Treno—"

"Ama huwag ka pong mag-aalala ayos lang ako, hindi masakit. Patawad ama kung hindi sana ako sumunod sa'yo—"

"Sshhhh wala kang kasalanan, sige na bumalik ka sa ina mo at ako ang makikipag-usap sa kanila," pang-aalo ni Damon kay Treno. Hinaplos niya ang buhok ng anak at hinalikan ang noo.

Kiming tumango si Treno at sinunod ang utos ng ama. Labis ang pagsisisi niya dahil sa kanya ay nagkakagulo na ngayon. Nang makalapit siya kay Wiena ay agad siya nitong niyapos ng mahigpit.

"Hindi na kami magpaligoy-ligoy pa narito kami upang kunin ang batang iyan," saad ni Tiara.

"Hindi!" sigaw na tutol ni Wiena at naglabasan ang pangil niya sa galit.

"Hindi n'yo makukuha ang anak namin!" may diin ang bawat bigkas ni Damon.

Humalakhak ng malakas si Milid. "Anong laban ng isang basura na katulad mo? dapat talaga noon pa inubos ang lahi n'yo na mga itim na engkanto. Dahil salot lamang kayo."

Lihim na ngumisi si Bukanao na nasa anyo na ni Ramon. "Sige magpatayan kayo," pabulong niyang saad.

"Damon..." tawag ni Curton, at may ibingay na bilog na itim na kristal. "Ito ang aking mutya, ang kakayahan nito ay maari mong makita ang magiging galaw ng iyong kalaban, ngunit may limitasyon ito. At may kakayahan din itong linlangin ang sino man, gaya ng sinabi ko may limitasyon ito, gamitin mo lamang ito kung kinakailangan na talaga. Ipagsanib mo ang hawak mong mutya at ang mutya kong ito, alam kong kakayanin ng katawan mo ang kapangyarihan ng mga ito dahil hindi ka ordenaryong tao."

"Ama... bakit?" naluluhang tanong ni Wiena.

"Dijana, hindi na magtatagal ang buhay ko. Mawala man ako ay panatag ako dahil nariyan si Damon na alam kong hindi kayo papabayaan, at alam ko magtatagumpay kayo. Dahil ang maalamat na mandirigma ay narito lamang sa paligid naghihintay na magising nang tuluyan..." nakangiting saad ni Curton at hinaplos ang buhok ni Wiena. "Napakaganda mo talaga anak, kamukha mo ang iyong ina. Sayang lamang at hindi kami magtatagpo sa kabilang buhay,"

"Tama na ang drama!" sabat ni Limid at nagpakawala ng berdeng liwanag patungo kina Damon.

Gumawa ng itim na harang si Curton para doon tumama ang berdeng liwanag. Kinarga ni Damon si Treno at niyapos niya ang baywang ni Wiena. Nang tumama ang berdeng liwanag sa ginawang harang ni Curton ay gumawa ito ng nakakabinging pagsabog, tumalsik sila Curton at Sapto, si Damon naman ay nabitawan si Wiena nang tumalsik sila, tinakpan niya ang ulo ni Treno at niyakap upang protektahan sa pagtalsik nila, napaigik siya nang tumama ang likod sa puno.
Si Wiena naman ay tumama sa malaking bato at nabitak ito, napabuga ng hangin si Wiena at napapikit.

"Lia ikaw na ang bahala sa bata," utos ni Tiara sa isa pang diyosa.

Ang dalawang diyos ay nanatiling nakatayo at nanonood lamang.

Lumabas sa likuran ni Lia ang anim na gintong kadena at bumulusok ito patungo kay Treno. Itinapat ni Damon ang espada sa harapan at hinanda ang sarili sa paparating na mga kadena ni Lia. "Tikbo! Tikbo! Tikbo" paulit-ulit na tawag ni Damon, sinulyapan niya ang mutya at doon palang niya napansin na wala doon ang gintong buhok ni Tikbo. Salubong ang kilay at nagtatakang inalala kung naiwala ba niya ito.

Agad na tumayo si Wiena nang makita ang kadenang ginto patungo sa mag-ama niya. Nag teleport siya sa unahan ng mag-ama at hinarang ang sarili sa paparating na mga kadena.
Nilingkisan siya ng mga kadena at itinaas sa ere.

"Wiena!"

"Ina!"

"Dijana!"

Sabay na sigaw nila Damon, Treno at Curton.

Napasigaw si Wiena nang malakas dahil sa init na nagmumula sa mga kadena, parang nagbabagang apoy ang mga ito na sinusunog ang balat niya. Nagpumiglas siya nang humigpit lalo ang mga kadena.

Kanya-kanyang tago ang mga tribano sa takot na madamay sila, gustuhin man nilang tulungan ang pinuno nila, ngunit anong laban nila sa mga diyos at diyosa.

Tinubuan ng pakpak si Damon lumuhod siya upang magpantay sila ni Treno. "Dumito kalang," bilin niya at gumawa ng harang palibot kay Treno.

Masunuring tumango si Treno, kailangan niyang sundin ang ama at baka mas lalong lang mapahamak ang ina kung susuway nanaman siya.

Lumipad si Damon patungo kay Wiena, nahabag siya kay Wiena dahil nagsisigaw ito at mababanaag sa mukha nito ang hirap at sakit. Inatake niya ang mga kadena upang putulin, ngunit tumalsik lang siya. Lumipad ulit siya patungo kay Wiena at tinira ng bulang kidlat ang mga kadena, ngunit hinigop lamang ito.

"Kahit anong gawin mong atake ay hindi mapuputol ang mga kadenang 'yan," seryosong saad ni Lia, umiilaw ang gintong mga mata niya dahil sa paggamit ng kapangyarihan.

Hindi nakinig si Damon at patuloy lang na umaatake sa mga kadena. Nilingon niya ang nagmamayari ng mga kadena, at ito ang sinugod.

Ngunit nang malapit na siya dito ay humarang si Limid at sinipa ang mukha niya mabuti nalang ay naiharang niya ang kanang braso. Gumanti siya ng sipa at nag-ipon ng enerhiya sa kaliwang kamao, sinalag nito ang sipa niya gamit rin ang paa nito. Kunwaring umatake siya ng sipa para doon matoon ang atensyon nito, ngunit ang tunay niyang pakay ay atakihin at patamaan ito ng kanyang kaliwang kamao sa dibdib nito.
Napangisi siya nang makalusot ang kaliwang kamao niya at sapol ito sa dibdib, napaatras ito at napaigik. Ibininuka niya ang mga pakpak at sabay lipad sa taas, gumawa siya ng napakalaking bolang kidlat at may halo itong itim sa palibot sa gilid. At pinakawalan niya ito patungo kay Limid, ngumisi si ito sabay punas sa bibig na may dugo. Nagpalabas ito ng asul na ahas para salubungin ang atake niya, nang magsalpukan ang mga atake nila ay gumawa ito ng napakalakas na tunog at humangin ng malakas.

"Ahhhhh Damon!" Umiiyak na palahaw ni Wiena. Tumutulo na ang dugo niya, at kinakapos na ng hininga dahil sa sakit na nararamdaman. Nanghihina na siya at parang hinihigop ng kadena ang kamalayan niya, lupaypay na ang ulo niya nang dumilim na ang paningin. Bumagsak sa lupa si Wiena nang pakawalan siya ni Lia.

"Dijana!" pinilit ni Curton na tumayo, itinukod niya ang isang kamay sa lupa, at ang isang kamay ay nakahawak sa tagilirang nagdurugo.

Habang si Sapto ay sinasakal ng isa pang diyos, walang laban si Sapto sa lakas ng kaharap.

"Wiena!" sigaw ni Damon pabalik.

"Ako ang kalaban mo, hindi ka malalapait sa babaeng minamahal mo hanggat 'di mo ako natatalo!" nakangising saad ni Limid.

Napasulyap si Damon kay Treno, dahil palapit si Tiara doon. "Treno," bulong niya at napakuyom ng kamay. Na sa piligro ang mag-ina niya at ngayon ay wala nanaman siyang magawa, dahil hindi niya matalo-talo ang kaharap. Naiinis siya sa sarili dahil napakahina niya, kahit na dalawa na ang mutya niyang hawak at ginagamit na niya ang kapangyarihan ng dugong diyos niya, ay hindi pa rin niya mapatumba ang kalaban.

"Ano na? Anak ni Tamare, malandi ang ina mo pagkatapos niya akong paibigin ay iiwan ako, tapos sasama lang pala sa walang kuwentang tao!" paasik na saad ni Limid at nanlilisik ang mga mata niya sa galit.

Natigilan si Damon sa narinig, at sabay ngisi. "Bakit ka naman magugustuhan ni ina, 'di hamak na mas makisig ang aking ama kaysa sa 'yo," nang-iinsultong saad niya habang nakangisi.

Nag-alab ang mga mata ni Limid at nagpalabas ng malakas na aura.

Habang si Lia ay hindi namalayan ang pagsulpot ni Bukanao sa likuran niya. Bumulwak ang dugo niya sa bibig at napatingin sa butas na niyang dibdib, at tumagos doon ang kamay ni Bukanao na hawak ang tumitibok pa niyang puso. Dahan-dahan niyang nilingon kung sino ang may gawa, at nakita ang nakangising si Bukanao na nasa anyo ni Ramon.

"Naiinip na ako at gusto ko nang makisali, pasensya at ikaw ang na una kong patayin. Nais kong gamitin ang kapangyarihan mo, na naging dahilan ng pagkakahimlay ko nang matagal," mala-deminyong saad ni Bukanao.

Tirik ang mga mata ni Lia na bumagsak sa lupa, hinawakan ni Bukanao ang panga ni Lia at hinigop ang parang usok na kulay dilaw na mapusyaw.

"Hmmm...." ungol ni Bukanao at tumango-tango. Naging alerto siya nang sumugod ang dalawang diyos sa kanya. "Masaya 'to!."

Hahamakin Ang LahatWhere stories live. Discover now