3

101 2 0
                                    

Chapter 3

Nakatayo sina Damon, Timyo, Ramon at Simon 'di kalayuan sa baryo binanlao. Ang mga nakatira rito ay mga aswang. May nagbalita kay Damon na ang baryo binanlao ay pinamumugaran ng mga aswang, na nambibiktima ng mga tao sa karatig baryo nito.

"Ihanda na ninyo ang mga sarili n'yo, dahil uubusin natin silang lahat!" May diing saad ni Damon.

"Matagal na kaming handa, Pinuno!" sagot ni Simon. Napatango naman ang tatlo pang kasamahan.

Maliwanag parin ang bilog na bilog na buwan kahit alas-tres na ng madaling araw. Naglakad palapit ang grupo ni Damon sa loob ng baryo, maliit lamang ang nasabing baryo. Matatalim ang mga titig sa kanila ng mga naninirahan doon.

Huminto sila Damon sa gitna ng baryo habang pinalilibutan sila ng mga nakatira doon, na mga aswang. Umilaw ang mutya ni Damon, at
Pumikit siya sabay bigkas ng isang orasyon, orasyon para magkaroon ng harang ang buong baryo para walang makatas na mga aswang.

Nang dumilat ang mga mata ni Damon ay nagbago na ng anyo ang mga aswang. Nagtataasan ang makakapal na itim na balahibo, mapupula ang mga mata, mahahaba ang mga kuko na matatalas. Nakakakilabot ang mga wangis ng mga aswang, na handang lapain ang pangkat ni Damon.

Sabay-sabay na sumugod ang mga aswang. Sinipa ni Damon ang isang aswang na tumalon patungo sa kanya, sabay kuha sa espada niya.

Iniharang ni Damon ang espada sa bunganga ng nakangangang aswang, na muntik nang makagat ang balikat niya.

Pasimpling sinulyapan ni Damon ang mga kasamahan, may mga kanya-kanyang  kalaban ang mga ito.

Hiniwa ni Damon ang bunganga ng aswang sabay sugod sa iba pang aswang. Sa tantiyang bilang ni Damon na sa treynta ang mga ito.

Sa gilid ng mata ni Damon nahagip niyang may pasugod sa likuran ni Ramon. At 'di nito napansin ang pasugod na aswang dahil abala ito sa tatlong kalaban. Ibinato ni Damon ang espada niya at saktong tumama sa dibdib at bumaon doon.

Sinakal ni Damon ang dalawang aswang sabay balibag sa lima pang aswang, at pinagsisipa ang mga ito. Tumakbo siya papunta sa patay na aswang kung saan nakabaon ang espada niya. Hinugot niya ang espada at sabay sugod sa natitirang mga aswang.

Saktong sumilay ang haring araw napatay na nila ang mga aswang, at nagtira sila ng isa upang makakuha ng impormasyon tungkol kay Giblo at sa kuta nito.

"Ano 'di ka magsasalita!" pasigaw na saad ni Timyo na kasamahan ni Damon.

"Kalma ka lang Timyo, mas lalong 'di yan magsasalita," saad ni Ramon. At tinapik-tapik niya ang pisngi ng aswang na nakagapos. "Kung ako sa'yo, magsalita kana para pakawalan kana namin."

Nanatiling tahimik ang nanlilisik na aswang, nasa anyong tao na ito at duguan ang katawan.

Napahiyaw ng malakas ang aswang nang putulin ni Damon ang kaliwang kamay nito.

"Sabi sa 'yo magsalita kana, 'yan tuloy," naiiling na saad ni Ramon.

"Mga hanggal! sabihin ko man o hindi papatayin n'yo ako!. Anong akala n'yo na magtatagumpay kayo na lipunin kaming mga aswang!. Pwes! nagkakamali kayo, 'di n'yo alam kung gaano kalakas si Giblo at ang pangkat niya! HAHAHA!! Nagsasayang lang—" naputol ang sasabihin nito nang humiwalay ang ulo nito sa katawan, at nagpagulong-gulong sa lupa.

Napatitig ang kasamahan ni Damon sa kanya at napailing.

"Nagsasayang lang tayo ng oras, kunin n'yo ang mga salapi nila sa kubo. At ang mapapakinabangang gamit, para maibenta natin sa bayan." Seryosong saad ni Damon.

Napangiwi at nalukot ang mukha ni Wiena nang malasahan ang alak, dahil ito ang unang beses na nakatikim siya ng alak. Nagtawanan naman ang kainuman niya dahil 'di maipinta ang mukha ni Wiena.

Hahamakin Ang LahatWhere stories live. Discover now