Prologue

406 7 0
                                    

"Mhaya aalis na kami nang papa mo." Rinig Kong paalam nila mama.

"MHAYA!!"

Napabalikwas Naman Ako nang bangon dahil sa malakas na pag sigaw ni mama sa aking pangalan. Dali-dali Naman akong lumabas nang aking k'warto at sabay baba sa Sala kung saan nandoon Sila mama.

Mag kasalubong Ang mga kilay nito pagka dating ko sa Sala. Napa ngiti Naman Ako nang pilit dahil mukhang na bad mood ko Nanaman si mama.

"Babye po. Ingat po kayo, hehe." Kumakamot sa batok Kong sabi. Napa iling nalang si mama Bago sumunod Kay papa na nasa labas na.

Aalis Kasi Sila para mamili nang grocery. So in short maiiwan Ako Dito sa Bahay para mag bantay at para mag luto nang pagkain para pag dating nila sa hapon ay may pagkain na.

Nang maka Alis Naman na Sila mama ay isinarado Kona Ang pintuan sa harapang Bahay Saka muling bumalik sa aking k'warto at padapang ibinagsak Ang aking sarili sa kama.

Inaantok pa Ako, gusto ko pang matulog!

Muli ko namang ipinikit Ang aking mga Mata upang ibalik Ang aking sarili sa naudlot na pagkakatulog ngunit tila ayaw nang matulog nang Sistema ko. Napa buga nalang Ako nang hangin Saka bumangon. Hindi kona pinilit pa Ang aking sarili na makatulog anong Oras na din Naman.

Tanghali na pala.

Tumayo Ako Saka humarap sa aking whole body mirror Saka pinag masdan Ang aking sarili.

Medyo maluwang Ang suot Kong damit at naka maikli din Ako na short. Binatak ko Naman Ang aking damit Saka ito inipit sa aking likod dahilan upang humapit Ang aking maluwag na damit sa aking katawan at bumakat Dito Ang aking katawan.

Pinag masdan ko sa salamin kung sexy paba Ako or kung lumaki ba Ang tiyan Ko. Baka kailangan ko nang mag diet. Pero sa pag kakakita ko ay mukhang ayos pa Naman Ang katawan ko.

Pinag masdan ko din Ang aking p'wet kung Malaki ba. Wala lang trip ko lang.

Kinuha ko Ang suklay na naka patong sa ibabaw nang aking bed side table Saka ko sinuklay Ang aking itim na buhok na hanggang baywang Ang haba.

Medyo struggle lang sa pag susuklay Lalo na at kung Minsan talaga nag bubuhol-buhol 'yung mga buhok ko Lalo na at bagong bangon Mula sa pagkakahiga.

Sumunod no'n ay ipinusod ko ito nang mataas at Saka nag punta Ako sa banyo Dito sa loob nang K'warto ko para mag hilamos.

Sinabon ko Ang aking mukha Saka nag banlaw. Sumunod at nag sipilyo Ako. Habang nag s-sipilyo Ako ay Hindi ko maiwasang pag masdan Ang aking mukha. Singkit Ang aking mga Mata at medyo matangos lang Ang ilong. Manipis lang din Ang aking maputlang labi.

Maputi din Ako pero maputla nga lang. Mas madalas Kasi na nandito lang Ako sa loob nang Bahay at Hindi lumalabas. Wala Naman kasing ginagawa sa labas.

Bakasyon din ngayon kaya Wala Kaming pasok. In short mag babakasyon lang Ako nang Isang buwan sa loob nang Bahay namin at magpapa glow up. 'Yun Naman talaga Ang main goal nang ibang babae Lalo na at nalalapit Nanaman Ang pasukan.

Matapos Kong mag sipilyo ay lumabas na Ako nang banyo Saka nag punas nang aking mukha Bago Ako lumabas nang aking k'warto para mag luto nang makakain ko. Tanghali na din Kasi akong nagising. Nakakain na Sila mama Ako nalang Ang mag Isang kakain.

Nasa Daan na Ako papuntang kusina nang may marinig akong nag bukas nang gripo sa sink Namin.

Kunot noo Naman akong napa hinto sa aking pag lalakad. May tao paba Dito sa Bahay maliban sa akin? Ang alam ko nag bakasyon sa Bataan 'yung mga pinsan ko kaya imposible na nandito Sila ngayon. Wala Naman Sila mama at papa dahil kakaalis lang nila.

Napa lunok Ako nang sarili Kong laway nang mag simula nang gumapang sa aking Sistema Ang Kaba at takot. Baka may naka pasok na sa Bahay namin?

Kinapa ko Naman Ang flower vase na naka patong sa mini table Dito sa may baba nang hagdan. Dahan-dahan Kong tinahak Ang kusina Namin habang sinisigurado ko na Wala akong ingay na magagawa.

Huminga muna Ako nang malalim Bago nag bilang sabay pasok sa loob ngunit Wala Akong naabutan na tao Dito kung hindi Ang bukas na gripo lang.

"Baka Naman pusa lang?" Tanong ko sa aking sarili.

Eh? Wala Naman Kaming pusa? Lumapit Ako sa gripo Saka ito pinatay. Napa iling nalang Ako. Siguro ay naiwan Kong bukas kanina. Gutom na siguro Ako kaya kung Ano-ano na Ang pumapasok sa isip ko.

Muli akong bumalik sa Sala upang ibalik Ang vase na hawak ko. Pagka balik ko nang vase ay Muli Kong narinig Ang pagka bukas nang gripo sa sink Namin.

Nakarinig din Ako nang mga yabag na tumatakbo sa aking likuran. Mabilis ko itong nilingon ngunit Wala Naman Akong nakitang tao doon.

Muli akong bumalik sa kusina Saka pinatay Ang naka bukas na gripo. Baka Naman Hindi ko napatay kanina? Baka Akala ko napatay Kona kanina pero Hindi?? Ano daw?

Napa iling-iling nalang Ako. Gutom lang 'to.

Huminga Ako nang malalim Saka Ako nag Hain nang Isang plato Saka kinuha Ang ulam na naka takip. Ngunit pag baling ko sa lamesa ay dalawang plato na Ang naka Hain Dito.

Naiwan ko siguro? Muli ko nalang itong kinuha Saka ibinalik sa tauban. Nag simula na akong kumain nang tahimik habang pinapakiramdaman Ang aking paligid.

Mhaya, chill ka lang. Bahay ninyo 'to. H'wag kang matakot. Sabi nga nila 'H'wag kang matakot sa multo dahil tatakutin ka lang nang mga ito. Matakot sa sa Buhay dahil kaya ka nila mapatay.' Kaya Mhaya chill ka lang.

Minadali ko Ang aking pag kain nang makarinig Ako nang galabog Mula sa itaas. Napa hawak Ako sa aking dibdib dahil sa bilis nang kabog nito.

Guni-guni mo lang 'yon. Umayos ka.

Tumayo na Ako Saka niligpit Ang aking pinagkainan. Hinugasan ko na din ito para Hindi na gapangan nang kung ano-anong insekto.

"Hihihi!"

Muntik ko nang mabitiwan Ang hawak Kong plato nang may marinig Ako. Lumingon Ako sa aking likuran ngunit Wala akong nadatnang tao Dito.

Binilisan ko Ang aking pag kilos hanggang sa matapos na Ako. Nag punas Ako nang aking kamay Saka nag madaling lumabas nang kusina. Pagka dating ko sa Sala ay naabutan kong bukas Ang TV.

Binuksan ko ba 'to? Madali ko namang hinanap Ang remote Saka pinatay Ang tv nang makarinig Ako nang mga yabag na tumatakbo pababa nang hagdan.

At tulad kanina sa aking pag lingon ay Wala akong nakita Dito. Muli akong napa lunok Saka napa yakap sa aking sarili.

Dapat pala sumama na Ako kanila mama. Biggest mistake na nag paiwan Ako.

Napatayo Ako nang tuwid nang may maramdaman akong malamig na Bagay na biglang kumapit sa aking Binti.

"Taya ka..."

Author's Note:

No plagiarism. Plagiarism is a crime.

Falling Inloved With The Ghost In My RoomWhere stories live. Discover now