Chapter 4: Lock

165 4 0
                                    

P-patay...

Nag mamadali akong lumapit sa pintuan nang k'warto nila mama Saka ito pilit binubuksan. Pilit ko ding pinipihit Ang door knob ngunit tila may naka harang sa labas nito kaya't Hindi ko mabukas.

Jusko, Ayoko pang mamatay. Mahal kopa Ang Buhay ko madami pa Akong pangarap sa Buhay ko. Gusto kopa magka Asawa at anak. Please lang.

Muli akong bumaling sa aking harapan at hinarap Ang madilim na kwarto nila mama. Hinanap ko Naman Ang switch nang Ilaw Saka ito pinindot ngunit ayaw mabuhay nang Ilaw.

Paulit-ulit ko itong pinindot ngunit Wala parin. Nag madali akong kapain Ang aking bulsa upang hanapin Ang aking cellphone ngunit naalala ko na ibinaba ko ito sa lamesa doon sa Sala nung nag dadamo Ako.

Napa lunok Ako nang nariin Saka yumakap sa aking sarili habang pinapakiramdaman ko Ang aking paligid. Wala akong masyadong maaninag dahil madilim at naka baba pa Ang makakapal na kurtina sa bintana nila mama.

Nag lakad Ako papalapit sa drawer nila mama upang mag hanap nang mga gamit na p'wede Kong magamit. Sinubukan ko ding mag hanap nang flashlight hanggang sa maka Kita na Ako.

Sinubukan ko itong buhayin ngunit Wala ding nangyari at napag alaman Kong Wala pala itong battery. Napa kagat nalang Ako sa aking pang ibabang labi upang pigilan Ang aking sarili na mapa luha dahil sa mga nangyayari sa akin ngayon.

Ano ba Ang gusto nila sa akin? Alam Kong matatakutin Ako pero Hindi Naman kailangan na takutin nila Ako nang ganito na halos mamatay na Ako.

Pilit kong kinakalma Ang aking sarili at sinubukang kumilos nang natural at tinanggal sa aking isipan Ang kalagayan ko ngayon.

Muli akong bumalik sa pintuan Saka makailang beses itong tinulak at pinihit ngunit ayaw talaga nitong bumukan. Nag sisimula na akong pag pawisan nang malamig. Pag nag tagal pa Ako sa loob nang K'warto ito baka kung Ano nang mangyari sa akin.

Nawala sa pintuan Ang aking atensyon at halos mapa Iktad na din Ako sa gulat nang may marinig akong galabog na Hindi kalayuan sa akin. Nag sisimula na ding mag landas Ang mga luha ko sa aking mga pisngi.

Muli akong humarap sa pintuan at pilit itong pinipihit at tinutulak upang mabuksan ngunit Wala paring nangyayari. Kinalampag ko ito nang malakas Saka nag sisimula nang mag sisigaw.

"Mama! Mama! Mama!!" Paulit-ulit Kong pag tawag Kay mama ngunit Wala akong naririnig na sagot Mula sa kaniya.

Nang matahimik Ako dahil sa mas malakas na galabog na medyo may kalapitan na sa akin. Napa takip Ako sa aking bibig at tahimik na humihikbi.

Muntik na din akong mapatili nang makaramdam Ako nang malamig na Bagay na dumampi sa aking paa. Huminga Ako nang malalim at buong pwersa Kong itinulak Ang pintuan ngunit nanghihina Ang aking katawan Kaya't Wala ring nangyari.

"Shhh..."

Napa pikit nalang Ako Saka tahimik na nanalangin. Paulit-ulit akong nanalangin hanggang sa muling natahimik Ang aking paligid.

Unti-unti ko namang iminulat Ang aking mga Mata Saka iginala Ang aking paningin. Naka hinga Ako nang maluwag nang Wala akong Makita na multo sa aking paligid.

Muli akong bumaling sa aking likuran upang pilitin itong buksan nang malalaking Mata sa aking gilid Ang siyang sumulpot.

"AHHHHH!" Napatakbo Ako papalayo sa pintuan Hanggang sa Wala na akong matatakbuhan. Walang humpay Ang aking pag hiyaw na Puno nang takot.

Hindi ko inaalis Ang aking mga Mata sa kaniya habang pilit na ipinag sisiksikan ang aking sarili sa pader. Huminto ito sandali sa pagkilos habang Hindi parin Ako tumitigil sa pag sigaw. Nag babakasakali din Ako na baka marinig Ako ni mama ngunit Wala parin.

"T-tama na... L-lumayo ka sa 'akin." Aking wika sa kabila nang aking pag hikbi at pag sigaw. Nilalamig na Ako sa aking p'westo ngunit pinag papawisan Ako.

Sandali akong natahimik nang Hindi ito kumikilos at nanatiling naka tungo at naka Tayo nang Hindi kalayuan sa akin. Ngunit agad akong naalarma nang bumalitad Ang katawan nito na parang naka back bending.

Nag simula Nanaman akong gapangan nang takot sa aking katawan at muling nag hihiyaw nang may biglang yumakap sa akin Mula sa aking likuran.

Malamig Ang mga kamay nito at tila hinihila Ako habang Yung babae kanina ay nag sisimula nanamang gumapang nang mabilis.

"AHHHHH!" Malakas na sigaw Ang aking pinakawalan sabay sipa sa ulo nung babae. Hindi ko alam kung saan Ako naka kuha nang lakas para sipain Yung babae na 'yon ngunit kinuha Kona Ang pagkakataong iyon upang tumakas. Ginawa ko Ang lahat nang aking makakaya upang makawala sa kamay na nakayakap sa akin saka muling tumakbo papalapit sa pintuan at tinulak-tulak ito nang makailang beses.

Napa sandal nalang Ako sa pintuan Saka tinignan Ang buong paligid. Nawala na 'yung Babae. Ngunit kahit na nawala na Sila sa paningin ko ay nananatili parin Ang takot at Kaba sa aking dibdib.

Hindi parin mapanatag Ang aking Loob. Hindi pa Ako ligtas. Nandito pa Sila. Kailangan ko nang maka labas, Ayoko na Dito. Hindi nga nila Ako masasaktan nang pisikal at mapapatay nang pisikal. Mamamatay Naman Ako sa takot.

Malalalim Ang aking mga paghinga at nagtataasan parin Ang aking mga balahibo sa katawan. Tahimik lang Ang aking paligid at madilim tulad nang umpisa.

Muli Kong kinapa Ang switch nang ilaw na Hindi kalayuan sa aking p'westo ngunit Hindi parin ito gumana.

Naiatras ko Ang aking paa dahilan upang maumpog ito sa pintuan at Saka nag likha nang panandaliang ingay. Mariin akong napa kagat sa aking labi dahil sa aking pag kakamali nang may marinig akong Isang kakaibang tunog.

Pinakinggan ko ito at Saka hinanap kung saan ito nag Mula hanggang sa mapatingin Ako sa ilalim nang kama nila mama at Saka doon Nakita Ang Isang babae na gumagapang papalabas Dito habang parang bawat pag galaw nito ay pumuputok at nababali Ang kaniyang mga buto.

Mas dumoble Ang Kaba at takot ko Lalo na at nag pakakawala ito nang mga nakakatakot na ingay.

Muli akong napa takip sa aking bibig nang maka Kita Ako nang batang tumatakbo sa aking harapan. Mama.. tulungan mo Ako. A-ayoko na...

Sinubukan Kong Alisin sa mga nakakatakot na nilalang na ito Ang aking paningin hanggang sa ikalawang pag kakataon ay Hindi sinasadyang napa dako sa gawing kurtina Ang aking mga Mata at sa pangalawang pag kakataon ay Nakita Kong Muli Ang lalaking Nakita ko na palakad lakad sa Sala nitong Umaga.

At sa Hindi inaasahang pangyayari ay nawala lahat nang aking nararamdamang takot at napalitan nang gulat.

"A-ang pogi..."

Author's Note:

No plagiarism. Plagiarism is a crime.

Falling Inloved With The Ghost In My RoomWhere stories live. Discover now