Chapter 11: Different

116 4 0
                                    

Hapunan na at Hindi parin nakakauwi Sila mama. Nag text siya sa akin na male-late daw Sila nang uwi ni papa dahil nag lilibot daw Sila sa palengke upang maka bili nang ulam.

Wala Rin Namang problema sa akin 'yon dahil ayos lang Naman na mapag-isa Ako dahil Hindi Naman talaga Ako mag-isa. Nandito Sila Shun at may nakakausap Ako kahit papaano. Pero ngayon Wala Sila Dito ngayon, Hindi ko alam kung saan Sila nag punta pero umalis Sila kaya naiwan akong mag-isa.

Nandito Ako ngayon sa aking kwarto at naka tanaw Mula sa aking bintana. Natatanaw ko kasi Dito Ang magandang view nang kalikasan maging Ang pag lubog nang haring Araw Kaya't maganda talaga at nakaka relaxing sa part na ito nang aking kwarto.

Habang nag mumuni-muni Ako ay Hindi ko agad napansin na nasa tabi kona pala si ate Shell, Ang nakatatandang kapatid ni Shun.

"Ate Shell, Ikaw pala." Umusod Ako nang kaunti upang paupuin siya sa aking tabi. Tahimik Naman siyang naupo sa aking tabi at naki tanaw sa magandang tanawin na kanina kopa pinag mamasdan.

"U-umm.. may problema puba?" Pag tatanong ko sa kaniya dahil kanina pa siya tahimik. Hindi muna siya umimik nang ilang Segundo Kaya't nanahimik na lamang Ako.

Baka Kasi ayaw muna niyang may kausap Kaya't Hindi ko nalamang siya gagambalain.

Payapa Kaming tumatanaw sa magandang tanawin nang biglang sirain Niya Ang katahimikan na bumabalot sa aming dalawa sa pamamagitan nang nakagugulat niyang tanong.

"Gusto mo ba Ang kapatid ko?" Tanong nito gamit Ang seryoso niyang Tono.

Parang nag loading Naman Ang aking utak at tila na pipi dahil Hindi ko alam kung papaano ko sasagutin Ang kaniyang katanungan. Natulala lamang Ako sa kaniya habang pilit hinahanap Ang sagot na dapat ko isagot sa kaniya.

Napansin Naman Niya yata na Hindi Ako nakasagot Kaya't nilingon Niya Ako at Saka tinitigan nang diretso sa aking mga Mata.

Napa kagat Ako sa aking pang ibang labi Saka napa Iwas nang tingin dahil Hindi ko kayang makipag titigan sa kaniya, Lalo na at nag tanong siya nang ganoon Kaya't nakakaramdam Ako nang pagkailang.

Narinig ko Ang pag buntong hininga Niya kaya Naman mas Lalo akong napa Yuko dahil sa hiya na aking nararamdaman.

"Dapat mo nang itigil Ang nararamdaman mo para sa kaniya." Sa sinabi niyang iyon ay tila tumigil Ang tibok nang aking puso. Napa Angat Ako Ng tingin sa kaniya sabay kunot nang aking noo.

Muli siyang bumaling sa bintana Saka nag Salita. "Alam Kong Malaki Ang naging tulong mo sa aking kapatid, Lalo na at nakakangiti na siya ngayon nang walang bahid nang lungkot. At alam Kong dahil 'yon sa 'yong tulong." Aniya.

"Ngunit Mhaya, dapat mo nang itigil Ang nararamdaman mo para Kay Shun. Pareho lang kayong masasaktan." Wika pa Niya na nakapag patikom sa aking bibig na nais kaninang mag salita.

"Kung Hindi mo nahahalata, si Shun ay nahuhulog na din Ang Loob Sayo. Pero sa paningin ko Mali Ang mahulong Ang Loob ninyo sa isa't Isa." Hindi parin nag babago Ang Tono nang kaniyang pananalita na siyang nag bibigay sa akin nang pangingilabot.

"P-pero..."

Lumingon siya sa akin at Saka Muli akong tinitigan sa aking mga Mata Kaya't napa tikom bibig Ako Saka napa Yuko.

"Pasensya kana Mhaya. Ayokong Saktan ka sa mga sinasabi ko, kung tutuusin mas nanaisin kopa na mag sama kayong dalawa dahil nakikita ko kung gaano kasaya Ang kapatid ko sa tuwing kayong dalawa Ang mag Kasama. Malaki na din Ang naitulong mo Kay Shun at Malaki Ang utang na Loob ko Sayo dahil sa Bagay na 'yon." Napa kagat Ako sa aking pang ibabang labi Saka nang hihinang tumingin sa kaniya at sa pag kakataong ito ay malambot na Ang ekspreyon sa kaniyang mukha.

Falling Inloved With The Ghost In My RoomWhere stories live. Discover now