Chapter 10: New Friends

117 4 0
                                    

Matapos Ang gabing 'yon ay mas naging malapit kami sa isa't Isa ni Shun. Lagi na siyang nag papakita sa akin at kung Minsan ay ginugulat pa Niya Ako sa tuwing nakikita niyang seryoso Ako.

Ngayon ay nandito kami sa Sala at nanonood nang anime sa tv. Umalis Sila mama para mamili nang grocery dahil naubusan na kami Ng stock. Gusto sana nila akong isama mamili pero nag paiwan nalang Ako dahil mas gusto Kong makasama Sila Shun ngayon.

"Shine!!!" Malakas na sigaw ni Bakugo Kay Midorya habang nag lalaban silang dalawa. Mukhang malalaman na ni Bakugo Ang tungkol sa one for all.

"Nakaka miss palang manood nang anime." Biglang sambit nang aking katabi habang prenteng naka upo sa aking tabi.

Sandali ko naman siyang pinagmasdan at Hindi ko maiwasang mapangiti dahil nawala na Ang bakas nang lungkot sa kaniyang mga Mata. Masasabi Kong nalabanan na Niya Ang lungkot na Dala nang kanilang nakaraan.

Muli akong bumaling sa aming pinapanood. "Syempre naman. Anime yata 'yan." May halong pag mamayabang Kong Sabi.

"Si All might!" Na e-excite nitong Sabi na parang bata habang maigi na nanonood sa tv. Napa tawa Naman Ako nang mahina dahil mukha siyang bata na nanonood nang favorite anime Niya.

"Ano kayang mangyayari?" Tanong Niya sa kaniyang sarili habang titig na titig sa tv at halos Hindi narin siya kumukurap. Napa iling nalang Ako dahil Ang cute niyang pag masdan.

"Ahh! Nag commercial!" May halong pagka dismaya niyang Sabi sabay nguso at halukipkip. Hindi Kona nga napigilan pa Ang aking sarili at napa tawa na Ako nang malakas.

Ang cute Nya! Grabe! Kung pwede lang kinurot Kona Ang pisngi Niya. Napahinto lang Ako sa pag tawa nang mapansin Kong naka tingin pala siya sa akin habang naka ngiti. Kaya't napa titig nalang Din Ako sa kaniya habang may nakaukit din na manamis namis na ngiti sa aking mga labi.

Palihim din akong napa kuyom nang aking mga kamay nang makaramdam Ako nang kakaibang pag kislot Mula sa aking dibdib maging sa aking tiyan.

WAHHHHH! Kinikilig Ako!!

"Hay! Mas masarap talagang panoodin Ang dalawang ito kaysa manood nang anime." Halos malaglag Ako sa aking kinauupuan nang Isang batang babae Ang bigla nalamang sumulpot sa aming harapan.

Napa takip Ako nang aking bibig upang pigilan na mapatili sa gulat. Naka pangalumbaba siya sa lamesa habang naka titig sa aming dalawa.

Napa kurap-kurap Naman Ako habang nag pipigil parin nang aking sarili na mapa sigaw. Saan siya nanggaling?

"Anya tumigil ka nga d'yan. Tinatakot mo Naman si Mhaya." Saway ni Shun doon sa bata na Anya pala Ang pangalan. So, ibig sabihin multo din pala Ang batang ito.

"Pasensya kana kuya Shun, kanina pa Kasi 'yan nangungulit na bwisitin kayo. Kaya sa inis ko hinayaan ko nalang siya, Ang sakit Kasi niyang manabunot." Napa lingon Ako sa aking kanan at nakitang may batang lalaki Naman na naka upo sa single sofa habang hinihimas himas Niya Ang kaniya ulo.

Natameme Naman Ako sa gulat at dahil din sa Hindi ko alam kung Ano ba Ang dapat na maging reaksyon ko sa mga nakikita ko ngayon.

"Ah oo nga pala Mhaya, Sila Ang mga pinsan ko. Sina Anya at Andrei. Kambal silang dalawa at namatay dahil sa car accident." Pakilala ni Shun doon sa dalawang bata na bigla nalang sumulpot sa kung saan.

Tumango naman Ako habang pinag mamasdan Yung dalawang bata. Kulay brown Ang kanilang mga Mata at parehas silang singkit Ang mga Mata. Matataba din Ang kanilang mga pisngi na parang masarap kurutin.

"Sino ba s'ya kuya Shun? Girlfriend mo?" Tanong ni Anya Kay Shun. Napa ubo-ubo Naman Ako dahil sa gulat sa naging tanong ni Anya Kay Shun na natulala din.

Napa takip Ako sa aking bibig habang naka tingin Kay Anya. Omg! Pinagkamalan Niya Kaming mag jowa ni Shun. Huhu gusto Kona Ang batang ito.

"H-hindi ah!" Nauutal na tanggi ni Shun Saka ngumuso at muling tumutok sa TV dahil tapos na Ang commercial at nag sisimula na Muli Ang anime na pinapanood Namin kanina.

Natahimik Kaming lahat nang mag simula Ang palabas. Dumating na Kasi si All might at inaawat Sina Deku at Kacchan. Mukhang sasabihin na ni All might Ang patungkol sa one for all Kay Kacchan.

Tahimik lamang Kaming nanonood nang biglang may humarang sa aming pinapanood.

"Ang Daya nyo! Nanonood pala kayo Hindi n'yo manlang Ako inaya!" Biglang sulpot nang ate ni Shun. Mabilis na bumusangot Ang mukha ni Shun nang humarang Ang ate Niya sa pinapanood Namin.

"Ate lumayas kanga D'yan! Ang pangit mo! Hindi ko Makita Yung pinapanood ko!" Reklamo ni Shun na nakapagpa busangot din sa ate N'ya.

"Maka pangit ka kala mo Naman Kay g'wapo mo!" Sigaw pabalik Ng ate ni Shun Hanggang sa nag simula na nga silang mag talong dalawa at nauwi na sa kanila kami nanonood imbis na sa anime sa tv kami manood.

"Talaga namang g'wapo Ako!" Sigaw pabalik ni Shun na inangilan nang kaniyang ate. Nagka tinginan Naman Kaming tatlo nung mga bata Hanggang sa nauwi kami sa tawanan lahat.

Ang Sarap talaga sa pakiramdam pag ganitong klase nang mga tao Ang nakapaligid Sayo. Talagang makakaramdam ka nang matinding kasiyahan.

Napatitig Ako Kay Shun nang maakit Nanaman Ako nang kaniyang taglay na ka-gwapuhan. Hayy!! Grabe talaga kung pwede lang Ako na mismo Ang mag po-propose nang kasal sa kaniya!

"Uy! Uy! Si ate Mhaya naka titig Kay kuya Shun!" Napa Iwas lang Ako nang tingin Kay Shun nang biglang kumatyaw si Anya.

"Ate Mhaya wag ka Naman masyadong mag pahalata, HAHAHA" Gatong Naman ni Andrei sa sinabi ni Anya.

Nakaramdam Naman Ako nang pag-iinit nang aking mga pisngi dahil sa mga sinabi nila. Nahuli pala nila akong naka titig Kay Shun!! Gosh!

"H-hindi kaya!" Tanggi ko na tinawanan lang nila.

"H'wag kanang tumanggi nahuli kana eh! HAHAHA" Ani nang ate ni Shun. Mas uminit Naman Ang aking mukha dahil sa hiya. Palihim Akong napa tingin Kay Shun na naka tingin din pala sa akin Kaya't dali-dali akong nag Iwas sa kaniya nang tingin.

Natahimik kami sandali Hanggang sa Ang katahimikan ay napuno nang asaran at tawanan.

"HAHAHA! Kayo ah!" Asar nila sa Amin.

"Hindi Naman talaga!" Nahihiya Kong sigaw na tinawanan lang nila.

Napa tawa nalang din Ako dahil sa kakulitan nila at napahiling na sana ay Hindi na matapos Ang mga ganitong Araw nang aking Buhay.

Ang saya ko! Naka hanap Nanaman Ako Ng mga bagong kaibigan!


Author's Note:

Sorry po sa mga errors try ko pong i-edit pag may free time napo Ako.

No plagiarism. plagiarism is a crime.

Falling Inloved With The Ghost In My RoomWhere stories live. Discover now