Chapter 8: Background story

125 3 0
                                    

9:34 am

Nandito kami sa aking silid, tahimik at Walang imik. Nakatitig lamang Ako Kay Shun na naka talikod sa akin at naka tanaw sa bintana habang tanaw Ang maliwanag na sinag nang buwan.

Natahimik Ako sa naging tanong Niya kanina. Masyado akong nabigla Kaya't Hindi Ako naka sagot.

Hinayaan ko munang mamuo Ang katahimikan sa pagitan naming dalawa at Hindi na Ako nag balak mag salita at sumagot sa kaniyang katanungan. Hahayaan ko muna siyang makapag isip-isip.

Ilang minuto din Ang lumipas na purong katahimikan lang namayani hanggang sa marinig ko itong mag buntong hininga.

Dahan-dahan siyang lumingon sa akin at kapansin-pansin agad Ang kaniyang malulungkot na mga Mata.

Sa nakikita ko sa kaniyang mga Mata, Puno ito nang kalungkutan at maraming paghihirap. Mga masasakit na ala-ala na mahirap kalimutan. Ang lahat Ng iyon ay nakikita ko sa kaniyang mga Mata.

Muli siyang nag buntong hininga Bago nag lakad papalapit sa akin Saka naki upo sa aking kama at muling tumanaw sa bintana na kalapit lamang nang aking higaan.

Wala munang nag sasalita sa aming dalawa. Halos Isang minuto din Ang lumipas Bago siya muling nag Salita.

"Alam moba Ang naging dahilan nang aming pagka matay?" Muling pag babalik Niya sa kaniyang katanungan kanina.

Nilingon ko siya sandali ngunit agad din akong bumalik nang tingin sa magandang bilog na buwan.

"Base sa kwento sa akin ni mama, murder daw Ang dahilan nang inyong pagka matay. 'Yun lang Ang alam ko, Wala nang iba." Sagot ko sa kaniyang katanungan.

Muling katahimikan. Sa Loob nang katahimikang namayani sa Amin ay ramdam ko Ang malalakas na kabog nang aking dibdib, maging Ang malalalim Kong pag hinga.

"Masakit tanggapin Ang kinahinatnan naming mag Kapatid sa nakaraan. Lalo na at Hindi manlang Namin naabot magkapatid Ang pangarap na matagal na naming sinusubukang abutin." Panimula niya.

"Nung unang lipat naming mag papamilya sa Bahay na ito, punong-puno kami nang saya at pag mamahalan mag papamilya. Masayang nag ku-k'wentuhan, salo-salo sa hapag kainan na may kasamang biruan at harutan." Pag kukuwento Niya nang kaniyang nakaraan.

Medyo naka ramdam Ako nang kilig dahil ready siyang mag kwento sa akin. Pero syempre, ready din akong makinig at i-comfort siya kahit na Anong mangyari.

"Noon, Ang Akala ko ay Hindi na matatapos Ang kasiyahan na mayroon Ang aming pamilya." Medyo nagsitaasan Ang aking mga balahibo nang mag iba Ang Tono nang kaniyang boses.

"Pero nag Kamali Ako." Aniya na may kasamang pag kuyom nang kaniyang mga kamao.

"Ang lahat nang Akala ko ay nag Bago. Nawala na parang Bula. Dahil pag lipas lamang nang ilang Araw naming pananatili sa Lugar na ito nag simula na Ang mga pangyayari na Hindi Namin inaasahang magkapatid." Sandali siyang huminto Saka pumikit sandali at muling dumilat.

"Sila mama at papa, nag simula na silang mag Bago na halos Hindi na Namin Sila makilala. Lagi na Silang nag tatalo. Na halos araw-araw nalang ay Makikita Namin silang nag sisigawan at nag babatuhan nang mga gamit. Hanggang Isang Araw, pagka galing Namin ni ate Mula sa paaralan naabutan Namin si mama na may kasamang ibang lalaki at naka empake lahat nang kaniyang mga gamit. Naabutan Namin si papa na naka Tayo lang sa may bandang kusina habang naka tanaw Kay mama na masayang humahapit sa braso nang ibang lalaki. Akala ko ay pipigilan Sila ni papa, pero nanatiling naka Tayo si papa at pinanood si mama na sumama sa ibang lalaki." Nakaramdam Naman Ako nang lungkot sa kaniyang ikinuwento. Iniwan pala Sila nang kanilang nanay para sa ibang lalaki.

"Nagalit Ako no'n Kay papa dahil iniisip ko na siya Ang dahilan kung bakit umalis si mama at iniwan kami. Sa tuwing Makikita ko siya noon lagi ko siyang sinisigawan at sinisisi kung bakit iniwan kami ni mama. Naging Malaki Ang Ang Galit ko Kay papa non, ngunit si papa napansin ko na lagi nalang siyang tahimik. Nag ta-trabaho siya para sa Amin at inaalagaan Niya din kami, pero inisip ko no'n na ginagawa lang 'yon ni papa para mawala Ang Galit ko sa kaniya. Talagang nag sisi Ako sa naging pag uugali ko noon Kay papa. Naging mabuti siyang ama sa Amin Hanggang sa kaniyang kamatayan." Napa tingin na Ako sa kaniya nang marinig ko Ang salitang 'kamatayan.'

"Talagang Hindi ko lubos maisip na ganoon  nalang Ang mangyayari sa Amin. Nung Araw na namatay kami, Yun din Yung Araw na nag pasya Ako na bumawi Kay papa. Gusto Kong bumawi sa kaniya at humingi nang tawad sa mga nasabi at nagawa ko sa kaniya. Ngunit huli na Ang lahat. Nawala na Ang pag asa ko sa pangarap ko. Ang lahat nang pangarap ko ay bumagsak dahil sa insidenteng naganap sa Amin.

Gabi noon nung mangyari 'yon. Pinasok Ang Bahay namin nang ilang mga armadong lalaki. Lahat Sila ay may bitbit na patalim at tubo. Sinubukan Kaming protektahan ni papa pero sa huli namatay lang siya. Nagalit Ako at sinugod Sila. Makakatanggap sana Ako nang hampas sa ulo nang tubo ngunit si ate Ang sumalo nito Hanggang sa bawian siya nang Buhay. At sa huli ay Ako..." Sandali siyang tumigil at napayuko.

"Nakatanggap Ako nang labing limang saksak Mula sa mga armadong lalaki na namasok sa aming Bahay. Sinubukan naming lumaban upang mabuhay ngunit ito Ang kinahinatnan nang aming Buhay. Masakit tanggapin na Hanggang doon lang Ang naging Buhay Namin. Na Hindi manlang Namin naabot ni Isa sa aming mga pangarap sa Buhay. Masakit tanggapin na namatay kami nang Hindi manlang nag kakaroon nang masayang celebration nang pasko. Namatay Ako nang Hindi manlang nakakabawi Kay papa." Humina Ang kaniyang tinig Kaya't Muli akong napa lingon sa kaniya.

Naka tanaw na siyang muli sa kawalan at kapansin-pansin parin sa kaniya Ang kaniyang malungkot na mga Mata na punong Puno nang sakit at pag hihirap.

Habang pinag mamasdan ko siya ay napansin ko Muli Ang muling pagka Wala nang ilang butil nang luha sa kaniyang mga Mata habang naka tingala sa kawalan.

"Ang Akala ko 'yon na Ang pinaka masakit na mararanasan ko sa buong Buhay ko, 'yun pala may mas masakit pa." Pagak siyang napa tawa Saka napa iling.

"Nalaman ko nitong mga nakaraan na Araw lang. Ang mismong nanay ko pala Ang dahilan nang aming pagka matay. Siya mismo Ang sumuko sa mga pulis. Naikulong siya pero Hindi kalaunan ay binawian Rin siya nang Buhay."

Napa takip Ako sa aking bibig dahil sa aking nalaman.

"Napag-alaman ko rin na Ang naging dahilan Niya upang magawa Niya sa Amin Ang lahat nang iyon ay dahil nag makaawa siya Kay papa na tanggapin siyang muli pero Hindi pumayag si papa. Sumama siya sa ibang lalaki dahil sa pera, at bumalik siya para iparanas sa Amin ito. Nalaman din Namin na gumagamit siya nang mga drugs dahilan upang masira at mawala siya sa tamang pag-iisip at magawa Ang lahat nang ito sa Amin.

Masakit man pero alam ko Naman na Wala na akong magagawa kung Hindi Ang tanggapin nalang Ang nakaraan. Dahil kahit Anong pilit man Ang Gawin ko upang mabago Ang nakaraan, alam Kong Wala Rin itong saysay. Dahil Ang tapos ay tapos na. At Ang nangyari na ay nangyari na, Wala na akong magagawa kundi Ang tanggapin nalang Ang lahat ng ito." Sandali siyang huminto at tumingala sa maliwanag na kalangitan dahil sa maliwanag na sinag nang buwan.






"Tanggapin... Kahit na masakit."




Author's Note:

Sorry po sa mga errors. Try ko pong i-edit pag may free time napo Ako.

No plagiarism. Plagiarism is a crime.

Falling Inloved With The Ghost In My RoomWhere stories live. Discover now