Epilogue

154 6 0
                                    

"Mhaya!! Ano bang pinag gagawa mo Dyan bata ka?! Male-late kana sa school mo!!" Rinig Kong sigaw ni mama Mula sa Sala nang aming Bahay.

Dali-dali ko namang sinukbit Ang aking bag Saka nag suot nang sapatos at nag madaling lumabas nang aking kwarto kahit na muntik na akong gumulong sa may hagdanan.

Pagka baba ko sa Sala ay sinalubong Ako ni mama habang naka pamewang siya at sa kabila niyang kamay ay naka Angat Ang aking baon.

"Dalian mo na." Anito sabay abot sa akin nung baon ko. Agad ko Naman itong kinuha Saka tumakbo papalapit sa pintuan. Ngunit Bago Ako tuluyang maka labas ay Muli akong bumalik Saka humalik sa kaniyang pisngin.

"Babye po mama!" Paalam ko sabay labas nang Bahay. Pagka labas ko ay nandoon Naman si papa at nag aabang sa may tricycle. Agad akong sumakay at sa aking pag sakay ay siyang pag andar nito.

Habang bumabiyahe ay napa hawak pa Ako sa aking dibdib dahil nakakaramdam Ako nang Kaba sa unang Araw nang aking pagpasok.

Pero Hindi pwedeng kainin lang Ako nang Kaba at takot. Kailangan Kong mag pakatatag at mag patuloy sa Buhay.

Huminga Ako nang malalim Saka tinapik tapik Ang aking pisngi at inihanda Ang aking sarili. Nang huminto na Ang tricycle ay agad akong lumapit Kay papa Saka humalik sa kaniyang pisngi Bago nag paalam at tumakbo papunta sa main gate nang campus.

Huminto muna Ako sandali Saka tiningala Ang gate. Muli akong humugot nang lakas at Saka inihanda Ang aking sarili para sa bagong taon nang pag-aaral.

Habang naka tingala Ako sa gate ay Hindi ko maiwasang mapa tingin sa kalangitan at doon bumalik sa akin Ang mga ala-ala na nangyari sa akin noong bakasyon.

Simula sa pananakot nila sa akin, sa pag o-open up sa akin ni Shun hanggang sa nangging mag kakaibigan kami at maging Ang huli nilang pamamaalam sa akin.

Masakit man para sa akin sa tuwing naalala ko Ang Araw na iyon. Ngunit habang lumilipas Ang panahon ay unti-unti ko na Ring natatanggap Ang nakaraan.

Tama na Ang pag mumukmok. Mayroon din akong Buhay na kailangang harapin. Kung Sila ay natanggap na nila Ang kanilang nakaraan, dapat ay matutunan Kona ring tanggapin kung Ano Ang lumipas na at harapin Ang mga kinabukas.

Ipinikit ko Ang aking mga Mata sandali Saka muling nag handa. At sa aking pag dilat ay sinisigurado Kona  handa na Ako sa bagong misyon nang aking Buhay.

Nang maayos na Ako ay agad akong tumakbo papalapit sa gate at Saka pumasok sa loob nang campus. Namangha pa Ako sa kagandahang taglay nang bagong paaralang aking pinasukan.

Malaki ito Hindi tulad nang aking inaasahan. Maganda Ang paligid at talagang relaxing Ang atmospera nang paligid.

Marami silang pananim sa paligid at may ilang mga paru-paro pa Ang nag liliparan at nag papalipat-lipat pa nang mga bulaklak. Parang sa mga nababasa ko lang sa mga libro.

Nabalik lang Ako sa aking sarili nang maalala ko na male-late na nga pala Ako. Agad Kong dinukot Ang maliit na piraso nang papel sa aking bulsa Saka tinignan kung saang building dapat Ako mag punta.

"Building A2... Building A2.. Teka saan ba 'yun Makikita?!" Natataranta Kong tanong sa aking sarili habang nag papaikot-ikot.

Tumakbo Ako papunta sa kanan ngunit ibang building ito kaya nag punta Naman Ako sa kaliwa. Subalit kagaya nang sa kanan ay ibang building din ito.

Napa padyak nalang Ako sa sobrang inis Saka muling napa titig sa papel habang tumatakbo. Bakit Naman Kasi hindi manlang silang nag bigay nang mas malinaw na explanation para sa aming mga baguhan?!

Argh!! Patuloy lang Ako sa pag takbo nang Hindi sinasadya na may mabangga Ako. Dahil sa bilis nang aking pag takbo at sa lakas nang pwersa ay pareho pa Kaming napa tilampon nang kami ay magka banggaan.

"Aray" daing ko habang hinihimas himas ko Ang aking balakang dahil Ang lakas nang pagkaka bagsak ko sa lupa.

"Ayos ka lang ba? Pasensya kana Hindi Kasi Ako naka tingin sa daraanan ko." Napa hinto Ako nang may kamay na lumahad sa aking harapan.

Napa Angat Naman Ako nang tingin at sa aking pag tingala ay siyang pag laglag nang aking panga. Hindi ko alam kung Ano Ang magiging reaksyon ko sa mga Oras na ito. Pero pakiramdam ko ay tila naka kita Ako nang isang g'wapong multo sa aking harapan.

"S-shun?!!" Hindi ko mapigilang mapasigaw nang lumahad sa aking harapan Ang Isang Lalaki na kamukha ni Shun. Ang kaibahan lang ay kulay itim Ang kaniyang buhok at kulay tsokolate Naman Ang kaniyang mga Mata.

"A-ahh.." nag palinga-linga pa siya saka muling tumingin sa akin. "A-ako ba?" Tanong nito sabay turo nito sa kaniyang sarili. Hindi Ako nakasagot sa kaniyang tanong Kaya't tinulungan nalang Niya akong makatayo.

"Bago ka lang ba din Dito?" Tanong nito habang nag papalinga-linga at mukhang hinahanap din kung Anong building siya. Nang Hindi parin siya nakatanggap nang sagot Mula sa akin ay napa tingin na ito sa akin Saka napa kamot sa kaniyang batok.

Napa iling Naman Ako Saka ngumiti. "Pasensya na, medyo puyat pa Kasi Ako." Pag papalusot ko nalang na tinawanan lang Niya.

"Ah, oo Bago lang din Ako. Kagaya mo." Sagot ko sa kaniyang tanong kanina bago ko inilahad Ang aking kamay sa kaniya at saka nag pakilala nang aking sarili.

"Ako nga pala si Mhaya." Pakilala ko. Agad Naman niyang tinanggap Ang aking kamay Saka nag pakilala din.

"Ako si Shawn."

Hindi nag tagal at napag desisyonan naming dalawa ni Shawn na mag sama sa paghahanap nang building kung saan kami kabilang habang nag uusap at 'di alintana Ang Oras.

Sa totoo lang ay Masaya kausap si Shawn. Para lamang siyang si Shun na madaldal kapag nag tagal na magkasama kayo.

Habang Kasama ko si Shawn ay Hindi ko maiwasang maalala si Shun na alam Kong ngayon ay tahimik at namamahinga na sa Lugar kung saan ay may hiwaga at kapayapaan.

Napa hinto Ako sandali sa pag lalakad at Saka tinanaw Ang asul na kalangitan.

"Sana ay ayos lang kayo d'yan." Aking sambit Saka sumunod Kay Shawn na hinihintay na Ako.

Sa paglipas nang panahon, Ang kalungkutan na madalas nating maramdaman ay matatabunan nang bagong kasiyahan. Kasiyahan na mag dudulot nang panibagong pag usbong nang pag mamahalan.

At sa mga Oras na ito, alam Kong nag sisimula Nanaman Ang puso ko na tumibok sa Isang tao na alam Kong Minsan ay nakilala Kona.

Simula sa mga tao na inakala ko na siyang papatay sa akin sa takot, hanggang sa siyang nag bigay sa akin nang magagandang ala-ala. At hanggang sa makilala ko Muli siya.

Ang taong alam Kong mag bibigay sa akin nang mga bagong ala-ala.



Masasaya at malulungkot na ala-ala. At Ang mga ala-ala na 'yon ay babaunin ko hanggang sa aking pag tanda.




The End.













Falling Inloved With The Ghost In My RoomWhere stories live. Discover now