Chapter 5: Shock

141 4 0
                                    

"A-ang pogi..."

Hindi ko alam kung Anong pumasok sa isip ko at 'yun Ang salitang lumabas sa aking bibig, ngunit Hindi ko talaga maalis Ang aking mga Mata sa multong nasa aking harapan.

Napakagat Ako sa aking labi nang maramdaman ko Ang pag-init nang aking mukha.

T-teka!! A-ano bang nangyayari sa akin?! P-pero Ang g'wapo Niya. Minsan lang Ako maka Kita nang ganitong ka g'wapong nilalang. P-pero multo parin siya!

Nag simula itong kumilos papalapit sa akin Kaya't umatras Ako nang Isang hakbang. Patuloy lang ito sa pag abante habang nanlalaki Ang kaniyang mga Mata. Pero bakit Ganon? Hindi Ako natatakot sa kaniya sa katunayan parang kinikilig pa Ako.

Huli na nang mamalayan ko na naka Tayo na pala ito sa aking harapan. Nakatingala akong naka titig sa kaniya habang Puno nang pag hanga Ang aking pakiramdam.

Napa Iwas Ako nang tingin sabay hawak sa aking mga pisngi. Anak nang kambing! Mas guma-g'wapo siya sa malapitan!!

T-teka! Iba na 'tong nararamdaman ko! Nakakagulat! A-anong meron sa akin? D-dapat sumisigaw na Ako dahil sa takot.

Muli akong nag-angat nang tingin sa lalaking nasa aking harapan at ganoon parin Ang kaniyang ekspreyon. Pero.. tangina!!! Hindi ko magawang matakot!! Masyado s'yang g'wapo para maging multo!!

Teka! Teka! Baka mawala na s'ya mayamaya. Susulitin Kona Ang mga sandaling ito na nasa harapan ko s'ya! Tititigan ko nalang s'ya!!

Lakas Loob akong nag-angat nang tingin sa kaniya at Saka siya pinag masdan sa kaniyang mga Mata na sinasakop na nang kadiliman. Parang black hole Ang kaniyang mga Mata, pero Hindi parin 'yon naging hadlang sa ka-g'wapuhan Niya.

Pakiramdam ko ay malulusaw na Ako ano Mang Oras!

Kumurap-kurap Ako habang maigi siyang pinag mamasdan. Kulay puti Ang kaniyang mga buhok na medyo malago. Matangos Ang ilong maputlang mga labi na mukhang masarap halikan. Matangkad siya sa akin at maputi din siya na maputla. Mukhang matigas din 'yung mga biceps N'ya. Argh!!

Habang tinititigan ko lang siya ay parang napansin ko na nag-iba Ang kaniyang ekspreyon. Kumunot Ang mga magaganda nitong kilay Saka napa layo sa akin.

Naka suot siya nang puting long sleeve Saka pantalon na medyo sira-sira na sa bandang Binti. Naka yapak lang din siya. Baka malamigan 'yung mga paa Niya!!

"Ugh! Ayoko na!"

Natauhan Ako sa aking malalim na pantasya nang marinig ko itong magsalita. Napa kurap-kurap Ako habang siya ay aking pinag mamasdan.

Naka sapo Ang kaniyang mga palad sa kaniyang ulo at tila naiirita siya. Eh? Anong meron?

"Shun! Umayos ka!" Napaling Naman Ang aking atensyon sa babaeng naka puti na kanina lang ay gumagapang papalabas sa ilalim nang kama nila mama.

Naka tagilid ito habang naka takip Ang Isa niyang kamay sa kaniyang mukha habang bumubulong ito doon sa lalaking multo.

"Kailangan natin silang mapa Ali's Dito!" Dagdag pa nung babaeng multo Saka muling bumaling sa akin at gumapang nang mabilis. Hindi ko alam pero biglang nawala Ang takot ko sa kanila. Isa pa kung ganitong klase nang multo lang Ang mananakot sa akin ready akong um-acting para sa kaniya.

"Hindi Naman na siya natatakot eh!" Reklamo nung lalaking multo sabay turo sa akin. Eh?? Teka Anong meron??

Nag sasalita pala Sila? Akala ko umuungol lang 'e.

I-ibig Kong sabihin! A-ano! Kumbaga parang mga m-minamalat 'yung boses nila. 'Yung Ganon!

Napa iling-iling nalang Ako Saka Sila pinag masdan na nag tatalo sa aking harapan. Tumayo na Mula sa pagkaka dapa 'yung babaeng multo at padabog na nag lakad papalapit doon sa lalaking multo na naka talikod na sa Amin at naka pamulsang naka Tayo sa may tabi nang bintana.

"Napaka kulit mo talaga!" Nanlaki Ang aking mga Mata habang Pinapanood Kong pinipingot nung babae 'yung lalaking multo.

"A-aray! Aray! Ate masakit!!" Daing nito sabay himas sa kaniyang Tainga nang bitiwan na ito nang kaniyang ate. Pumamewang 'yung babaeng multo sa kaniyang kapatid Saka umiling-iling.

Nalimutan na yata nilang nandito pa Ako.

"Kasi Naman! Hindi Naman Ako Bagay sa pananakot!" Reklamo nung lalaki sabay harap sa kaniyang ate na naka Taas na Ang kilay sa kaniya ngayon.

'Yung babaeng multo ngayon ko lang napansin na maganda ito. Mahaba Ang kaniyang buhok na lagpas baywang. May maganda itong pangangatawan at matangos din Ang kaniyang ilong gaya nang sa kaniyang kapatid. At sa pag kakataong ito ay napansin Kong iba na Ang kanilang mga Mata. Pareho na itong mint green na parang binuhusan nang glitters sa loob. Ang cute nila.

"Ayan ka Nanaman sa mga reklamo mo!" Asik nung babae sabay batok sa kaniyang kapatid na napa daing na sa sakit.

"Argh!!" Inis nitong sambit. Ngunit napa tigil lang Sila sa pag babangayan nang sandali Kong masagi Ang pintuan at Saka ito nag likha nang ingay.

Nabalisa Naman Ako Saka napa kagat sa aking kuko Saka Sila tinignan. Pareho na Silang naka tingin sa akin ngayon at pareho din silang may gulat na ekspreyon.

Naka tulala Sila sa akin Kaya't naka ramdam Naman Ako nang pagka ilang. Napa kamot Ako sa aking batok Saka Sila nginitian nang may halong pagka ilang.

"P-pasensya na." Pag hingi ko nang paumanhin sa kanila Saka yumuko nang kaunti habang hinihimas ko Ang aking batok.

Grabe! Pakiramdam ko matutunaw na Ako sa kinatatayuan ko! Dalawang mala Diyos at Diyosa Ang naka Tayo sa aking harapan! Grabe na! Pareho pa silang naka tingin sa akin. Nakakahiya!

Nagka palitan Naman Sila nang tingin Saka muling bumaling sa akin habang Hindi naaalis sa kanilang mukha Ang pagka gulat. Hindi ko alam pero sa tingin ko ay ilang minuto Kaming nag tititigan tatlo hanggang sa napa atras Sila papalayo sa akin.

Eh? Bakit?

Muli silang nag titigan Saka bumaling sa akin habang tinuturo Ako nang may gulat na ekspreyon, hanggang sa may ma-realize akong Bagay.

T-teka lang...

Sandali akong nag loading at pilit na ina-absorba nang mahina Kong utak Ang mga pangyayari ngayon.

Napa atras din Ako nang Isang hakbang papalayo nang pumasok na sa isip ko Ang mga kaganapan ngayon.

"EHHHH?!?!?!"

Author's Note:

No plagiarism. Plagiarism is a crime.

Falling Inloved With The Ghost In My RoomWhere stories live. Discover now