Chapter 1: Alone

277 5 0
                                    

"Taya ka..."

Napalunok Ako nang sunod-sunod habang unti-unti akong yumuyuko. Ramdam ko din na nag-iinit Ang aking mga Mata.

Mabilis Ang kabog nang aking dibdib habang hinahanda ko Ang aking sarili sa maari kong Makita.

"Mhaya?"

Halos mapa lundag Ako sa gulat nang makarinig Ako nang tumawag sa akin. Pag lingon ko sa aking likuran ay nandoon si mama naka Tayo sa may pintuan at naka Taas Ang mga kilay habang naka pamewang.

"Anong ginagawa mo?" Nakataas kilay nitong tanong sa akin. Agad Naman Ako lumapit sa kaniya Saka siya niyakap na kaniyang ikinagulat.

"Anyare sa'yo?" Muli niyang pag tatanong habang yumayakap siya sa akin pabalik.

"Napa aga po kayo?" Pag iiba ko nang usapan.

"May naiwan lang. Naiwan ko 'yung wallet ko." Sagot ni mama sabay kuha doon sa wallet na naka patong sa may lamesa.

"Oh pano Alis na Ako." Paalam ni mama nang pigilan ko siya. Sandali muna siyang huminto Saka Ako nilingon.

"Mama may tanong lang po Ako. May bata pubang anak 'yung mga kapit Bahay natin?" Tanong ko sa kaniya. Napa kunot siya nang kaniyang noo Saka napa isip.

"Sa pagkaka alam ko puro mga mag h-highschool na 'yung mga bata Dito. Bakit?" Pabalik na tanong sa akin ni mama.

Teka? Mga mag h-highschool? So hindi na bata 'yun? Wait! Wait! Baka Naman Kasi guni-guni ko lang lahat nang 'yon? Argh!

"Oh ano? 'Yun lang ba tatanong mo? Pano Alis na kami." Muling paalam ni mama. At Bago pa siya makalabas ay may pahabol pa siya.

"Oo nga pala baka gabihin kami Kasi dadalaw pa kami sa ninang mo. I-lock mo 'yung mga pintuan baka pasukin ka Dito. Nag-iisa ka nalang na pangit Dito baka mawala Kapa." May halong pananakot na Sabi ni mama Bago lumabas.

Napa nguso nalang Ako Saka naupo sa sofa at binuksan Ang TV. Lakas Mang-asar. Hmph.

Nanonood Ako ngayon nang anime sa chanel 5 dahil Wala Naman na akong gagawin kaya mag uubos nalang Ako nang Oras sa panonood.

Tahimik lang akong nanonood dahil Wala Naman akong makaka kwentuhan. Wala din akong kaibigan na malapit Ang Bahay Dito sa Amin. Saka Wala Naman akong masyadong friends dahil Hindi Naman Ako friendly. Hasyt!

Kasalukuyang nag commercial kaya nag unat-unat Naman Ako nang biglang lumipat sa ibang chanel 'yung pinapanood ko. Iginala ko sa aking paligid Ang aking paningin.

Hinanap ko agad Ang remote Saka binalik sa chanel kung saan Ako nanonood. Baka napindot ko lang?

Saka imposible Naman na may mag lipat no'n. Mag-isa lang Ako Dito sa Bahay, Wala Naman nang ibang tao Dito kung Hindi Ako. Saka imposible na may multo pa sa ganitong panahon.

Muli akong tumutok sa TV nang matapos Ang commercial ngunit Muli Nanaman itong lumipat sa ibang chanel. Muli Kong kinuha Ang remote Saka ito ibinalik sa chanel 5 at Hindi na muling binitiwan Ang remote.

Hindi ko alam pero medyo nakakaramdam na Ako nang Kaba. Huminga Ako nang malalim at pilit isinawalang bahala lahat nang Bagay na nangyayari ngayon nang sa Hindi inaasahang pangyayari ay kusang lumipat 'yung tv sa iba't ibang chanel.

Mabilis akong naalrma at napa Tayo sabay hinugot sa saksakan Ang Tv. Lagot Ako, nasira kopa yata 'yung TV.

"Psst!"

Napalingon Ako sa may kusina nang may tumawag sa akin sa gawing 'yon. Sumisitsit ito nang paulit-ulit. Para Naman akong napako sa aking kinatatayuan habang pinapakinggan Ang sumisitsit nang paulit-ulit.

Falling Inloved With The Ghost In My RoomWhere stories live. Discover now