Kabanata 5: Paligsahan

148 9 0
                                    

Halo halo na ang mga Emosyon na nararamdaman ng mga Diwata na nag iintay ngayon ng oag sisimula ng Paligsahan, Kung saan Malalaman kung Sino ang susunod na Magiging Reyna ng Encantadia.

Ngunit habang Nag aayos ang ibang nga Sanggre, Si Amihan ay nasa kanyang Silid Iniisip ang nangyari sakanila ni Ybrahim. "Marahil nga Hindi nararapat maging masaya ang mga Diwatang katulad ko" Bulong ni Amihan sa kanyang sarili ng Pumasok si Alena sa kanyang Silid.

"Andito ka lang pala Amihan, Kanina pa kita hinahanap" Sambit ni Alena ng natagpuan nya nag kanyang kapatid na nakaupo sa kanyang Silid. "Ano't tila Malungkot ang aking Edea?" Tanong ni Alena sakanya.

"Wala ito Alena, Wag mo na lamang akong alalahanin" Buntong hininga ni Amihan, "naalala mo nanaman ba si Rehav Raquim?" Tanong ni Alena na dumagdag pa sa lungkot na nararamdaman ngayon ni Amihan.

"Maari bang wag mo na lamang banggitin ang Ngalan ng Aking Ama Alena ayokong lalo akong Malungkot bago Ang Paligsahan" Sambit ni Amihan, kaya naman hinawakan ni Alena ang kanyang Kamay.

Nag daan ang ilan pang Oras, At Dumating na Ang sensyales na Mag sisimula na ang Paligsahan. Isang Maliwanag na ilaw ang pinaputok ng Mga Kawal ng Lireo, na tanaw na tanaw ni Ybrahim sa Saphiro.

"Si Sanggre Amihan ba ang inaalala mo kaibigan?" Tanong ni wantuk kay Ybrahim na pinapanood ang ilaw sa kalangitan. "Wantuk manahinik kana nga" agad na tinakpan ni Pako ang bibig ng maliit na Sapirian saka hinila ito papalayo sa Rehav.

"Bathalang Emre naway Gabayan nyo si Amihan sa Paligsahang magaganap sa Lireo ngayon, Nawa ay manalo ang sino mang karapatdapat sa kanilang mag kakapatid" sambit ni Ybrahim sa Hangin habang iniisip si Amihan.

"Avisala sa Inyong Lahat, Narito tayo ngayon upang masaksihan ang Paligsahang magaganap sa pagitan ng mga mag kakapatid" Sambit ni Imaw habamg ang mga Sanggre ay nakatayo sa gitna ng Bulwagan.

"Sana ay mag karoon tayo ng maayos na laban, naway manalo ang sino mang karapatdapat, Nakakalungkot na hindi ko ito masasaksihan" Sambit ni Minea Habang Nakatingin sa kanyang mga Anak. "pinunong Imaw ikaw muna ang manguna sa Paligsahang magaganap" dagdag ni Minea Saka Umalis sa Punong Bulwagan.

Ilang minuto lang ang Nag daan ng may dumating na isang diwata, mahaba ang kanyang Buhok, At Puti ang suot nito mula ulo Hanggang Paa.

"Sya ang diwatang makakalaban nyo, ang unang makakuha ng Susi na Hawak ng Diwatang iyan ang Susunod na Magiging reyba ng lireo" Sambit ni Imaw ng tumigil ang diwata sa harapan ng Apat na mga Sanggre. "Sino ka?" Tanong ni Danaya, "Kilala kaba namin?" tanong naman ni Amihan na ikinatawa ni Pirena, "mahalaga pabang makilala nyo sya kung isa lang naman syang walang kwentang diwata" naka ngising sambit ni Pirena.

"Alena Mauna kanang labanan sya" utos ni Pirena sa nakababatang kapatid, "Ako edea Pirena?" Tanong ni Alena, "bakit natatakot kaba?" Pang aasar ni pirena sa kanyang kapatid. "Walang kinatatakutan ang isang sanggre" Sambit ni Alena sabay nag Ivictus papunta sa tabing Dagat.

"Avisala Diwata" Sambit ni Alena, at agad na Sinugod ang Diwata. Ilang beses sinubukan ni Alena na Tamaan ang diwata ngunit sa tuwing ihahampas nya ang kanyang Sandata ay nasasangga nito, Hanggang sa Mabitawan ni Alena ang kanyang Sandata na naging dahilan ng pag katalo nya.

"Ako na ang susunod" Sambit ni danaya na ikinatawa ni Pirena, "sigurado akong Mabilis lamang ang laban na ito" natatawang sabi ni Pirena.

Naging maganda ang pag lalaban ni danaya at ng Diwata, Ngunit kagaya ni Alena Bigo din si Danaya na makuha ang Susi.

"Sabi ko na nga Ba at saglit lamang ang Magiging laban na ito" naka ngising sambit ni Pirena, "Sanggre Amihan ikaw na ang susunod" sambit ni Mashna Aquil ng tinitigan ni Amihan ang kanyang Sandata.

"Hindi ko bibiguin ang pangako ko sa aking ama" Sambit ni Amihan sa kanyang Sandata at sya ay nag Ivictus patungo sa Dalampasigan.

"Binabati kita Diwata, Sapagkat natalo mo ang aking mga kapatid ngunit gagawin ko ang lahat ng makakakaya ko upang mag wagi" Sambit ni Amihan ng bigakbg umataki ang kalaban nyang diwata.

Naging Maganda ang Laban ni Amihan laban sa Diwata, ngunit bindi gaya ni Alena at Danaya nahirapan syang matalo ng diwata lalo na't nasasako nya ang lahat ng Hampas Sakanya.

"Ako na ang susunod" sambit ni Pirena ng Mapansin nyang maaring manalo si Amihan laban sa Diwata, sinubukan syang pigilan ng mga Kawal ngunit agad itong nakapag Ivictus patungong Dalampasigan.

"Masyado syang malakas" Sambit ni Amihan sa kanyang apwe, "sumusuko kana amihan?" Naka ngising tanong ni Pirena, ng biglang umatake ang Diwata.

Mahabang labanan ang nagaganap mula sa Dalawang Sanggre at sa Diwata, tila ba walang Planong mag patalo si Amihan o Si Pirena laban sa Diwatang na sa kanilang harapan.

Sa gitna ng kanilang pag lalaban nag Ivictus ang diwata patungo sa Asotea ng Lireo. Na agad namang sinundan ng dalawang Sanggre.

"Bakit ba kay tagal mong mag oatalo diwata" naiinis na Sambit ni Pirena ng bigla nyang masipa si Amihan sa Asotea, sa kabutihang palad ay nasalo ni Pirena ang Kamay ng kanyang Apwe .

"Pirena wag mo akong bibitawan" sambit ni amihan ng kanyang maramdaman ang unti unting pag dulas ng kanyang kamay. "Amihan Gamitin mo ang iyong ivictus uoang makabalik dito" nahihirapang sambit ni Pirena, "hindi ko magawang mag laho Pirena" sagot ni Amihan kaya sinubukan ni Pirena na iangat si Amihan, ng bigla nyang maalala ang mga sinabi sakanya noon ni Gurna.

"Patawad Amihan Ngunit kailangan kong gawin to" sambit ni Pirena ng kanyang bitawan si Amihan na naging dahialn ng pag Laglag nito.

Walang ibang Nagawa si Amihan kung hindi Sumigaw mula sa takot ng bumalik sa kanyang ala ala ang pag salo noon sakanya ng kanyang ina mula sa kanyang panaginip noong bata pa sya.

Sa pag pikit ni Amihan, Kanyang naramdaman ang pag hawak ng isang nilalang . Sa pag dilat ng kanyang mata nakita nya ang Wangis ng kanyang ina. At agad sya netong ibinalik sa Asotea ng Lireo.

"Kay buti ng iyong puso, kahit maging ano pa ang iyong wangis nanaig pa din saiyo ang pag ibig mo para saamin" Sambit ni Amihan at niyakap ang diwata ng Biglang bumalik si Pirena na nagulat ng makita ang kanyang kapatid.

"Amihan?" Sambit nito ngunit natoon ang pansin ni pirena sa susi kung kayat kinuha nya ito agad agad, "Pirena wag" pag pigil ni amihan sa kanyang kapatid ngunit sinuklian lamang sya nito ng Ngisi.

"Talo kana amihan ako na ang nagwagi ako na ang susunod na Magiging Reyna" sambit ni Pirena at agad na nag laho. "Natatakot ako ina sa maaring gawin ni Pirena" sambit ni Amihan Ngunit nginitian lamang sya nito bago nag laho paalis.

___________________________________

Halaa nanalo si Pirena, ano satinynyo ang susunod na mang yayari sa Susunod na kabanata, ano kayang magiging reaksyon ng Mga Sanggre kapag nalaman nila ang Oag alis ni Ybrahim? Abangan sa susunod na kabanata wag kalimutan mag Follow vote and comment sa satingin nyo susunod na mangyayari yun lamang Byeeee.

In The shadows of CrownsWhere stories live. Discover now