Kabanata 13: Basbas kay Lira

173 7 2
                                    

"saan ka mag tutungo Ybrahim?" Tanong ni Wantuk sa Kanyang Kaibigan ng Makita nyang Inaayos nito ang kanyang mga Gamit. "Nabalitaan ko ang nangyari kay Hara Durie , kaya mag tutungo ako bgayon sa mga Diwata"Sagot ni Ybrahim kaya sinuklian ito ng Mandrigma ng Ngiti.

"anong nginingiti ngiti mo dyan Wantuk?" seryosong tanong ni Ybrahim sa kanyang Kaibigan, "Yan ba talaga ang dahilan ng pag punta mo don o Si Hara Amihan?" Pang aasar ni Wantuk ng ilabas ni Ybrahim ang kanyang Espada.

"nag bibiro lamang sige umalis kana"

___

"Kay tapang na diwata, Tas ganong jadali lamang Mapapatay" Sambit ni Gurna sa Mga Hathor, na ikinagalit ni Pirena. "Patay na sya Gurna Hindi mo na kailangan pang bastusin sya" Sigaw ni Pirena habang kanyang pinipigilan ang Kanyang nga Luha.

"May iniwan ba para sakin ang Ina?" Tanong ni Pirena, ng maalala ni Gurna ang Ibinigay na Liham ni Ades na mul Kay Minea. "Wala" pag sisinungaling nito sa Kanyang Alaga.

"tingnan mo Pirena, Hanggang sa kamatayan walang pakialam saiyo ang iyong Ina" Sambit ni Hagorn na naging dahilan ng Lalong pag kamuhi nito sa Kanyang ina.

___

"Hara Amihan, Nandito si Rehav Ybrahim" Bulong ni Ades sa Kanyang Hara at itinuro ang landas kung saan nakita ni Amihan na papalapit ang Rehav.

"Ybrahim Ano't Nandito ka?" Malamig na tanong ni Amihan, halata sa mga muka ng Hara na pinipigilan nya lamang ang kanyang mga Luha Habang pinapanood na Tumatangis ang kanyang mga Kapatid.

"Nais kong Damayan ka sa pagkawala ng inyong ina" Sambit ni Ybrahim ng Hawakan nya ang kamay ng Hara. "Batid kong alam mo na din ang tungkol sa Ating Anak" Sambit ni Amihan, kita sa mga muka ni Ybrahim na hindi ito nagulat sa sinabi ng Hara. "Nabanggit saakin ni Muyak ang tungkol dyan, At kung paano nabuo ang iyong anak" Sagot ni Ybrahim, ng tingnan ni amihan ang mga mata ni Ybrahim.

"Nais mo ba syang makita Ybrahim?"

"Kung Akoy iyong papayagan"

Dinala ni Amihan si Ybrahim sa kanyang Silid kung saan naroroon ang mga Dama at Kawal na nag babantay sa Diwani. "Mga Dama, kawal Iwan nyo muna kami" utos ni Amihan at nag lisan ang mga Diwata nasa silid.

"Ybrahim si Lira Ang ating Anak" Sambit ni Amihan habang buhat buhat ang isang babaeng Sanggol. "Maari ko ba syang Hawakan?" Tanong ni Ybrahim at Ibinigay ni Amihan ang Sanggol kay Ybrahim.

"Kay Gandang Diwani, kamuka mo sya Amihan" Sambit ni Ybrahim na nag pangiti sa Hara ng Lireo. "Sana lamang ay nakilala sya ni Ina bago sya pumanaw" Sambit ni Amihan na nag palungkot muli sa Ekspresyon ni Amihan. Ibinaba ni Ybrahim ang Sanggol sa kanyang Higaaan at muling hinawakan ang kamay ni Amihan.

"Amihan, alam kong nais mong mag pakatatag para sa iyong nga kapatid at nasasakupan Ngunit lagi mkng tandaan na nandito ako para sayo" Sambit ni Ybrahim ng tuluyan ng Bumagsak ang mga luha ng Reyna.

____

"Paalam Inang Reyna" bulong ni Amihan sa Kanyang ina, Bago ito kunin ng Mga Retre. Sabay sabay na Nag bigay pugay ang mga Kawal at Mga Dama sa Lireo ng tuluyan ng kunin ng mga Retre si Minea.

"Totoo ngaang aking nabalitaan" sambit ni Pirena Ng Bigla itong Dumating sa Lireo, Agad namang Tinutukan ng espada ng mga Kawal ang taksil n diwata ng lireo. hinarang naman ni Ybrahim ang kanyang sarili kay Amihan kung sakali mang may gawing masama si Pirena.

"Wag kayong mag alala hindi ako nandito para nakipag away" Sambit ni Pirena ng lumuhod ito sa Tapat ng mga Sanggre. "Patawarin nyo ako aking nga kapatid sa aking mga ginawa, nilamon ako ng aking galit inaamin ko naway patawarin nyo ako" Nag simula ng tumangis si Amihan, kaya't inakala ni Alena na nag sasabi na ito ng totoo.

"Pirena, pinapatawad na kita" Sambit ni alena ng yakapin nito ang nakatatandang Kapatid. "Alena, Nakalimutan mo na bang muntik nya ng patayin ang ating Hara ng dalawang beses na" Galit na Wika ni Danaya sa kanyang mga Kapatid.

"Tama si Danaya Amihan" sagot ni Ybrahim, ngunit hindi ito pinakikinggan ni Amihan. "hiniling ni Ina na mag kabati tayo bago sya nawala, at hindi yon mangyayari kung hindi natin sya paoatawarin" sambit ni Amihan ng lapitan nya ang kanyang kapatid.

"Pinapatawad na kita Pirena"

___

"Danaya" Sambit ni Alena ng pumasok ito sa Silid ni Amihan. "Nandito ka lang pala" dagdag ni Alena ngunit patuloy lamang ito sa pakikipag laro sa kanyang hadiya.

"Galit ka pa din ba samin sa Ginawa naming pag tanggap kay Pirena" tanong ni Alena kung kaya't napabuntong hininga nalamang si Danaya. "hindi ko kayo masisisi kung nais nyong mag kaayos tayong nag kakapatid ngunit bigyan nyo muna ako ng oras na makapagisip isip" Sambit ni Danaya ng Ilabas nya ang kanyang Brilyante.

"Ano ang iyong ginagawa danaya" nag tatakang tanong ni Alena, ng dumating ang Lambanang si Muyak.
"May kutob akong may Hindi magandang gagawin si Pirena kaya nais kong bigyang basbas ang ating Hadiya" Sambit ni Danaya at pinagmasdan ang kanyang Hadiya.

"Gamit Ang Brilyante ng Lupa, Binibigyan kita ng proteksyon laban sa mga nilalang na gustong manalit sayo, bigyan mo din sya ng Lakas at katapangan sa pakikipaglaban" Utos ni Danaya sa Kanyang Brilyante, na agad namang sinunod ng Brilyante.

"Napakagandang basbas Danaya, Hayaan mong bigyan ko din sya ng basbas galjng saaking Brilyante" Sambit ni Alena ng Ilabas nya ang Brilyante ng Tubig.

"Brilyante ng Tunig inuutusan kitang bigyang basbas ang aking Hadiya, Bugyan mo sya ng dalisay na Puso na handang tumulong sa sino mang may kailangan, Ngunit Ng Tapang kagaya ng alon nangangalid sa tuwing sya ay sasaktan" Sambit ni Alena na Sinunond naman ng kanyang Brilyante. "Avisala Eshma Alena, Ngayon ay mapapanatag na ako na Walang mangyayaring masama sa Ating Hadiya" Sambit ni Danaya, ngunit di nila napansin na pinagmamasdan sila ni Pirena.

"Kung hindi kita mapapaslang, Ilalayo nalang kita sa iyo g tunay na ina" bulong ni Pirena sa kanyang Sarili habang abot tenga ang kanyang Ngiti.


___________________________________

Malalayo ba kaya takaga si Lira sa kanyang Ama at Ina abangan sa susunod na Kabanata.

Avisala aking mga Readers sana ay nagustuhan nyo ang Kabanatang ito, Kung nagustuhan nyo wag kalimutang mag Vote, Follow at Comment swe you sa Susunod na Kabanata.








In The shadows of CrownsWhere stories live. Discover now