kabanata 6: Bagong Reyna

150 10 0
                                    

"natapos na ang Paligsahan may nag wagi na" masayang turan ni Imaw ng bumalik ang diwatang nakalaban nila kanina. "Nakuha ko na ang susi Ako ang nag wagi" Naka ngising sambit ni Pirena, at halata naman ang mga takotsa mata ng kanyang mga Kapatid.

"Binabati kita Pirena nakuha mo na ang iyong gusto" Sambit ng Diwata ng Bumalik ito sa tunay nyang anyo, agad namang nag bigay pugay ang nga Diwatang nasa loob ng palasyo. "Ngunit pirena hindi ito ang Susi na inyong hinahanap pagkat ang susi na ito ay peke" sambit ni Minea ng maging buhangin ang Susing hawak ni Pirena.

"si Hara Minea ang susi na Inyong hinahanap mga Sanggre" Sambit ni Imaw kaya't hindi makapaniwala si Pirena, "at tanging si Amihan lamang ang naka diskobre nito, kaya mag pugay kayo sapagkat may bago na kanyong reyna" masayang Anunsyo ni Minea kaya agad na nag tungo si Danaya at alena sa kapatid.

"Pano mo nalaman na si Ina ang diwatang ating nakalaban" tanong ni alena, "sapagkat hindi nya tayo sinasaktak, At kahit anong anyo nya pa man ay mas nananaig oadin ang kanyang puso" Sagot ni Amihan , at lunapit si Minea sa kanila, "kaya naman karapatdapat ka maging Reyna Amihan" Sambit ni Minea na Ikinagalit ni Pirena.

"Hindi ito maaari!"sigaw ni Pirena kaya agadna nagtinginan ang mga tao sakanya, "pinagkaisahan nyo ako, dinaya nyo ako , ako ang daoat na nag wagi hindi si Amihan!"Sigaw ni Pirena, "Pirena tanggapin mo nalang na si Amihan ang nanalo" Sambit ni danaya na lalong ikinagalit ni Pirena.

"Hindi, hinding hindi ko ito tatanggapin" sambit ni Pirena na ng kanyang Hablutin ang sandata ni muros at itinutok kay Minea, "hinahamon ko kayong labanan ako, Ina, kapag natalo nyo ako ay Papayag akong maging reyna si Amihan ngunit kapag natalo ko kayo Ako ang magiging reyna" Pag hahamon ni Pirena.

Dahil sa ginawa nito, Walang Magagawa si Minea kung hindi oumayag dahil narin sa batas na nakasukat. Ngunit sa tuwing Ihahampas ni Pirena ang kanyang Sandata ay walang ginagawa si minea kung hindi saluhin ito , Ngunit hindi nya tunay na nilalabanan ang anak.

"tumigil kana Pirena" sigaw ni Minea ng Biglang bumagsak si Pirena sa Sahig ng naiyak, Bumalik si Minea sa Pwesto nina amihan Ng biglang Sunggaban ni Pirena si Minea. Ngunit bago nya masaksak si Minea Hinarang ni Amihan ang kanyang sarili kung kayat sya ag Nasaktan ni Pirena, agad namang nalabanan ni danaya at alena si Pirena kung kaya't nailayo nila ito kay Amihan.

Agad na dinala ng mga Kawal si Amihan sa kanyang Silid, At dali daling sumunod sina Alena Danaya, at Minea upang pagalingin si Amihan, Inilabas ni Minea ang Brilyante ng lupa at pinagaling ang sugat na natamo ni Amihan. Wala ng malay ang Sanggre ngunit buti nalamang ay hindi oa sobrang lubha ng kanyang sugat.

Inaayos nina Ybrahim at Pako ang isang silid sa Sapiro ng Biglang Dumating si Wantuk na nag aalala. "Ybrahim ang Sanggre Amihan" sambit ni Wantuk kung kaya't nag alala bigla si Ybrahim, "ano ang Nangyari kay Amihan, "sinaksak ni Pirena si Amihan dahil sa galit ng matalo sya nito sa paligsahan" Balita ni Wantuk kung kaya't dali daling umalis si Ybrahim uoang mag tungo sa Lireo.

Gamit ang Sasakyang pang himpapawid, Nag tungo si Ybrahim kasama si Pako at Wantuk sa Lireo, uoang puntahan si Amihan at kamustahin ang lagay nito.

Sa Punong bulwagan nag tungo si Ybrahim, doon nya nakita si Minea kasama ni Alena at Danaya. "Mahal na Reyna" pag bibigay pugay ni Ybrahim sabay nag Bigay pugay din ang kanyang mga Kasamang Mandirigma.

"Nabalitaan ko ang nangyari kay Amihan, ano ang lagay nya?" Nag aalalang tanong ni Ybrahim, "maayos na, sya ay nasa kanyang Silid kung sya ay nais mong puntahan" Sambit ni Minea , kung kayat agad agad nag tungo doon si Ybrahim.

"Uhh Avisala Sanggre Danaya" pag bati ni Wantuk, na tila ba nag papa gwapo sa harap ng Sanggre. "Mandiri ka saiyong sarili Mandirigma" naasiwang tingin ni Danaya kay Wantuk ngunit lumapit naman ng walang alinlangan si Alena. "Kamusta si Ybarro?" Kanyang bulong kay pako, at sinenyasan naman sya nito na maayos lamang ang kanyang minamahal.

Sa silid ni Amihan, Nakaupo si Ybrahim sa tabi ng natutulog na Diwata, hinaplis nito ang kanyang mga Mukha habang pinag mamasdan ang kanyang magandang Mukha.

"Akala ko'y mawawala ka sakin Amihan" bulong ni Ybrahim ng unti unting nag mulat ang mga mata ni Amihan, "Ybrahim" bulong neto kaya naman napangiti si Ybrahim. "Kamusta kana Mahal ko?" tanong nito , at dahan dahang umupo si Amihan.

"Mabuti, ngunit masakit kapag naalala kong Kapatid ko ang dahilan nito" banggit ni Amihan kaya biglang nalungkof ito. "Masaya akong nanalo ka Amihan" Sambit ni Ybrahim, sa kanyang minamahal.

"Nag punta lamang ako dito upang Tingnan ang iyong lagay at mag paalam" Sambit ni Ybrahim na Ikinalito nito, "Anong ibig mong sabihin Ybrahim?" Tanong ni Amihan.

"Akoy mag tutungo na ng Sapiro upang doon na manuluyan at ng saganon ay maisaayos ko na ang Kaharian ng aking ama" Sambit ni Ybrahim, Na naging dahilan ng oag kuha ni Amihan.

"Ybrahim wag kang umalis Pakiusap kailangan kita dito" pag mamakaawa ni Amihan kaya't tuluyan ng lumuha ang dalawa, "Amihan alam mo ag batas ng reyna" Sambit ni Ybrahim at hinawakan ang Mga Pisngi ni amihan.

"Hindi mo man ako kasama sa iyong tabi, nangangako ako mahal ko na palagi akong nasa puso mo" Sambit ni Ybrahim at unti unting hinalikan sa mga labi ang kanyang Minamahal na si Amihan.

.
.
.
.
.
.
.
.

"Alin sa inyong mga Brilyante ang sasama sakin, Ikaw ba Tubig, Lupa, Hangin O apoy?" tanong ni Pirena Ng kanyang ilahad ang kanyang palad, ilang Segundo ang nag daan at sumama sakanya ang Brilyante ng Apoy, sa iras na yon napag tanto ni Pirena na kung hindi Sakanya ipapamana ang Lireo mas mabuti nalang na nakawin ito sa kanyang kapatid.


__________________________________

Avisalaaaaa Salamat po sa pag bsa ng Kabanatang ito, Wala na kayang chance ang Ybramihan? Ano ang binabalak ni Pirena? Abangan ang susunod na pangyayari sana po ay i boto nyo po ito at i follow ang aking Account at i comment ang nais nyong masaksihan






In The shadows of CrownsWhere stories live. Discover now