Kabanata 20: Sanggre sa Mundo ng mga Tao

170 10 2
                                    

"shhh wag ka masyadong maingay Mira baka marinig tayo nina Tatay" bulong ni Lira sa kanyang Pinsan habang tahimik itong pumapasok sa kanilang Tahanan.

"At bakit ayaw mo kaming marinig ka Lira?" Tanong ni Ybrahim ng buksan nito ang ilaw. Unti unting lumingon si Lira sa Kanyang ama at pinililit na ngumiti, habang hinihiling sa kanyang Isipan na Wag syang pagalitan nito.

"Hi tay" Sambit nito ng makita nyang hindi natutuwa ang kanyang Ama. "Lira anong oras na ano't ngayon ka lang umuwi at bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag namin saiyo?" Nag aalalang Tanong nina Celeste, ng Mapansin nila ang Kasama ni Lira.

"Sino ang kasama mo Lira?" Tanong ni Aliana Habang lahat sila ay Nakatingin kay Mira. "Ahh sya po si Mira, at gaya po natin galing syang Encantadia" Sambit ni Lira Na ikinagulat nina Ybrahim.

"Mira? Ikaw ang anak ni Pirena na ipinalit nya saaking anak noong sya ay Sanggol palamang" Sambit ni Ybrahim ng Maalala nya ang Ikinwento ni Muyak sakanya Noon. "Ako nga, Bakit alam mo ang tungkol dyan sino ka?" Tanong nito kay Ybrahim.

"Ahh Mira Sya ang aking Ama si Ybrahim" pag papakilala ni Lira sa Lalaking nasa Harapan nya. "Ikaw si Rehav Ybrahim, Ang nawawalang Rehav ng Sapiro? Ang Rehav na matagal ng hinahanap ni Inang Amihan?" Sambit ni Mira na kinumpirma ni Ybrahim.

"Ikinagagalak ko kayong makilala Rehav" Sambit ni Mira at nag bigay pugay dito. "Hindi mo na Kailangan mag bigay Pugay Mira, ngunit ano ang ginagawa mo dito sa Mundo ng mga Tao" nag tatakang Tanong no Ybrahim ng maalala nya ang nangyari sa Encantadia.

"Sapagkat... Sapagkat nag tagumpay na ni Pirena at Hagorn na pabagsakin ang Lireo, wala na akong ibang magagawa kung hindi lumayo dahil alam kong hindi nila ako palalayain kung mahuhuli nila ako" Paliwanag ni Mira na ikinakaba nina Ybrahim.

"Imposible ang sinasabi mo Mira hindi mapapabagsak ni Pirena si Amihan" Sambit ni Ybrahim kay Mira. "ngunit ito ay totoo sapagkat nakuha nya ang Brilyante ng Tubig kay Ashti alena kaya't naging madali ang Kanyang pananakop lalo at nasa mundo ng mga tao den si Ashti Danaya" Paliwanag ni Mira na dahilan ng pag aalala ni Lira.

"si Inay anong nangyari kay Ina?" Nag aalalang tanong ni Lira sakanya."polte lira ngunit hindi ako nakakasigurado sa kanyang kalagayan lalo na't naka alis ako bago ko Masigurado ang kanyang Kalagayan" Sambit ni Mira, na Ikinalungkot ni Lira.

"Wag nyo Muna isipin ang tungkol sa Encantadia Lira, Mira"Sambit ni Aliana sa mag pinsan. "Dalhin mo muna sa iyong silid si Mira, Anak" Sambit ni Ybrahim na Sinunod naman ni Lira.

_____

"Diwata, Diwata Gising" Sambit ng isang batang Paslit habang patuloy nitong niyuyugyog ang walang malay na hara ng Diwata. Tumingin ito sa kanyang Paligid uoang Masigurado na walang sino mang Encantado an naririto ng ilabas nya ang isang maliit na Brilyante.

"Kaibigan, Tulungan natin sya Pagalingin mo mga sugat nya" Hiling ng Paslit sa Kanyang Brilyante, na agad naman nitong Ginawa. Unti unting nawala ang mga Sugat ni Amihan sa kanyang Katawan ngunit wala pa din itong malay.

___

Nasa Loob si Lira at Mira ng silid, ng Mapansin nya ang mga Litratong naka Lagay sa Kwarto ni Lira. Ang isa dito ay Litrato ni Lira kasama si Ybrahim, ang isa ay kasama si Enuo at Rael at ang isa ay kasama ang apat mag kakapatid.

"Kay Swerte mo Pala Lira, dahil maraming Tao ang nag mamahal saiyo dito" Sambit ni Mira ng Kuhanin ang isang litrato kung saan kasama ni lira ang kanyang mga Kaibigan.

"Mas Swerte ka nga eh, kasama nakasama mo sina Inay naramdaman mo yung pag mamahal nya" Sambit ni Lira ng ibigay nito ang Pamalit na damit kay Mira. "Hindi Rin Lira, sapagkat alam kong may pag alinlangan si Ina saakin noon pa man" Sambit ni Mira ng maalala nya ang Usapan nina Danaya at Amihan nokng sya ay bata pa.

In The shadows of CrownsWhere stories live. Discover now