Kabanata 66: Pag Dakip sa mga Diwani

123 7 2
                                    

"Mira" Sambit ni Amihan habang Sinusundan nito ang pag lalakad ng kanyang Anak anakan. "Ina bakit ganon? Bakit kahit halos mapaslang nya na kayo pinapatawad nyo pa din sya" Umiiyak na Sambit ni Mira.

"Mira Kahit ano pang ginawa ni Pirena, Kapatid pa din namin sya" Sambit ni Amihan ng Lumapit ito sa kanyang Anak.

"At isa pa, Alam kong Nabulag lamang sa Galit noon ang iyong Ina kaya nya nagawa ang bagay na yon" muling Sambit nito ng Punasan nya ang mga Luha sa Mata ni Mira.

"Pero bakit Kayo napakadali sainyo na Mapatawad sya, Bakit ako kahit anong pilit ko kahit anong gawin ko ang hirap syang patawarin?" tanong ni Mira habang patuloy itong tumatangis.

"Anak, Hindi mo kailangang pilitin ang Sarili momg patawarin ang isang Nilalang, sa mga Pag kakataong ito tanging Oras lang ang makakapag pagaling sa Mga Sugat na kagaya saiyo" Sambit ni Amihan ng Ilapit nya ang Diwani sakanya upang Yakapin.

_________

"Sorry Ashti Pirena ah, Badmood po kasi si Mira eh" Nakakamot sa batok na Sambit ni Lira, "Huwag mong alalahanin Yon Lira Batid ko namang Galit sya saakin" Sambit ni Pirena ng Mapayuko si Lira.

"Hindi po sya galit sainyo, Nasaktan lang po sya Kaya nahihirapan po syang patawarin ka pero alam ko naman pong mahal ka nya" Sambit ni Lira dahilan Para mapangiti si Pirena.

_________

"Maari na ba tayong bumalik sa Punkng Bulwagan?" Tanong ni Amihan ng Kumalma na si Mira sa Pag Tangis.

"Mauna kana Ina, Nais ko munang mapag isa upng makapag isip" Sagot ni Mira ng Tumango si Amihan.

"Maiwan na kita" Naka ngiting Sambit ni Amihan ng tumango si Mira.

Nakangiting pinag mamasdan ni Mira ang Kanyang Ina inahan na nag lalakad papalayo sakanya, Mula ng malaman nyang hindi nya tunay na ina si Amihan lagi nyang iniisip kung paano kung hindi nalang nalaman nito na Hindi sya totoong anak, Paano kung Totoong anak napang sya ni Amihan.

Maramdaman sya pa din ba ang pag alinlangan ni Amihan sakanya, Masasaktan pa din ba sya ng ganto? Ngunit Alam ni Mira na kahof anong gawin nya Manatili syang isanganak ng Taksil na diwata.

"Sana Ikaw na lang ang Aking Ina" Bulong ni Mira sa Hangin, ng maramdaman nya ang presensya ng ibang nilalang sa kanyang Likuran, dahilan upang sya ay mapatingin dito.

"Sumama ka saakin Mira"

_________

"Patawarin mo sana ako Amihan, Kung gagawin ko ito Ngunit Mauuwi sa Kapahamakan ang iyong Buhay kapag nakasama mo ang iyong Anak" Sambit ni Cassiopeia ng Palihim itong pumasok sa Lireo.

Utos ni Emre kay Cassiopeia ang Pag Dakip kay Cassandra, Alam ni Cassiopeia na Ikagagalit to ni Amihan lalo na't hindi nya na nakasama noon si Lira Ngunit wala syang ibang magawa sapagkat Kamatayan ni Amihan ang magaganap kung Hindi nya ito gagawin.

"Cassiopeia Anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ng isang kawal ng Makita nya ang Sinaunang diwata na hawak hawak ang Diwani Cassandra.

"Sheda Kawal, Sa bisa ng aking Kapangyarihan Inuutusan kita Na kalimutan mo lahat ng iyong nakita, ngunit sa aming pag lisan ibalita mo sa Hara na nawawala ang kanyang Anak" Sambit ni Cassiopeia ng Mawalan ng Malay ang Kawal, saka sila Lumisan.

Ilang Sandali lang ay, Nag mulat muli ang Mata ng mga Kawal at doon nito Nakita na nawawala ang Mahal na Diwani, Agad agad itng Lumisan sa Silid at nag tungo ng Punong Bulwagan.

________

"Hagorn?" Gulat na Tanong ni Mira ng Makita mya ang Hati ng Hathoria kasama ang mga kawal nito. "Sumama ka saamin Mira" Sambit nito saka Umalis Gamit ang Brilyante Ng Diwa.

________

"Mahal na Reyna" Humahangos na Sambit ng Kawal ng Dumatyito sa Punong Bulwagan. "Ano't Humahangos ka Kawal?" Nag tatakang Tanong ni Alena.

"May isang nilalang na Kumuha sa Diwani Cassandra, hindi ko maalala ang kanyang Mukha sapagkat Akoy Ginamitan nya ng Kapangyarihan" Sambit nito na ikinagulat ng mga Ito.

"Pashnea" Kinakabahang Sambit ni Amihan ng Maramdaman nya ang Malakas na kabog sa kanyang Dibdib ng Dumating ang isang Kawal.

"Mahal na Reyna, Dinakip ni Hagorn ang Diwani Mira" Nag mamadaling Balita ni Muros ng Makita nito ang mga Sanggare sa punong bulwagan.

"Tanakreshna, Pirena danaya alena, isagip nyo si Mira sa Hathoria ako ng mag hahanap kay Cassandra" sambit ni Amihan ng mapakunot ang noo ni alena.

"Ngunit paano ka Amihan hindi mo alam kung sino ang makakalaban mo sa pag hahanap kay Cassandra" nag tatakang tanong ni Alena.

"Kaya ko ang sarili ko, mas kailangan kayo ni Mira" Sambit ni Amihan ng hawakan ng Rehav ang kanyang Kamay. "Sasamahan kita Amihan" Sambit nito ng Umiling ang Hara.

"Manatili ka nalamang sa Lireo upang maging bantay nito" Sagot ni Amihan, "mas makakahinga kami ng maluwag kung kasama mo Si Ybrahim Amihan" Sambit ni Alena ng tingnan ito ni Amihan.

"Andito naman po ako Inay, Ako na po muna ang mangangalaga at mag babantay sa Lireo" Pag piprisinta ni Lira ng Mapangiti si Amihan.

"Avisala Eshma Anak" Sambit ni Amihan ng tingnan nito sina Alena. "Mag iingat kayo mga Apwe" Sambit nito bago sila Lumisan ng Lireo.

__________

Sa Labas ng Hathoria, Nag tungo ang mga Sanggre. Batid nila na kung sa loob sila agad mag tutungo ay madali silang matatalo ng mga kawal ni Hagorn.

"Paano tayo makakapasok?" Nag tatakang Tanong ni Alena ng ngumisi si Danaya. "Kailangan natin sila labanan lahat" Sambit ni Pirena ng mapatawa si Danaya.

"Warka ka Danaya anong tinatawa tawa mo dyan?" Tanong ni Pirena sa kanyang Bunsong Kapatid, ng ilabas nito ang Brilyante ng Lupa.

"Brilyante ng Lupa, Inuutusan kita na Yanigin mo ang Lupa ng Kaharian ng Sapiro upang matapos na ang Buhay ng mga Kawal na Tapat kay Hagorn" Sambit ni Danaya ng maramdaman nila ang pag yanig ng kalupaan.

Unti unting nag bagsakan ang mga Bato mula sa Kaharian ng Hathoria, dahilan pag Kamatay ng mga Kawal nito.

"Magaling Danaya" Pag bati ni Pirena ng Tingnan silang dalawa ni Alena. "Mga Warka si Mira" Sambit ni Alena ng maalala nilang nasa Loob ng Hathoria si Mira.

_________

"Pashnea Bakit bigalng yumanig ang Lupa ng Hathoria?" Galit na Tanong ni Hagorn ng unti unti silang tumayo mula sa Lindol na Kanilang Naramdaman.

"Mahal na Hari, ang ating mga Kawal. Kakaunti lamang ang mga Kawal na nakaligtas sa Lindol" Nag aalalang balita ni Agane ng tingnan nito si Mira.

"Nakakasigurado akong si Danaya ang may Gawa nito" Galit na Sambit ni Hagorn ng Dumating sa loob ng Hathoria ang Mga Sanggre.

"Kami nga" Sambit ni Danaya ng patamaan nila si Hagorn ng Kapangyarihan galing sa Brilyante.

_____________________________________

Oopss Hanggang dyan nalang Muna, Ano satingin nyo ang mangyayari sa susunod na Kabanata? Makuha kaya nila si Mira? Matalonkaya nila si Hagorn? Saan dadalhin ni Cassiopeia si Cassandra? Abangan!!

Last 4 Chapter na Guys!!!!

In The shadows of CrownsWhere stories live. Discover now