Kabanata 46: Ina-inahan laban sa Tunay na ina

185 9 8
                                    

"Ybrahim, Akala ko'y May inasikaso kang mahalaga kaya hindi ka nag tungo sa Pag pupulong kanina?" Tanong ni Ybarro ng Dumating ito sa Sapiro at nakita ang Kapatid na Nakatingin sa Lireo.

"Wala kang Inasikasong mahalaga no? Iniiwasan mo ba ang Hara dahil doon sa gusto ng Konseho na mag karoon sya ng Bagong Tagapagmana?" Tanong muli ni Ybarro ng humarap sakanya ang kanyang kapatid. "may kakaunting Parte na Yan ang Dahilan ng hindi ko pag dalo, Ngunit Kaya hindi ako dumalo ay upang mailayo ko ang aking sarili kay Amihan dahil yon ang Kahilingan nya" Sagot ni Ybrahim, ng mapagtanto ni Ybarro na hindi nya pa alam ang nangyari kanina sa Lireo.

"Hindi mo pa nga pala alam" Sambit ni Ybarro dahilan para Mapakunot ang noo ni Ybrahim, "ang alin ang hindi ko pa alam?" Tanong ni Ybrahim sa kanyang Kapatid.

"Sumugod ag mga Hathor kanina sa Lireo" Sambit ni Ybarro dahilan para mag alala ang rehav. "Si Amihan?" Agad nyang tanong , "maayos ang Hara ngunit si Lira ay Wala oa ding Malay ng Isangga nya ang kanyang sarili para sa kanyang Ina" Sagot ni Ybarro dahilan para lalong mag alala ang Rehav.

"Saan ka patutungo?" Tanong ni Ybarro ng Talikuran sya ng Kanyang nakatatandang kapatid. "Pupuntahan ko ang aking Mag ina" Sagot ni Ybrahim ng makasalubong nito si Aliana.

"San ka mag tutungo?" Tanong ni Aliana sa Rehav. "Sumugod ang Mga Hathor sa Lireo, at Nasaktan daw si Lira kaya't nais kong puntahan sya sa Lireo" Sagot ng Rehav , "sasama ako" Sambit ni Aliana at Tuluyan ng nilisan ng dalawa ang Sapiro.

______

"ina Kamusta na si Lira?" Tanong ni Mira sa kanyang Ina Inahan ng lumabas ito sa Silid ng Kanyang anak. "Napagaling na ni Danaya ang Sugat ni Lira, ngunit wala pa ding malay ang iyong Pinsan" Sagot ni Amihan ng lumapit sakanya ang isang Kawal.

"Mahal na Reyna, dumating po ang Rehav Ybrahim kasama ang Isang Sapirian" Sambit ng Kawal kay Amihan. "Avisala Eshma Kawal, Papuntahin nalamang sila dito" Sambit ni Amihan ng Umalis ang Kawal.

"You're so Cool" Sambit ni Calista havang Nakatingin sa Reyna. "Cool?" Tanong ni Mira sa Dalaga, "Cool parang Astig" Sambit ni Calista ngunit di pa rin ito naiintindihan ni Mira.

"Mahal na Hara" Sambit ni Ybrahim ng dumating ito Kasama si Aliana. "Nabalitaan ko ang Nangyari kanina, Kamusta ang lagay mo?" Tanong ni Ybrahim ng mapatingin sakanya ang apat na Paslit. "anv ibig kong sabihin, nyo kamusta ang lagay nyo nina Lira?" Pag babago ni Ybrahim ng mapangiti ang apag na Paslit.

"ang torpe ni tito" Bulong ni Calista ng sawayin sya ni Anthony. "Ano't Nagawang Masaktan ni Hagorn si Lira? Hindi Bat may Kapangyarihan kayo Bakit hindi nyo manlang nahawanv Protektahan ang sarili mong anak?!" Singhal ni Aliana sa Hara.

"Aliana!" Pananaway ni Ybrahim ng pumasok sila sa Silid ni Lira. Agad na nag daretso si Aliana sa Tabi ng Paslit at tiningnan ang Lagay nito habang si Ybrahim Ay Tumayo sa Gilid ni Amihan.

"Inay" Mahinang Bulong ni Lira ng unti unting imulat nito ang kanyang mga Mata. "Lira kamusta ang iyong pakiramdam?" Nag aalalang tanong ni Amihan Ngunit hindi nya ito matabihan dahil nakaupo si Aliana sa tabi nito.

"Kamusta ka Mahal ko?" Nag aalalang tanong ni Aliana. "Ayos lang po ako" Sambit ni Lira ng Yakapin nito si Aliana, "buti po nandito kayo" Sambit ni Lira ng makaramdam si Amihan ng Kaunting Selos.

"May kailangan kaba Anak?" Tanong ni Amihan ng tingnan sya ni Lira. "Andito po pala kayo, di ko po kayo napansin" Sambit ni Lira na Ikinakirot lalo ng puso ni Amihan.

"Nandito naman po si tita Aliana, maayos na po ako" Sambit ni Lira at nginitian ang Hara. "Ang Ipinag tataka ko lang ay kung paano ka Nasaktan ni Hagorn kung ang iyong Tunay na Ina ay makapangyarihan" Sambit ni Aliana ng hunarap ito kay Amihan.

"Anong silbi ng iyong pagiging Reyna kung ilang beses mo ng hindi na protektahan ang iyong sariling anak" Sambit ni Aliana Habang galit itong Nakatingin kay Amihan. "Hindi ko ginusto ang mga Nangyari" Sambit ni Amihan ng tawanana sya ni Aliana.

"Yan nalang ba ang irarason mo tuwing may Masasaktan Mahal na Reyna" madiin na Sambit ni Aliana, ng Tumayo si Lira mula sa kanyang Kinahihigaan.

"Nag punta lang po ba kayo dito para mag Away?! Kasi kung Oo po mas mabuti po kung iwanan nyo nalang ako sa Labas ng Lireo!" galit na Sambit ni Lira habang Nakatingin sa Dalawa.

"Tita Aliana, Iwan nyo nalang po ako. Mahal na Reyna Maayos napo ang Pakiramdam ko Di nyo na din po ako kailangan bantayan" Sambit ni Lira upang paalisin ang Dalawag nag Aaway sa kanyang Silid.

"Mag Pahinga ka Mahal ko" Sambit ni Aliana saka hinalikan ang Ulo ni Lira, Tiningnan nito ng Masama ang Hara bago lisanin ang Silid.

"Paumanhin saa naging asal ni Aliana, Amihan nag aalala lamang sya para kay Lira wag kang mag alala Pag sasabihan ko sya" Sambit ni ybrahim habang sya ay naka tingin kay Amihan.

"Mauuna na kami, mag pahinga ka ng maayos Lira" Sambit ni Ybrahim ng hinalikan nito ang Ulo ni Lira na ikinagulat nito. "Poltre Lira nakasanayan ko lamang na-" hindi na pinatapos ni Lira ang pag papaliwanag ni Ybrahim.

"Ayos lang po" Sambit nya ng ngumiti ito. "kayo po Mahal na Reyna, Di pa po ba kayo Mag papahinga?" Tanong ni Lira ng umupo si Amihan sa Tabi ni Lira.

"Maari mo akong Tawagin na Ina Lira" Sambit ni Amihan ng Mapansin nya ang pag kakailang nito sa sinabi nya . "Pero kung Ayaw mo, pwede na din ang Mahal na Reyna" pinilit nalamang ni Amihan na ngumiti sa harap ng kanyang anak upang hindi nito mahalata ang tunay nyang nararamdaman.

Kahit pa gaano kasakit kay Amihan na marinig ang Kanyang anak na tawagin syang Mahal na Reyna at hindi Ina, kailangan nya itong tiisin dahil ayaw nyang pilitin ang kanyang anak na kilalanin sya.

Napabuntong hininga nalamang si Lira, dahil basang basa nya sa reaksyon ng kanyang Ina na Nasasaktan ito sa tuwing may nasasabi si Lira kahit hindi nya ito sinasadya.

"Pwede po ba kitang tawaging Inay?" Tanong ni Lira ng mapangiti ang Hara Amihan. "Isang bagay na hinding hindi ko tatanggihan" Masayang Sambit ni Amihan ng Yakapin nya ni Lira.

"Maari po bang dito kayo matulog kasama ko?" Tanong ni Lira sa Kanyang Ina. "Oo naman Lira" Sambit ni Amihan habamg Nakayakap pa din ang diwai sakanya.

____________________________________

1 all na si Aliana at Amihan, Grabe ang Real talk ni Aliana at pasensya ni Amihan. Maging dahilan kaya si Lira ng pag aaway away ng mga Nag palaki kay Lira at Nag bigay buhay kay lira? Abangan sa susunod na Kabanata.

So sabi ko 11 ao mag uupload and nakatulog ako so na laye pero Happy 2k Readss Thank you soo much sa Support nyo E Correi Diu



In The shadows of CrownsWhere stories live. Discover now