Kabanata 62: Tadhana ni Deshna

103 5 0
                                    

"Alena? Saan ka patutungo?" Nag tatakang Tanong nito ng makita nyang nag aayos ng Gamit ang kanyang nakababatang kapatid.

"Nais ko Sanang Mag tungo ng Adamya Amihan" Sagot nito ng Mapakunot ang Noo ng Hara.

"Aalis ka?" Malungkot na Tanong ni Amihan ng Hawakan ni Alena ang Kamay ng Hara.

"Huwag kang Mag alala Amihan, Hindi ako mag Tatagal at isa pa Nais kong isaayos ang Adamya upang hi di ito mapag iwanan ng Sapiro at Lireo" Sambit ni Alena dahilan upang mapangiti ang Kanyang Apwe.

"Kung Iyan ang iyong Hiling... Hindi na kita pigilan, sana lang ay nag ingat ka" Sambit ni Amihan ng Ngumiti si Alena.

"Huwag kang mag alala Amihan, Hindi ako maaring mawala, Lalo na't hindi ko pa nasisilayang Ikasal ka at maging Masaya aking Hara" Sambit ni Alena ng Yakapin nito ng mahigpit ang kanyang Kapatid.

"Mangako kang Babalik ka Alena" Sambit ni Amihan, "pangako mahal na Hara" Sagot ni Alena bago tuluyang Lisanin ang Lireo.

"Sana Mahanap mo ang kaligayan ng iyong puso sa Iyong Pag lisan aking Apwe, sana Gaya ko ay maging masaya kana Din" Malungkot na Bulong ni Amihan sa Hangin.

________

"Agane!" Sigaw ni Hagorn ng agad lapitan sya ng kanyang Mashna. "Ano yon Mahal na Hari" Tanong ni Agane ng Makalapit sya sa Kanyang Tinitingalang Hari.

"Utusan mo ang Lahat ng Kawal na Hanapin ang aking anak, At pag may kahit sinong humarang sainyo ay Paslangin nyo agad sila!" Utos ni Hagorn nang Kumunot ang mga Noo ni Agane.

"Bakit ba Nais nyong Mahanap ang nawawalang Paslit na iyan?" Nag tatakang Tanong ni Agane ng mapatingin sakanya Ang Hari.

"Si Deshna ay ang aking Tagapagmana, sya ang aking nag iisang anak, kaya't Sundin nyo ang aking utos Kawal!" Galit na Sambit ni Hagorn sa Kanyang Puning Kawal.

Walang nagawa si Agane kung hindi Sundin ang utos ng kanyang Hari, Masama man ang kanyang Loob ay wala syang magawa.

Sapagkat isa lamang syang anak ng Hari sa Isang pang karaniwang kawal. Kahit kailan ay hindi nya makukuha ang Trono ng kanyang Kapatid, Hanggat nabubuhay ito.

__________

"Ang Cute nya Sobra" Nanggigigil na Sambit ni Lira habang pinagmamasdan nila ni Mira ang Natutulog na Sanggol.

"Tama ka Lira, at kamukang kamuka nya si Ina" Pag sang ayon ni Mira ng Dumating sa Silid ang Kanilang Inang si Amihan.

"Andito lang pala kayo Lira Mira, kanina pa kayo hinahanap ng inyong Ashti Danaya" Sambit ni Amihan ng Makita nito ang Dalawang Diwani.

"Avisala Ina/Inay" Sabay na Sambit ng Dalawang Diwani ng Sabay nilang Yakapin ang Hara. "Avisala mga Mahal ko" Sagot ni Amihan ng Hagkan nito ang Dalawang Diwani.

"Bakit nga Po pala kami Hinahanap ni Ashti Danaya?" Nag tatakang Tanong ni Mira sa Kanyang Ina. "Sapagkat malapit ng mag simula ang inyong pag sasanay" Sagot ni Amihan ng Kumunot ang noo ng Dalawang Diwani.

"Pagsasanay? Ngunit Hindi ba't Si Ashti Alena ang aming Guro?" Nag tatakang Tanong ni Mira, "Oo nga po?" pag sang ayon ni Lira ng tingnan nit ang kanyang Ina.

"Nasaan po si Ashti Alena?" Nag tatakang Tanong ni Mira, "Nag tungo ang inyong Ashti Alena sa Adamya upang isaayos ito kaya't Si Danaya muna ang Tututok sainyong Dalawa" Paliwanag ni Amihan sa kanyang Mga Anak.

"Kaya Hindi nyo na maaring Takasan pa ang inykng Menantre" Natatawang Sambit ni Amihan ng mapakamot sa ulo ang Dalawang Diwani.

"Ay Ina Sabihin nyo po yan kay Lira" Sambit ni Mira na ikinagulat ng Diwani, "ba't Ako eh ikaw kaya nakakaisip lagi ng Kalokohan" Paninisi ni Lira na ikinatawa ng Hara.

In The shadows of CrownsWhere stories live. Discover now