Kabanata 51: pag saklolo ni Amihan

132 8 2
                                    

Unti unting minulat ni Wantuk ang kanyang mga Mata mula ng mawalan sila ng Malay nung tumalon sila sa kanilang Sasakyan. "Wahid Gising" Sambit ng Mandirigma habang niyugyog ang Kaibigang Barbaro.

"Nasaan Tayo?" Tanong ni Wahid ng Magulat ito, "aba malay ko" Daretsong Sagot ni Wantuk ng Biglang luminga si Wahid. "Lira! Lira nasaan ka!" Sigaw ni Wahid ng hampasin ni Wantuk ang Ulo ni Wahid.

"Ingay ingay mo ayun si Lira oh" Sambit ni Wantuk habang nakaturo ito kay Lira na nasa Buhangin na naka Luhod, "Lira!" Sigaw ni Wahid dahilan para Mapalingon si Lira sakanila.

"Aba napakaswerte mo Diwani ah, Sa Buhangin ka bumagsak" Sambit ni Wantuk ng tingnan sya ng masama nito. "Swerte? Eh Nasira nga yung sinasakyan nating Sasakyan, Pano na tayo Makakarating ng Devas nyan?" Naiinis na Sambit ni Lira.

"Mabuti pa Bumalik nalamang Tayo sa Lireo" Sambit ni Wahid na Sinangayunan ni Wantuk. "Tama sya Mahal na Diwani, Kaysa Mapahamak pa tayo mag balik nalang Tayo" Pag sangayon ni Wantuk sa Kanyang Kaibigan.

"Uy teka lang, Ang bilis nyo namang sumuko eh Di pa tayo pwedeng bumalik" Sambit ni Lira sa Dalawang Encantado. "Mahal na Sanggre, Iniisip lang namin ang Kaligtasan mo at kaligtasan namin dahil pag may nangyari sayo malamang kagot kami sa tatay mo" Sambit ni Wahid, Ng Mapatingin si Lira sa Himpapawid.

"Hindi bat Simbolo ng Lireo iyon?" Tanong ni Lira ng Makita nito ang isang nag lalakbay na Sasakyan pang himpapawid. " Oo nga no" pag sang ayon si Wahid.

"Tulong! Hello kung sino man nasa Sasakyan sa taas Tulong!" Sunod sunod na sigaw ni Lira, Agad itong sinubukang pigilan ng Dalwang Binata, dahil baka kaaway pala ang sakay nito.

_______

Ilang oras na ang pag lalakbay nina Amihan, Mira at Aquil sa Himpapawid. "Ina Hindi ko pa din Nakikita sina Lira" nag aalalang Sambit ni Mira Habang tinatanaw nito ang Bawat Sasakyan na makikita nila.

"Kinakaban na din Ako Mira, tila may nangyari sakanila" Nag aalalang Sambit ni Amihan ng Tingnan nito ang kanyang Anak anakan. "Wag kayong mag Alala Mahal na Hara, Sigurado akong Ligtas ang Mahal na Diwani" Sambit ni Aquil upang maibsan ang Nararamdaman na takot ng mag Ina.

"Tulong! Hello kung sino man nasa Sasakyan sa taas Tulong!"

Agad na napalingon ang Tatlong Diwata ng Makarinig sila ng mga Tinig mula sa Kanilang Ibaba. Agan na tiningnan ni Mira gamit ang Makenaryang kanyang Hawak kung ano ang nagaganap sa Lupain.

"Ina, Sina Lira" Sambit ni Mira ng ibigay nito sa Kanyang Ina ang Makernarya. "Aquil, itigil mo ang Sasakyan" utos ni Amihan sa Mashna ng Lireo, ng itigil nito ang Sasakyan pababa sa Lupain.

______

"Bababa sila!" Masayang Sambit ni Lira ng unti unting lumapit ang Sasakyan sakanila. "Sandali, sina Hara Amihan Yan ah" nag tatakang Sambit nina Wahid ng Bumaba ang Hara at si Mira mula sa Sasakyang pang himpapawid.

"Umamin ka mahal na Diwani, Alam ba ng iyong ina sa iyong patutunguhan?" Komprontanv tanong ni Wantuk sa Diwani. "Syempre... hindi" Sagot nito sa Mandirigma.

"Lira!" Sigaw ni Amihan ng Yakapin ng Hara ang Kanyang Anak. "Ano't Umalis ka ng walang pasabi Lira! Pinag alala mo kami" Nag aalalang Sambit ni Amihan, dahilan para Mapayuko nalamang ang Diwani.

"Lira alam kong nais mong Maibalik ang Ala ala mo, pero Kailangan mo pa din kaming sundin lalo na ako pagkat ako ang iyong Ina" pangaral ni Amihan sa Diwani.

"Sorry po kubg padalos dalo po ako, Gusto ko lang naman pong Matanggal na yung sumpa na ito saakin, Pagod na po akong makita kayong Nasasaktan sa tuwing may nasasabi o nagagawa ako sainyo" Singhal ni Lira ng Tuluyan ng Bumagsak ang nga Kuha nito.

"Lira, Kaya kong tiisin ang mga Ganyan Bagay, Ang hindi ko kaya ay kung may mangyayari saiyong masama at wala ako saiyong tabi upang ma protektahan ka" Sagot ni Amihan sa kanyang Anak.

"Mag balik na tayo sa Lireo" Sambit ni Amihan ng Tanggalin ni Lira ang Hawak ng kanyang Ina sakanya. "Ayoko po nay, Di po ako Papayag, kung sainyo po okay lang na Masaktan ko kayo, pwes sakin po hindi kasi Nasasaktan po ako ng sobra pag bakikita ko kayong Nasasaktan" Agad na napatigil si Amihan sa sinabi ng kanyang anak.

"Lira parang awa mo na bumalik na tayo" Pakiusap ni Amihan Ngunit kahi anong gawin nya ay hindi nag babago ang isip nito.

"Lira kung Hindi ka Babalik sa Lireo kasma Namin, pwes Sasama ako sainyo patungong Devas" Matigas na Sambit ni Amihan sa kanyang Ina. "Pero-" Hindi na pinatapos ni Amihan ang kanyang sasabihin.

"Kung ayaw mo ay babalik tayo sa Lireo" napabuntong hininga nalamang si Lira, dahil sa Kanyang Ina. "Sige po Pumapayag po akong sumama kayo samin" Napilitang Sambit bi Lira.

"Mira, Mashna Aquil, mag balik na kayo sa Lireo sa lireo at sabihin nyo kay Danaya ang aking desisyon" utos ni Amihan sa Dalawang kasama nya. "Mag iingat kayo Ina Lira" Sambit ni Mira ng Yakapin nya ang dalawa.

"Tayo na Mashna Aquil" Sambit ni Mira ng bumalik ito sa Sasakyang pang himpapawid.

"Hindi ko po alam kung alam nyo na Pero Mahal na Hara nasira na po ang Sasakyan na aming dinala" Sambit ni Wahid ng ipakita nito ang Sirasirang parte ng Sasakyan nila.

"Wag nyo muna intindihin yan, Mag oahinga ahinga muna tayo" Pav aaya ni Lira na agad namang Sinangayunan ng Dalwang Encantado.

"Bakit po kayo nakangiti?" Tanong ni Lira ng Mapansin nya ang pag ngiti ng Hara habang ito ay kanyang Tinititigan.

"Natutuwa lamang akong panoorin ka, Tunay nga Na ikaw ay Anak namin Ybrahim" Sambit Amihan habang inaayos nito ang Buhok ng Kanyang anak.

"ang Rehav ng Sapiro ang Aking Ama?" Nag tatakang tanong nito, dahilan upang mapatigil si Amihan. "Hindi mo Alam?" Nag tatakang Tanong nito sa Kanyang Anak.

"Joke lang Nay, Syempre po alam ko"

"Pero eto Nay Seryoso po, Bakit po hindi ko pa po nakikita si Itay simula nung Umalis sina Tita Aliana?" Nag tatakang Tanong ni Lira sa Hara.

"May mga inasikaso lamang sya sa Sapiro Anak, Lalo na't Kakamatay lang ng Kanyang Kapatid" Sagot ni Amihan Ngunit batid ni Lira na hindi ito ang Rason kung bakit hindi napunta sa Lireo si Ybrahim.

"Yun lang po ba Talaga?" Tanong ni Lira ng tumango si Amihan, At mapait na ngumiti. Habang tinatago sa kanyang Anak ang tunay na mga Nangyari.

_____________________________________

Nasa Sapiro nga lang ba talaga si Ybrahim, O natatakot lang si Amihan na sabihin sa kanyang Anak ang Lamat sa Relasyon nilang dalawa ng Rehav? Makarating pa kaya sa Devas sina Lira? Mag kaayos pa kaya si Amihan at Ybrahim pag balik nila ng Lireo? Abangan!

In The shadows of CrownsWhere stories live. Discover now