Kabanata 67: Katapusan ni Hagorn

125 7 0
                                    

"Amihan Sandali, Kanina pa tayo nag hahanap ngunit hindi naman tayo dinadala ng Iying Brilyante sa Ating anak" Sambit ni Ybrahim ng tumigil si Amihan sa pag lalakad.

"Ybrahim Hindi tayo maaring Tumigil sa pag hahanap, kailangan nating mahanap si Cassandra" Naiiyak na Sambit ni Amihan ng hawakan ng Rehav ang kanyang Kamay.

"Bakit hindi natin puntahan si Cassiopeia? At sakanya natin itanong kung nasaan ang ating Prinsesa" Sugestiyon ni Ybrahim ng Tumango si Amihan, saka nila Ginamit ang Ivictus upang mag tungo sa Tahanan ni Cassiopeia.

"Avisala Amihan At Ybrahim" Pag bati nito ng Dumating ito sa kanyang tahanan. "Cassiopeia, narito kami sapagkat -" hindi na natapos pa ni Ybrahim ang kanyang Sasabihin ng mapabuntong hininga si Cassiopeia at Sinabing.

"Sapagkat Nawawala si Cassandra" Agad na tumango ang Dalawa, na tila natuwa sa pag aakalang makakasama nila ang kanilang bunsong Anak.

"Ngunit Patawad, Hara Amihan, at Rehav Ybrahim sapagkat hindi ko maating ibigay sainyo ang inyong ninanais" Sambit ni Cassiopeia ng Kumunot ang noo ni Amihan.

"Bakit Hindi Mata? Lahat nalang ba ng Anak ko hindi ko makakasama sa pag laki?" Naiiyak na Tanong nito ng Hawakan ni Ybrahim ang kanyang kamay upang kumalma.

"Mas makakabuti kay Cassandra kung lalaki sya sa Pook na to kaysa sa Lireo, Sapagkat nakikita ko ang Kasawian ng mga Diwata kung sa Poder nyo lalaki si Cassandra" Paliwanag ni Cassiopeia ng tuluyan ng tumulo ang mga Luha ng Hara.

"Wala na ba kaming magagawa para mabago to?" Tanong ni Ybrahim ng Umiling si Cassiopeia, "ang Guhit sainyong Palad ang mag sasabi ng inyong Kapalaran" Sagot ni Cassiopeia.

"Kayo ay Mag tungo nalamang ng Hathoria Amihan, sapagkat mas kailangan kayo doon ni Mira" Utos ni Cassiopeia ng Punasan ni Amihan ang kanyang mga Luha habang sya ay Nakayakap kay Ybrahim.

"Masisigurado mo ba Mata, na nasa maayos na kalagayan si Cassandra?" Tanong nito ng tumango si Cassiopeia, "huwag kang mag alala Amihan, Makakasama nyo din ang jnying Anak sa takdang Panahon, ngunit ngayon Kailangan ka ng iyong mga kapatid at anak anakan" Sambit ni Cassiopeia ng Tumango si Amihan at Saka sila umalis ni Ybrahim.

___________

"Kami nga Hagorn" Naka ngising Sambit ni Danaya ng Dumating silang tatlo sa Loob ng Hathoria.

"Hindi nyo ako matatalo" matamang na Sambit ni Hagorn ng itutok nito sa mga Diwata ang Kanyang Sandata. "Sugurin sila" Utos nya sa mga Natitirang Hathor na nasa kanyang Tabi.

"Atayde Hathoria" Sigaw ni Agane saka nya sinugod ang mga Sanggre, agad na Napaslang nina Alena at Pirena ang mga Kawal na Kanilang Kaaway ng Mapulupot ni Agane ang kanyang Lubid kay Danaya, Ng Hindi Mapansin ng Mashna ang pag dampot ni Danaya sa Espada ng Namatay na Mashna at Itinarak nya ito sa Namayapang Mashna.

"Panginoon..Apwe" Sambit ni Agane bago Mawala ang kanyang Hininga. "Agane, Mga Pashnea Kayo!" sigaw ni Hagorn ng itutok nito ag kanyang Sandata kay Mira.

"Sheda Hagorn, Huwag mong idamay ang isang Paslit sa Araw ng iyong pag bagsak" utos ni Danaya ng Galit na galit silang tiningnan Ni Hagorn.

"Lumayo kayo saakin! Pag lumapit kayo Paslangin ko ang diwaning ito!" Matapamg na saad ni Hagorn ng Unti unting timtulo ang mga Luha sa Mata ni Mira sa Takot sa Gagawin ng kanyang Ilo.

"huwag kang mag Tapang tapangan Pirena! Alam kong hindi mo ako kayang Saktan! Ang sumpa ni ether" Sigaw ni Hagorn ng Tingnan si Pirena ni Alena at Danaya.

Agad na Sinaksak ni Amihan si Hagorn, ng Dumating sya sa Kaharian ng Hathoria. Kung kaya't nagawa nilang mapalayo si Hagorn sa Kinatatayuan nya.

"Malapit na ang iyong Katapusan Hagorn" Sambit ni Amihan ng maglakad ito papalapit kay Amihan na tila nanghihina. Ngunit Gamit Ang kanyang Sandata, Inatake nya ang Hara ng Lireo.

Agad namang nasangga ni Amihan ang lahat ng Tama ni Hagorn, At muli nya itong nasugatan sa kanyang Parte ng Tagiliran.

Agad Na gumawa si Hagorn ng Isang kalasag na makaka pag protekta sa kanyang Sarili gamjt ang Dalawang Brilyanteng Hawak nya. Agad na nag tinginan ang apat na Sanggre Saka tumango.

Gamit ang Tatlong Brilyanteng Hawak nila lumabas ang Mga Lakas at Enerhiya mula dito na unti unting nakasira sa Kalasag na ginawa ni Hagorn.

Agad namang Sinira ni Pirena ang Kalasag na Ginagawa ng Kanyang Ama, Gamit ang Dalawang Espadang pag mamay ari nya, at Muling Ginalusan ang Ama

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Agad namang Sinira ni Pirena ang Kalasag na Ginagawa ng Kanyang Ama, Gamit ang Dalawang Espadang pag mamay ari nya, at Muling Ginalusan ang Ama.

"P-pirena Tulungan mo ako tulungan mo ang iyong ama huwag mong hayaang saktan nila ako" pag mamakaawa ni Hagorn habang nakatutok ang sandata ni Pirena sa Leeg ni Hagorn.

"B-bibigay ko sago ang Lahat ng Nais mo, ang Brilyante ba ng apoy?" Sambit ni Hagorn ng ilabas nya ito. Agad na tiningnan ni Pirena ang nga Kapatid na Tumatango na Tanggapynito ang Brilyante.

"Akin na Ama" Sambit ni Pirena ng Ibigay ni Hagorn ang Brilyante sakanya. "Ang Brilyante ng Diwa Hagorn" Utos ni Amihan ng Tingnan ni Hagorn si Pirena.

"Huwag kang mag alala Ama, Akong bahala" Paninigurado ni Pirena ng tumango si Hagorn at inilabas ang Maliit na Brilyante. "Hara Amihan" Pag tawag ni Pirena sa Hara saka nito kinuha ang Brilyante ng Diwa.

"Iligtas mo ako Pirena" Pag mamakaawa ni Hagorn, "Masusunod Ama" Sambit ni Pirena Ng Tuluyan nyang Itarak ang Kanyang Sandata sa Kanyang Ama na naging Dahilan ng Pag Bagsak nito.

"Paalam Ama" Huling Sambit nya ng muli nya itong saksakin. Hanggang ito ay Bumagsak sa Lupa.

"Mira" Sambit nu Pirena Ng lapitan nito ang kanyang Anak na Nakatali pa din habang pinapanood ang kanilang Naging Labanan.

"Maayos ka lang Ba?" Tanong ni Pirena ng Titigan lang sya ni Mira, dahil sa gulat sa kanyang Ginawa para sa kanyang Ama.

"Ang Buong Akala ko'y ako ang tatapos kay Hagorn bilang pag hihiganti sa ginawa nya saaking Ama, ngunit hindi ko inaasahang Ikaw ang gagawa nito Pirena, binabati kita sa iyong Katapangan at katapatang Ginawa" Sambit ni Amihan ng suklian ni Pirena ng Ngiti ang kanyang Sinabi.

________

"Tanakreshna! Tama ng aang aking Hinala! Si Pirena ang Kumitil sa Buhay ni Hagorn!" Galit na Sambit ni Ether habang kanyang Pinag mamasdan ang mga Diwata sa Hathoria.

"Malalagot ka Pirena! Sapagkat ngayon na din ang katapusan mo!"


___________________________________

Dunn dunn dunnnnn, tuluyan na nga bang Napaslang si Hagorn? Anong mangyayari may Pirena? Saan dinala ni Cassiopeia si Cassandra? Abangan!

Last 3 Chapter's na Guys!!!

In The shadows of CrownsWhere stories live. Discover now