kabanata 17: Simula ng plano

139 6 0
                                    

Labing isang Taon ang nakalipas, ngunit hanggang Sa ngayon ay Nasa mundo ng nga Tao pa den ang Mag-ama. Gabi gabi ay pinupuntahan ni Muyak ang Lagusan ng Asnamon, umaasang mag bubukas ito at makakabalik na sila sa Encantadia, ngunit umuuwi lamang syang bigo.

"san ka galing Muyak?" Tanong ni Lira ng makita nya ang kanyang Kaibigan na pumasok sa kanyang Silid. "Sa Puno ng Asnamon" Sambit ni Muyak sabay upo sa Palad ni Lira.

"Muyak siguro wag ka muna pumunta doon, alam kong mabibigo ka lang" Sambit ni lira sa Kaibigan. Alam ni Lira na nais ng bumalik ng Encantadia ang kanyang ang Ama at Kaibigan, ngunit Matagal ng Hindi Umaasa si Lira na makakabalik pa sya.

"Lira, ayaw mo na bang Makabalik sa Encantadia?" Tanong ng lambana sa kanyang alaga. "Syempre Gusto, Gustong gusto ko na makabalik para makasama ang Nanay ko pero parang wala namang Pakialam Ang mga Diwata saamin eh" Sambit ni Lira, "Lira Nakalimutan mo na ba ang totoong nangyari, Hindi ka nya inabandona Kasalanan ng iyong ashti ang nangyari" Sambit ni Muyak na tila naiinis sa Tinuran ng kanyang Alaga.

"Sorry Muyak, Para ayoko na la nakikita kayo nina Tatay na dissapointed tuwing di nag bubukas ang Lagusan, ayoko ng masaktan Muyak" Malungkot na sambit ni Lira ng umalis sa pag kakaupo ang Lambana.

_____

"kailan ba tayo lulusob Pirena?" Tanong ni Hagorn sa Sanggre, "naiinip na kami dito" dagdag pa nito ng suklian sya ni Pirena ngisi. "Wag kang mag alala Hagorn, malapit na malapit na kailangan na lamang mawalan ng kakampi angaking Edea" Sambit ni Pirena , "at sisimulan ko na yon kay Alena" dagdag ni Pirena , na ikinatuwa ng Mga Hathor.

__

"Nako Ybarro, Kapag pinagpatuloy mo ang pakikipag kita sa Diwatang iyon mapahamak ka" Sambit ni Apitong sa Kanyang Anak na si Ybarro, "Ama, Hindi ki kailanman iiwan si Alena", sagot ni Ybarro na walang pakialam sa Mga maaring gawin sakanya ng mga diwata.

"Kaya kung maari paalisin nyo na ako Ama" Diniinan ni Ybarro ang salitang Ama, Alam ni Ybarro na hindi nya tunay na Ama si Apitong. Sya ang bunsong anak ng dating Hara at Rama ng Saphiro, ngunit hindi nya nais na maging Isang Dugong bughaw kaya hindi nya sinasabi kahit kanino ang tunay nyang pag katao.

Nilisan ni Ybarro ang Kanyang Mga Kasama sa Kanilanv kuta at nag tungo sa Batis ng Katotohanan, kung saan nag iintay si Sanggre Alena. "Kanina kapa ba dito mahal ko?" Tanong ni Ybarro sa kanyang minamahal.

"Kadaratinv lamang" Sambit ni Alena ng Yakapin sya ng Mandirigma. Tutol ang lahat sa pagmamahalan ng dalawa dahil na din sa kanilang mga Pinag mulan ngunit walang kahit sino ang Naka pag pigil ng kanilang mga Damdamin.

"Sabi ko na nga Ba at andito ka Sanggre Alena" Sambit ng Isang lalaki, na ikinagulat ng Dalawa. "Hitano? Bakit mo ako sinundan dito?" Tanong ni Alena sa Isang Kawal ng Lireo. "Nakalimutan mo na ba na bawal ang inyong pag mamahalan Sanggre" Naiinis na Turan ni Hitano sa dalawa.

Noon pa man ay alam na ng lahat na May Pag tatangi si Hitano para sa Diwata, kaya nga isinumbong nya ang pag iibigan ni Alena at Ybarro sa namayapang Inang Reyna, ngunit maging ang Salita ni Minea ay hindi napigilan ang dalawa, patuloy pa din itong nag kikita ng patago.

"Ano kayang sasabihin ng iyong kapatid na Reyna kapag nalaman nya na patuloy kang nakikipag kita sa Mandirigmang iyan" naka ngising saad ni Hitano, sapagkat isa si Amihan sa Hindi sumasang ayon sa pag iibigan ng Dalawa.

"Hitano, nag mamakaawa ako sayo wag mong sasabihin ito kay Amihan" pag mamakaawa ni Alena sa kawal. "Huli na Sanggre Alena, hindi mo mababago ang aking isipan, tandaan mo Akin ka lang" Sambit ni Hitano ng iwanan nya ang Dalawa sa Batis.

____

Nag aalala pa den si Alena ng bumalik syang Lireo, alam nyang sapag balik nya ay naisumbong na ni Hitano ang Pakikipag kita nya sa Mandirigma.

In The shadows of CrownsWhere stories live. Discover now