Prologue

392K 11.4K 4K
                                    

This is a work of fiction. All of the names, characters, places and events are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

An original story by Serialsleeper.

Plagiarism is a crime.



SKELETONS IN HER CLOSET

Prologue:


Dala ang isang folder ay pumasok ang baguhang detective sa loob ng isang interrogation room kung saan naroroon ang isang dalagang taas-noo habang nakatingin sa kawalan. May bahid ng dugo ang mga kamay at damit nito pero ni katiting na tensyon ay hindi bakas sa mukha ng dalaga.

Pinaandar ng Detective ang isang video camera na nakatutok sa direksyon ng dalaga at pagkatapos ay naupo siya sa tapat nito saka inilapag ang folder sa mesang nasa harapan nila.

"Ako si Detective Skylark Montoya—"

"Really dude? Really?" Sarcastikong sambit ng dalaga saka walang emosyong tiningnan sa mga mata ang gulat na detective. Gulat man, binuksan na lamang nito ang folder na naglalaman ng mga impormasyong patungkol sa kanya.

Napabuntong-hininga ang dalaga at napasandal na lamang sa kinauupuan na animo'y nababagot.

"My name is Maddieson Paredes but everyone calls me Maddy. I'm an 18-year old college student. I go to school by day and I work at a convenience store every night. At bago ko pa makalimutan, isa nga pala akong serial killer." Tahasan at walang paligoy-ligoy nitong pag-amin dahilan para makunot ang noo ng detective.

"Serial Killer?" Tanong ng detective na animo'y natatawa.

"Do you want me to define what a Serial killer is or do you want me to show you an actual demonstration? Take your pick." Sabi ng dalagang si Maddy saka ngumisi sabay sulyap sa baril na nasa pantalon ni Skylark.

Tumawa na lamang ang binatang detective para maipakita kay Maddy na hindi siya natitinag, "Kung isa ka ngang Serial Killer, bakit ka nandito? Ba't mo sinusuplong ang sarili mo?"

Gamit ang mga daliri ay kaswal na sinuklay ni Maddy ang mahaba at basa pa niyang buhok. Napatitig siya sa malaking salamin na nasa likuran lamang ni Skylark at muling ngumisi.

"Andito ako, sakin ka tumingin." Walang emosyong giit ng detective saka inilabas ang mga litrato ng bangkay mula sa folder na dala niya. Tumambad kay Maddy ang litrato ng mga kabataang duguan at wala ng buhay, ang ilan ay nagkalasog-lasog ang katawan hanggang sa puntong hindi na ito halos makilala.

"Ouch." Mahinang sambit ni Maddy at pabirong ngumiwi habang pinagmamasdan ang mga litrato.

"Kung isa ka ngang Serial Killer gaya ng sinasabi mo, ikaw ba ang pumatay sa kanila? Ikaw ba ang pumatay sa mga schoolmates mo?" Walang paligoy-ligoy na sambit ng detective kaya naman muling napatingin sa kanya ang ngayo'y nakangisi na ulit na si Maddy.

"Nope. To be honest, I actually didn't murder them. I mean, I wanted to but I can't do it because it's against my principles," Bahagyang inilapit ni Maddy ang mukha sa binata, "Hindi ako pumapatay ng mga kakilala. Precautionary measure my friend." Pabulong nitong sambit sabay taas-baba ng kilay niya.

"Miss adik ka ba?" Bulalas ng detective kaya natawa na lamang si Maddy.

"Bobo Karin pala no? Kakasabi ko lang, isa akong serial killer!" Giit ng natatawang si Maddy kaya napabuntong-hininga na lamang ang naiirita nang detective.

"Bakit ka ba talaga nandito? O sige sabihin mo nalang sakin sino ang mga pinatay mo." Sabi pa ng detective saka nasapo ang batok niya dahil sa kunsomisyon.

Kaswal na napahalumbaba si Maddy at tinitigan si Skylark habang nakangisi, "Detective Skylark Montoya, I am here to warn you plus if you want, I could even lend you a hand. See, I hate competitions. I am the only person who should be terrorizing this small town but unfortunately may umeepal and that epal happens to be the very person who did this to my schoolmates." Paliwanag pa nito sabay turo ng mga litratong nakalatag sa mesa.

Muling nakunot ang noon g detective, "May kilala akong psychiatrist. Matutulungan ka niya."

"Alam mo, cute ka sana eh kaso shushunga-shunga ka lang talaga!" Inis na sambit ni Maddy at napairap na lamang.

"Miss pwede ba, wala akong oras sa kalokohan mo." Inis na sambit naman ni Skyler at kinuha ang mga litrato at muli itong nilagay sa kanyang folder. Dismayado itong tumango ngunit sa pagtalikod niya ay muli na namang nagsalita ang dalaga.

"Detective I am the only chance you have. It's a win-win situation. Plus, ayaw mo naman sigurong mamatay yung apat pang nawawalang estudyante diba? I heard nakatanggap na kayo ng isang pares ng mga mata."

Agad na napalingon ang gulat na si Skylark kay Maddy, "P-paano mo nalaman ang tungkol diyan?"

"I got so many skeletons in my closet Detective. Help me find the person whose messing in my turf and I'll be glad to help you find your perp." Nakangising sambit ni Maddy.


End of prologue


Note: Yes guysss! This is a whodunit story but then again it's really more of a psychological-thriller. Sorry kung nagdagdag na naman ako ng on-going, I'm just so psyched to share this to you! Hihihi. Nahihirapan akong matulog kasi ito lagi nasa isipan ko these past few days kaya heto pinost ko na. hahaha. Thank you sa inyong lahat na nagbabasa and magbabasa nito. Hihihihi <333

I guess this will be just a short story but kahit short, I'll do my best to make this different among all. Sana magustuhan niyo. Thank youuuu <3

Ps, Yup! si Detective Skylark yung detective sa one-shot kong 'Spoliarium' ^_^


THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <33

Skeletons in her closetWhere stories live. Discover now