Chapter 26: Only place I call home

91.6K 4.6K 2.5K
                                    

26.

Only place I call home

Third Person's POV


"Come on sweetie, don't cry. We have to make this work, we have to do our best okay?" Pangungumbinsi ni Candy habang yakap-yakap mula sa likuran ang maluha-luha nang si Kiana. Kapwa sila sabik na sabik na makita ulit si Shannon kahit mula sa malayo.


Ito ang unang araw na papasok si Shannon sa katauhan niMaddieson sa eskwelahan ng Eastridge. Ito rin ang unang pagkakataon na muli nilang makakasalamuha ang dalaga mula nang mawala ito makalipas ang halos isang taon.


Makaraan ang ilang sandali ay nakita nila ang paglabas ni Maddieson mula sa sasakyan suot ang kulay itim na damit.


"S-she's not wearing pink, she should wear pink. I wear blue, she wears pink. That's our dynamic, but that isn't pink, why isn't she wearing pink anymore." Mabilis at umiiyak na sambit ni Kiana at napahawak na lamang ng mahigpit kay Candy. Pero alam ni Candy ang totoo, alam niyang umiiyak si Kiana dahil sabik na sabik na siyang mahagkan ulit ang kapatid.


"Kiana just like how we planned... Kakaibiganin natin si "Maddy" hanggang sa unti-unti niyang maalala sino tayo. Hindi natin ipipilit sa kanya kasi baka mas lalo lang siyang mawala sa'tin, naalala mo naman yung sabi ni Doc Bob diba?" Muling paalala ni Candy pero tanging iyak lamang ang naging sagot ni Kiana.


Ibinalik ni Candy ang tingin kay Maddy na kasalukuyang naglalakad papasok ng building ng skwelahan, maging siya'y hindi napigilan pang maluha.


"She's still Shannon. Deep down she's still Shannon." Paulit-ulit na sambit ni Candy habang pilit na ngumingiti kahit pa patuloy ang pag-agos ng luha mula sa mga mata niya.


Makaraan ang ilang sandali ay bigla na lamang tumunog ang cellphone ni Candy kaya naman pansamantala niyang binitawan si Kiana upang sagutin ito. Nagulat na lamang siya nang mapansing tumatakbo na si Kiana patungo sa direksyon ni "Maddy".


"Kiana!" Hahabulin sana ni Candy si Kiana ngunit hindi na niya nagawa.


"Hello Sissy!" Bulalas ni Kiana bago pa man tuluyang makaakyat si Maddy sa hagdan. Hinihingal man at pinagpapawisan dahil sa pagtakbo, hindi maalis ang ngiti sa mukha ni Kiana.


"Hi?" Naguguluhang sambit ni Maddy ngunit hindi na nakapagsalita pa si Kiana na nakapako sa kinatatayuan. Labis ang panginginig ng mga kamay ni Kiana at nagsisimula nang mangilid ang luha sa mga mata niya. Gusto niyang magsalita ngunit natatakot siyang bumigay at maiyak ng labis kaya naman nanatili na lamang siyang ngiti. Labis ang saya niya ngayong kaharap na niya ang kapatid na matagal na nawalay sa kanya. Gustong-gusto niya itong hagkan ngunit hindi niya magawa.


"Uhm.. Mauna na ako." Naiilang na sambit ni Maddy at agad na tumalikod kay Kiana upang umakyat ng hagdan.


"Wait!" Hindi mapigilan ni Kiana na mapasigaw dahil sa labis na pangungulila. Nakita ni Kiana na huminto si Maddy sa paggalaw ngunit nakita rin niya ang pagkuyom ng kamao nito bagay na labis niyang ikinalungkot.

Skeletons in her closetOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz