Chapter 24: Polaris

94.9K 4.8K 2.3K
                                    

24.

Polaris

Third Person's POV


"Listen to me, Shannon please listen to me," Nauutal at aligagang sambit ni Sage habang hawak ang magkabilang pisngi ng umiiyak at litong-lito paring si Shannon na nakaupo lamang sa sahig.


"You are not Maddieson Paredes, You don't have to be Maddieson Paredes anymore. Hindi ka na niya masasaktan pa, hindi mo na kailangang matakot pa. Andito ako, andito kami, poprotektahan ka namin kahit na anong mangyari! Ikaw si Shannon Galvez, ikaw ang Shannon namin kaya please bumalik ka na sa amin! Ligtas ka na at hindi namin hahayaang makalapit ulit siya sayo! Just please! Please come back..." Maluha-luhang sambit ni Sage habang pilit na pinapatitig si Shannon sa mga mata niya.


Unti-unting nag-angat ng tingin si Shannon at tiningnan pabalik si Sage gamit ang mga matang ayaw tumigil sa pagluha.


Ilang sandaling namayani ang katahimikan sa kanilang lahat. Nanatiling nakatitig sina Shannon at Sage sa isa't-isa habang nakatanaw lamang sa kanila sina Toshino, Aiden at Candy na kapwa umaasang mababalik sa dati ang nasirang kaibigan.


"I am not Shannon Galvez!" Laking gulat nilang lahat nang bigla na lamang umalingawngaw ang napakalakas na sigaw ni Shannon. Dali-dali nitong itinulak palayo ang gulat na si Sage.


"I'm Maddieson Paredes but everyone calls me Maddy. I'm an 18-year old college student. I go to school by day and I work at a convenience store every night. At bago ko pa makalimutan, isa nga pala akong serial killer." Mabilis at paulit-ulit na bulong ni Shannon sa sarili na animo'y tuluyan nang tinakasan ng katinuan. Habang paulit-ulit niya itong sinasabi ay nagmamadali at aligaga niyang inakyat ang maliit na na platform na nagsisilbing railings ng rooftop. Inakyat niya ito na tila ba handang-handa na siyang wakasan ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagtalon mula rito.


"Shannon!" Labis na nataranta ang lahat sa nakita.


Nang akmang ilalaglag na ni Shannon ang sarili ay dali-daling hinigit ni Sage mula sa bewang ang dalaga dahilan para malaglag ito mula sa platform at kapwa sila madapa sa sahig. Dali-dali namang lumapit ang tatlo upang tulungan si Sage na pakalmahin si Shannon.


"Shannon!" Umalingawngaw ang naglalakasan nilang sigawan habang pilit nilang pinipigilan ang pagpupumiglas ni Shannon na nagpupumilit paring umakyat sa platform upang wakasan ang sariling buhay.


"I'm Maddieson Paredes but everyone calls me Maddy! I'm an 18-year old college student! I go to school by day and I work at a convenience store every night! Isa akong serial killer! Isa akong serial killer!" Muli, paulit-ulit na sambit ng tila ba wala sa sariling si Shannon. Nanlilisik ang luhaang mga mata ng dalaga, nanginginig at hindi mapakali. Tila ba wala itong ibang gustong gawin kundi wakasan ang sariling buhay. Mistula itong takot na takot at labis na naguguluhan bagay na labis ikinaiyak ng kanyang mga kaibigan.


"Shannon tama na! Shannon kami 'to! Please huminahon ka!" Umiiyak na pagmamakaawa ni Candy habang pilit itong niyayakap.


Sa gitna ng pagpupumiglas at pagwawala, iisang alaala lamang ang tumatakbo sa isipan ni Shannon.

Skeletons in her closetWhere stories live. Discover now