Chapter 28: As close as strangers

98.5K 4.3K 2.2K
                                    

28.

As close as strangers

Third Person's POV


"Sage saan na tayo pupunta?" Nag-aalalang tanong ni Shannon kay Sage habang hawak-kamay silang naglalakad ng mabilis, kapwa nakayuko ang mga ulong natatakpan ng suot na hoodie.


"Doon." Bulalas ni Sage nang matanaw ang Frostwind University na malapit na nilang marating.


"Sage it's almost 10pm, the school's already closed! Hindi tayo makakapasok!" Giit ni Shannon ngunit sa kabila nito'y hindi siya tumitigil sa pagsunod kay Sage.


"Hindi mo pa nga talaga naalala ang lahat." Sabi pa ni Sage.


Naguguluhan man, walang ibang ginawa si Shannon kundi mapahawak pabalik sa kamay ng binata't sundan ito hanggang makarating sila sa likurang bahagi ng eskwelahan kung saan naroroon ang isang malaking pader at sa tabi nito ay isang puno ng mangga.


"Hindi mo naalala, pero sa tuwing nale-late tayo sa flag ceremony, inaakyat natin ang punong 'to para makapasok sa loob." Natatawang sambit ni Sage dahilan para mapatingala si Shannon sa puno hanggang sa unti-unting namuo sa isipan niya ang isang alaala.


"Candy bilis! Late na tayo!" Natatarantang sambit ni Shannon habang tumatakbo ng napakabilis ngunit laking dismaya niya nang makitang nakasara na ang gate ng eskwelahan at naririnig na niya ang school hymn na tinutugtog sa loob.


"Uy, late na tayo. Tara sa bahay, movie marathon tayo." Nakangising sambit ni Candy na animo'y natutuwa pa dahil nahuli sila ng dating.


"Newsflash! Nasa loob si Kiana at hinatid siya ng mga guards ni Papa kaninang umaga. Magtataka ang mga teacher at tatanungin nila ang kapatid kung bakit wala ako!" Katwiran ni Shannon.


"Edi i-text mo si Kiana, hindi ka naman isusumbong nun eh! Sige na, it's not like babagsak tayo kahit one day absent lang. Think of it this way, hinahayaan nating mag-excel ang classmates natin kahit today lang dahil wala tayo." Katwiran naman ni Candy.


Biglang tumunog ang cellphone ni Shannon kaya naman agad niyang binasa ang text message na natanggap.


From: +639*********

Ba't ka absent? Ok ka lang?


"Sino 'yan?" Tanong ni Candy.

"Unknown Number?" Kunot-noong sambit ni Shannon.

Naguguluhan man, sinagot parin ito ni Shannon.


To: +639*********

Late & stuck @ gate :(

Cno to?


Skeletons in her closetWhere stories live. Discover now