Chapter 9: Too late for regrets

129K 5.2K 2.4K
                                    

9.

Too late for regrets

Maddy


Pagpasok ko pa lamang sa gate ng Frostwind University ay nagulat ako nang biglang tumambad sakin ang napakalaking banner na may litrato ni Toshino. Naka-thumbs up siya habang nakanganga tapos ang design pa ng white t-shirt niya ay litraro niya na nakathumbs-up at nakanganga. Crazy... but cute.


"Ako si Toto at titiradurin ko ang hadlang sa iyong kinabukasan." Basa ko sa slogan na naka-imprenta sa banner. Hindi ko na napigilan pa ang sarili kong matawa.


"Ang Bangis ng slogan ko diba?" Biglang sumulpot si Toto sa harapan ko na nakanganga habang naka-thumbs up at gaya ng nasa banner ay suot-suot niya parin ang kulay puting t-shirt na may mukha niyang kagaya ng pose niya.


"Dude, close your mouth. The world has enough pollution." Biro ko dahilan para agad mawala ang ngiti sa mukha niya at imbes na thumb, ang middle finger na niya ang nakataas.


"Sakit mong magsalita. Pag ako nanalo bilang Student Council President, iba-ban ko talaga na makapasok ang mga pink sa lugar nato." Pagyayabang niya dahilan para matawa ako lalo.


"But you're pink too.... Majintoto." Pang-aasar ko sabay ngisi ng nakakaloko.


Napabuntong-hininga si Toshino at inabot sakin ang dala niyang mga poster, "Okay lang Maddy, alam kong balang-araw matatanggap mo rin ang katotohanang hindi kita kayang mahalin gaya ng pagmamahal mo sakin." Nakangiti niyang sambit habang nakapikit sabay tapik sa likod ko.


"And what am I gonna do with these posters filled with your feces—I mean faces?" Ganti ko sabay taas ng mga poster na pinahawak niya sakin.


"Bangis!" Nakangising sambit ni Toshino at pinalakpakan pa ako.


"Mukha kang bangus." Biro ko na lamang at binalik sa kanya ang mga poster niya.


"I'm not asking you to spread your legs, I'm asking you to spread these posters." Giit niya sabay kindat dahilan para muli akong matawa.


"Wow naman Toshi! Tatakbo ka lang bilang student council president, umi-english ka na!" Biro ko sabay takip ng ilong ko. "Seryoso ka ba talagang tatakbo ka bilang student council president?" Tanong ko pa habang kapwa kami naglalakad papunta sa classroom namin.


"Kasing seryoso ng buhok ni Pnoy." Aniya at saglit na napatitig sa kalingatan, "Sa unang pagkakataon, paninindigan ko ang lahat ng kalokohan ko." Dagdag niya pa.


"What do you mean by that?" Usisa ko. Wala lang, mukhang masarap makipagdaldalan sa isang 'to.


Napabuntong-hininga si Toshino at ngumiti habang nakatingin ng deretso sa nilalakaran namin, "Nagkaroon kami ng pustahan ni Shannon noong highschool palang kami. Pag natalo ako sa pustahan, tatakbo ako bilang presidente. Kahit nuisance candidate lang, panggulo imbes pangulo." Aniya.


"So that's why you're running for election now? Because of her... Pero ba't ka tatakbo ngayon? No offense, but she's already dead... alam mo na..." Sabi ko na lamang.

Skeletons in her closetWhere stories live. Discover now